Chapter 15

6K 104 3
                                    

"Jayden, keep in mind that you are not allowed to kiss me. Kundi masasaktan ka talaga sa akin," mariing paalala ni Imhan habang nakatitig sa kontratang pareho nilang pinirmahan ni Jayden. Iyon ang nagsilbing passport ni Rahya para makapasok sa Stallion Island. Pumapayag siyang makipag-date kay Jayden pero may kundisyon.

Narinig ni Imhan ang paghikab nito mula sa kabilang linya. "Okay."

Mariing nagdikit ang mga labi niya. "Sineseryoso mo ba itong usapan natin?"

Parang balewala dito ang kondisyon niya. Mahigpit ang bilin niya na bawal gumawa ng kahit anong sexual advances si Jayden sa kanya. Kung pwede nga lang ipagbawal na titigan siya nito at ngitian.

"Imhan, I memorized that contract by heart. Sa loob ng isang linggo, araw-araw nating pinag-uusapan iyan. And I assured you every now and then that I would fulfill the contract, so help me God! Pati iyong abogadong kinuha mo na si Thorn Vance, kinausap ko na din. Tiniyak ko na di ko basta-basta hahawakan ang kamay mo maliban kung kinakailangan o kaya ikaw mismo ang mag-request sa akin."

There was humor on his voice at the last sentence. Lalo tuloy siyang nairita. "Hindi ako magre-request sa iyo."

Ilang araw na siyang nababalisa. Di niya alam kung tama ba na gumawa pa siya ng ganoong kontrata. Pero gusto lang naman niyang protektahan ang sarili niya kung sakaling may masamang plano sa kanya si Jayden.

"Imhan, hindi naman kita pinipilit na makipag-date sa akin. Natulungan ko ang kaibigan mo.Natulungan ko rin ang isang kaibigan ko dito sa isla.That's enough."

"No. Humingi ako sa iyo ng pabor. Mabuti na ito para di ko na tanawin na utang na loob sa iyo at wala kang maisumbat sa akin balang-araw."

"You are being melodramatic again. Araw-araw natin itong inuulit."

"Mabuti na iyong malinaw." Di siya napapalagay sa isang araw at di man lang makatulog nang di niya nakakausap si Jayden tungkol doon.

"Excited ka namang masyado sa date natin. Relax! Solong-solo mo ang atensiyon ko kapag nasa isla tayo."

Kung kaharap lang niya ito, baka binato na niya ito ng tsinelas sa mukha. Paano siyang mae-excite sa date nila? Pakiramdam nga niya ay bibitayin na siya.

"Friendly date lang ito. No kiss, no touch."

"Sige, kung matitiis mo iyon," panunukso nito.

"Jayden!" saway niya dito at naramdaman niya ang pamumula ng pisngi niya.

"Dream of me, Imhan!"

Nanlulumo siyang humiga sa sofa at napatitig sa kisame. Naalala niya nang magkatitigan sila noong nakaraan silang magkita habang magkapatong ang kamay nila sa buhangin. Kung wala kaya doon ang mga pamangkin niya, hahalikan kaya siya nito? Iyon ang isa pang bagay na di nagpapatahimik sa kanya.

Sa susunod na araw na ang pagpunta niya sa Stallion Island. Silang dalawa lang sa date nila. Paano kung halikan na lang siya nito basta. Di niya alam kung kaya pa niyang kontrolin ang emosyon niya.

She was startled when the doorbell rang. Dali-dali niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang kaibigang si Rahya. "I am back!"

Niyakap niya ang kaibigan. Gumaan ang pakiramdam niya nang makita itong nakangiti. "Anong nangyari sa iyo doon? Nasunog ang balat mo!"

"Oo nga. Na-sunburn ako but it is worth it. My plan worked. Nang mag-stay ako sa Stallion Island, nakakuha ako ng bagong idea para sa commercial. And Misha is also thrilled about it. Nag-enjoy pa kami."

Parang isang relaxing na bakasyon ang pinanggalingan nito at hindi trabaho. "Hmmm... Na-enjoy mo ang company ng terror mong boss?"

Naglaro ang kakaibang ngiti sa labi nito. "Well, Stallion Island is a magical place. I am sure you will fall in love with the island. Baka nga magbago rin ang isip mo tungkol kay Jayden at magustuhan mo din siya."

Bumagsak ang balikat niya at umupo sa sofa. "I-I don't really know. Hindi ko kayang pagkatiwalaan na makasama si Jayden nang kami lang."

Ginagap nito ang palad niya. "Hindi ko sasabihin ito dahil lang ginawan ako ng pabor ni Jayden. But he is a nice man. At sa palagay ko di ka rin makikipag-kasundo na makipag-date sa kanya kung kahit paano di mo siya pinagkakatiwalaan. He even assured me na wala siyang masamang intensiyon sa iyo."

Huminga siya nang malalim at sumandal sa sofa. "I don't really know.

She could be vulnerable to attraction where Jayden was concerned. What if he had seduction in mind? Hindi ito ang lalaking gusto niyang maging boyfriend. At di rin naman niya tiyak kung gusto rin siya nitong maging seryosong girlfriend.

May inilabas na maliit na kahon si Rahya sa bag nito. "Para sa iyo."

Nang buksan niya iyon ay may necklace na may pendant white gold ring. Kumunot ang noo niya nang makitang nakaukit doon ang pangalan ni Jayden. "Para saan ito? Bakit may pangalan pa niya?"

"Isusuot mo iyan kapag papasok ka sa Stallion. Saka may gold pass ka galing sa kanya kaya siguro pinasadya niya ang singsing na iyan para sa iyo. May singsing din naman akong isinuot bago ako makapasok sa Stallion Island. It is exciting."

Nilaro niya sa daliri niya ang singsing. It was like a foreign object. Iba kasi ang kahulugan ng singsing na iyon lalo na't galing kay Jayden at may pangalan nito. "Is that it? I need this ring to enter the island?"

"Yes. Ang sabi ni Jayden, ikaw lang ang pwedeng gumamit ng singsing na iyan. I will zip my lips. Gusto kong masorpresa ka na lang pagtapak mo sa isla."

Surprises. She hated surprises especially one coming from Jayden. Pero hindi na siya pwedeng umurong. This is it! 

***

Sino ang di pa nakaka-join sa subscribers ko? Para di po sila rant nang rant kapag wala akong updates at alam n'yo kung may sakit ba ako, walang internet, o kung humihinga pa ako. Panoorin lang po itong video for instruction. Sa Facebook Messenger po ninyo papasok ang update. Wag lang po silang mag-unsubscribe.




Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon