Kailangan nga siguro si Jayden ng bansa. Kailangan din siguro ito ng mundo pero di naman siya interesado dito. Mula pagkabata ay karibal na niya ito sa atensiyon ng mga magulang. Namatay ang nakatatanda niyang kapatid na lalaki. Buntis noon ang nanay niya sa kanya. Noon naman ay kapapanganak pa lang ni Jayden. Ito ang naging libangan ng mga magulang niya para makalimutan ang pagkamatay ng kuya niya. Parang anak na rin ang trato dito. At dahil tatlo silang magkakapatid na lalaki, si Jayden ang itinuring na anak na lalaki ng pamilya. Sa halip na sa kanya lang ang atensiyon, nakikiagaw pa ito.
Ilang beses na nitong binuwisit ang love life niya noong mga teenager pa si Tuwing magkaka-interes siya sa isang lalaki, nakakahanap ito ng paraan para ipakita sa mga magulang niya na mali siya sa pagpili. Nakakainis! Parang wala nang ibang matinong lalaki sa mundo sa paningin ng mga magulang niya kundi si Jayden. Jayden! Jayden! Jayden! Nakakarindi na!
At ngayon ay bidang-bida pa ang dating nito dahil miyembro ito ng pamosong Stallion Island Leisure Club. Kabungguang siko lang naman nito si Prince Rostam. Great! Ngayon ay pinagpipiyestahan pa tiyak ang kumag ng mga babae.
"Mama, nandito na si Kuya Thorn at Ate Pinay!" anunsiyo ni Prinzess.
"Andito na pala ang dalawang pamangkin ko. Ikaw na muna ang bahala dito, ha? Pero kapag may dumating na bisitang guwapo, iwan mo na iyang niluluto mo. Lalo na kung Stallion Boy, huwag mo nang pakakawalan."
A Stallion Boy is equivalent to a Prince Charming. Prince Charming equals fairy tale. Definitely where Jayden Arcega is concerned, fairy tales don't exist.
Itinirik niya ang mata. "Sus! Di ko talaga pakakawalan ang kumag na Jayden na iyon. Dahil kapag pineste niya ang buhay ko, ipapabitin ko siya nang patiwarik sa isang lumilipad na helicopter papunta sa Stallion Island niya."
"Sinong kausap mo diyan?" untag sa kanya ng isang boses.
Muntik na siyang atikihin sa puso nang bumulaga sa kanya ang clown nila sa araw na iyon na si Lee. Hinampas niya ito sa balikat. "Lee naman! Huwag ka ngang nanggugulat! Gusto mo bang mamatay ako dito sa heart attack? Saka clown ka. Hindi ka pang-horror. Gutom ka na ba? Gusto mong kumain?"
Gaya niya ay volunteer din ito sa women's crisis center. May kaya naman si Lee. Sa katunayan ay financial consultant ito ng ilang kilalang negosyante. Pero di tulad ng ibang mga pilantropo na nagdo-donate ng pera sa mga charitable institutions, oras naman ni Lee ang idino-donate nito. Tulad ngayon. Nagkusa pa itong maging clown at mukhang nag-e-enjoy naman ito.
Sa gulat niya ay umuklo ito sa likod ng counter. "Dito muna ako, ha?" Saka ito pasilip-silip na parang may pinagtataguan.
"O! Bakit ka nagtatago? May pinagkakautangan ka ba sa labas na ayaw mong makita? Okay lang iyan! Clown ka naman ngayon. Di ka niya mamumukhaan."
"Look! Gusto kong makita ako ni Pinay. But not like this. Hindi mukhang clown." Sumilip ito sa bintana. "Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataon na ito. Akala ko kasi hindi siya dadating."
"Si Pinay? Iyong pamangkin ni Tita Yolie?" Tinapik niya ang balikat nito. "Ang alam ko mataray iyon at man-hater. Goodluck kung siya ang type mo."
"Nakakatakot kasi ang babaeng iyon. Ang liit-liit na tao pero masungit." Nanlalambot itong sumandal sa pader. "Anong gagawin ko? Di ko yata kayang humarap sa kanya ngayon. Baka wala kasi akong masabi. Di na lang ako magpapakilala."
Kawawang bata. Mukhang in love pa mandin ito sa kay Pinay. Di niya alam kung ano ang ikinakatakot ni Lee. Guwapo naman ito, matalino, may matatag na hanapbuhay at mabait. Ang totoo ay maraming volunteers ang nagkakandarapa dito. Di niya maintindihan kung bakit nanghihina ito dahil sa isang babae.
"Let me give you a tip. Kahit gaano pa kalakas ang isang babae, dapat maipakita ng isang lalaki na tapatan ang lakas na iyon. Ayaw naming mga babae ng lalaking lalampa-lampa," sabi niya at saka binitbit ang tray ng brownies.
Kaya gusto niya ng lalaki na malakas at kaya siyang alagaan. Kung masisindak lang naman siya ng isang lalaki, huwag na lang.
BINABASA MO ANG
Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena Completed
RomanceTwo childhood enemies. One romantic island. Sino ang unang mai-in love. Published under Precious Hearts Romances. First edition 2009