Chapter 29

5.4K 94 8
                                    


Bigla nitong hinagip ang kamay niya at matalim ang matang tinitigan ang singsing sa kamay niya. "Ayaw mo ba sa akin dahil hindi na ako magiging member ng Stallion Island? Kaya mas gusto mo si Jayden Arcega?"

"For the record, wala akong pakialam kung member ka ng Stallion Island o hindi. O kung pulubi ka man o pag-aari mo man ang buong Africa. I accepted you for what you are. At ganoon din ako kay Jayden. Kung anuman ang namamagitan sa amin, sa aming dalawa na lang iyon."

Kahit kailan, hindi ipinamukha ni Jayden sa kanya na miyembro ito ng Stallion Island. He just showed the real him. Ipinaramdam nito kung paano siya nito handang alagaan at protektahan. He made her fall by simply being his self.

"Excuse me. Pwede ko bang makausap si Remus?"

Gulat niyang nilingon ang nakikiusap na boses. It was Lou. Mamasa-masa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Sa palagay niya ay malaki ang problema nito. Malayo ito sa mataray na boss niya.

"May importante kaming pinag-uusapan ni Imhan. Leave us alone!" pagtataboy ni Remus dito.

Huminga nang malalim si Lou at kumislap ang katapangan sa mga mata nito. "Then I will stay here. Di naman kailangang umalis ni Miss Panganiban kung okay lang sa iyo na marinig niya ang sasabihin ko."

Natigilan si Remus at dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak sa kamay niya. "Sa ibang araw na lang tayo mag-usap, Imhan."

Dali-dali siyang umalis pero di niya maipaliwanag ang lungkot sa mga mata ni Lou. Kahit na masungit sa kanya ang boss niya, concern pa rin siya sa dinadala nito. Kung may maitutulong lang sana siya dito.

MAINGAT na ipinarada ni Imhan ang kotse niya sa parking lot ng ecopark. Di pa siya nakakababa ay naroon na si Jayden at masama ang tingin sa kanya.

"You are late, Miss Panganiban," anito sa pormal na boses.

Humalik siya sa pisngi nito. "I am sorry. Na-traffic ako."

"Tinanghali ka na naman siguro ng gising," anito at tumuloy sa likuran ng kotse niya para kunin ang mga niluto niyang pagkain. "Kanina pa kami naghihintay ng mga bata. Madami na nga kaming naitanim."

May tour ang mga staff at mga kinakanlong nilang bata at kababaihan women's crisis center. Sa La Mesa Dam Ecopark ang napili nila. Si Jayden ang may ideya niyon para daw bata pa lang ay matuto na ang mga bata na magmahal sa kalikasan. Maganda din daw iyong personality development dahil ang isang taong mapagmahal sa kalikasan ay mapagmahal din sa kapwa tao.

Mukhang napaaga ang tree planting ng mga ito dahil may putik na ang short at T-shirt ni Jayden. Bahagya na rin itong pinawisan. "Bakit wala kang towelette sa likod?" tanong niya at kumuha ng towelette sa bag niya.

"Ha? Para kang si Mama! Hindi ko na kailangan iyan. Malaki na ako."

"I promised to take care of you. Huwag ka nang umangal diyan." He grunted out loud. Pero wala naman itong nagawa nang lagyan niya ng salupil ang likod nito. "Gusto ko lang namang alagaan ka tulad ng pag-aalaga mo sa akin."

Bahagya itong ngumiti pero binawi din nang ilapag sa picnic table ang basket ng pagkain kasama ang iba pang pagkain na dala ng mga unang dumating. "Nagutom na ako kahihintay sa iyo. Tiyakin mo lang na mabubusog ako kundi ikaw ang kakainin ko."

He clawed his hands and acted like a monster. Napasigaw siya nang habulin siya ni Jayden. "Jayden, huwag!" bata pa lang siya ay takot na siya kapag hinahabol siya ni Jayden nang ganoon ang itsura. Ibig sabihin ay kikilitiin siya nito sa huli.

Napailing si Yolie nang makita sila. "Ito talagang mga batang ito. Imhan, magtanim ka. Sabi ni Jayden, dapat lahat tayo may maitanim na puno dito."

Bahagyang nag-behave si Jayden but there was still a naughty glint in his eyes. Alam niyang hindi pa ito tapos sa kanya. 

***

Ilang chapters na lang ibabaka natin. Sa mga excited pong matapos agad hanggang Book 18, meron po sa www.preciouspagesebookstore.com.ph. Pwede din sa Patreon kasi hanggang Book 9 na po ang updated doon at 2 USD lang ang unli reads. Patreon also has an app. Mas mabilis po ang upload diyan ng stories. 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you po sa mga nag-Patreon na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank you po sa mga nag-Patreon na. May pang-Globe At Home kahit paano.  Designed po talaga iyan to support writers kahit gaano kaliit so super thank you! :)


At sa mga tropang Stallionatics dito sa Wattpad, until next update po. Happy reading!

Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon