Chapter 18

6.2K 102 6
                                    

Ilang beses kumurap ang mata niya habang nakatitig kay Jayden. The warmth in his eyes was unmistakable. Parang ibinubuhos nito ang lahat ng emosyon nito habang samantalang isinusuot lang naman nito ang singsing na magsisilbing passage niya papasok ng Stallion Island.

But it was almost like a marital vow. Parang gagawin lang iyon ng isang lalaki sa babaeng mahal nito. Naramdaman niya ang pangingilid ng luha sa mata niya. Bakit na-touch siya sa ginawa at sinabi nito? Is she crazy?

Nakalutang pa rin siya nang ipasok sa machine ang kamay niya. Masuyo iyong hinawakan ni Wyndham paglabas ng machine. "Welcome to Stallion Island, Imhan," usal nito at hinalikan siya sa pisngi.

Hawak niya ang pisngi at parang wala sa sarili na nakasunod dito. Parang may narinig kasi siya na may nagsabing "you may now kiss the bride".

Paglabas nila ng terminal ay nagulat siya nang salubungin siya ng malakas na tugtugan ng banda. Animo'y may street party dahil nagsasayawan ang lahat at naghiyawan at nagpalakpakan pa nang makita sila. Nagulat pa siya nang umulan ng confetti. "Anong meron?" tanong niya kay Jayden.

Isang singkit at matangkad na lalaki ang lumapit kay Jayden at kinamayan ito. "Congratulations, Jayden! You finally tied the knot!"

"Anong gulo ba ito, Jairon?" tanong ni Jayden.

Tied the knot? Kasal? Kanino ikinasal si Jayden? Wala rin siguro itong girlfriend kundi ay di ito maglalakas-loob na yayain siya ng date.

Kinayaman siya ni Jairon. "You must be the lucky bride."

Natulala na lang siya nang kamayan siya ng iba pang nagpakilalang member ng Stallion Island. Lumulutang ang isip niya. Ni hindi na nga niya pinansin na lahat ng nakikipagkilala sa kanya ay gwapo. Isa lang ang tanong sa isip niya. Paano siya naging bride ni Jayden? Anong ibig sabihin no'n?

Ni hindi man lang iyon napansin ng mga magulang niya dahil niyaya na itong magsayaw ng grupo nila Jairon. At si Remus naman, pakiramdam ay welcome na welcome ito sa Stallion Island. "I am Doctor Remus Amoranto," pakilala nito.

"You must be the best man," hula ni TJ, isang record producer.

"Of course, I am the best!" sa halip ay sagot ni Remus. Ilan ang nagyaya sa kanyang sumayaw pero di siya makaalis sa tabi ni Jayden. He looked troubled.

Jayden put on his headset. "Oliver, pwede bang paki-clear ang mga tao dito? I can't control them. This is a mistake." Nilingon siya nito. "Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo."

Lumapit sa kanila si Yzaak, ang boss ni Jayden sa RENGY Powers. "Hindi ba kayo magsasayaw? Hindi ba sabi mo sa akin na magaling si Imhan magsayaw?"

"Not now, man. Pwede bang tapusin na ninyo ang party? Wala namang dahilan para mag-party." Isang lalaki na nakasuot ng kendo uniform ang lumapit sa kanila. Bitbit pa nito ang kendo stick at mukhang di maganda ang mood. "Ridge, mabuti dumating ka na. Tell them the party is over. Magsibalik na sila sa kanya-kanya nilang buhay."

"Iniwan ko nga ang kendo practice ko para maki-party at di masabihang killjoy. Bakit ko ititigil ang party? Kahit si Sir Oliver ayaw pumayag na itigil." Tinapik nito ang balikat ni Jayden. "Congratulations!" Saka tumingin si Ridge sa direksiyon niya at inabot ang kamay.

"I am Imhan," wika na lang niya at kinamayan ito.

"Imhan, maraming ikinu-kwento si Jayden tungkol sa iyo," wika ni Ridge.

"Oo nga," sang-ayon ni Yzaak. Pero kinaladkad na ni Jayden ang mga ito palayo at kinausap. Napansin niya na tumingin ang mga ito sa direksiyon ni Remus at sumama ang timplada ng mukha ng dalawa.

Maya maya pa ay umakyat si Ridge sa stage at tumigil ang musika. "Tuloy ang party pero kailangan nang umalis ni Jayden at ng mga bisita niya."

Inalalayan siya ni Jayden pasakay sa mini-jeepney na tumigil sa harap nila. Nakahinga nang maluwag lalo na nang makita niya ang bahagyang pagngiti ni Jayden.

"Aalis na agad tayo?" reklamo ni Remus. "Ngayon ko pa lang nakikilalang mabuti ang mga bagong kaibigan ko." Kaibigan na agad ang tawag nito sa mga members na noon pa lang nito nakilala. Hindi siya nito sinulyapan man lang dahil busy ito sa pakikipagmabutihan sa ibang members.

"Kanina pa naghihintay si Captain Trent sa atin sa pier. Ang mga gamit natin ipapadala ko na lang sa villa," wika ni Jayden.

"Sa pier?" tanong ni Remus. "Anong gagawin natin doon? May ipapakilala ka ba sa aking bagong member?"

"We will go catamaran sailing and fishing," sagot ng tatay niya. 

***

Hanggang dito na po muna ang update ko. Sa nagmamadaling basahin agad ang complete version, The book version is available at www.shopee.ph/sofiaphr, Facebook: My Precious Treasures, at sa www.patreon.com/filipinonovelist. Of course, Stallion Series is on Webnovel pero sa gusto ng book version with pirma po namin ni Sonia, order na lang po sila.


Until my next update!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Until my next update!

Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon