Chapter 16

5.7K 116 3
                                    

NAKATITIG lang si Imhan sa singsing sa kamay niya na may nakaukit na pangalan ni Jayden. Ilang sandali na lang ang hinihintay niya para sunduin siya ni Jayden papunta sa Stallion Island. Handa na siya. Marunong siyang tumupad sa usapan kaya doon siya dapat mag-focus. Gaya ng sabi ni Rahya, di niya dapat masamain na kasama niya si Jayden. She should just enjoy the island.

"Huwag mong kalilimutan ang Stallion Shampoo mo. Hindi nag-dry ang buhok ko sa isla nang iyan ang gamit ko. At siyempre, pang-akit iyan sa mga boys."

Nilingon niya si Rahya na mas excited pa sa kanya. Nag-sleepover pa ito sa bahay niya para mag-empake ng gamit niya. Daig pa nito ang nanay niya sa pag-aasikaso. Tiniyak nito na lahat ng gamit na dadalhin niya sa isla ay magagamit niya at babagay sa lugar.

"Rahya, wala ka bang balak magpahinga? May trabaho ka pa mamaya."

"Mamaya pa iyon. What's important is now. Ihanda mo na lang ang sarili mo dahil baka iba na ang takbo ng isip mo pag-alis mo doon."

"Magpalit ang isip saan?"

Ibinuka nito ang palad at saka pumikit. Parang isa itong manghuhula o psychic na may nakikita sa future niya. "Sa kay Jayden. That island is magical. Kahit ang init ng ulo ko kay Boss Sungit nawala."

"No. I am okay with my relationship with Jayden right now." Di niya ito kaaway pero gusto niyang manatili ang distansiya dito. Hindi niya gugustuhing tawirin ang delikadong linya na nasa pagitan nila. It might cost her a lot.

Basta magbabakasyon siya sa isla ng tatlong araw. Babalik siya sa Manila nang walang galos. And she would go on with her life. Walang mag-iiba sa samahan nila ni Jayden. Hinding-hindi siya magpapadala sa kahit anong magic. She'll keep her heart guarded. Kaya niya ang tatlong araw na iyon.

"Huwag mong sabihin na iniisip mo pa ring maging boyfriend si Doc Remus?"

"Siyempre. Siya ang nanliligaw sa akin."

"Paano kung ligawan ka ni Jayden?"

Parang isang tagapagligtas ang ugong kotse sa tapat ng bahay niya. "They are here! I have to go!" That was her much needed escape.

Rahya's question was the sort that she didn't want to answer. She didn't even want to entertain the thought. Paano kung ligawan nga siya ni Jayden-the gorgeous Jayden with a knee-melting smile? Ngayon pa lang ay nanlalambot na siya.

"Are you ready?" tanong ni Jayden na nakatayo na pala sa likuran niya at kinuha ang bag mula sa kamay niya.

"Yeah!" aniya at binigyan ito ng impersonal na ngiti. Keep your guard up! Keep your guard up, paulit-ulit niyang bulong sa sarili niya.

"Tito Em! Tita Es!" bati ni Rahya sa magulang niya. Nagulat siya nang dahil nakasakay sa SUV ni Jayden ang mga ito. "Ihahatid po ninyo si Imhan sa airport?"

Sinabi pala ni Jayden na sasama siya dito sa Stallion Island. Nag-aalala ba ang mga ito sa kanya kaya ihahatid pa siya sa aiport o excited din ang mga ito sa magiging date nila ni Jayden?

"Gusto ni Jayden na magbakasyon daw kami kahit dalawang araw lang sa Stallion Island. Akala ko nga para sa mga bata lang ang lugar na iyon," sabi ng nanay niya. "Regalo daw niya sa anniversary namin."

"Sino ba ang may sabi na matanda na kayo, Tita? Kalabaw lang ang tumatanda," sabi ni Jayden. Di siya makapaniwala habang nakatitig dito. Ready na siya sa date nila. Bakit biglang kasama ang mga magulang niya?

Mukhang di masaya ang tatay niya. Hawak lang nito ang kamay ng nanay niya habang nakatitig sa mukha nito. "Parang di ko yata gustong pumunta sa Stallion Island. Baka kasi maagaw ka pa ng mas batang lalaki."

"Tay, love na love kayo ni Nanay kaya huwag kayong matakot," sabi niya.

"A foursome date! How sweet!" bulong ni Rahya nang magpaalam sa kanya.

"Mabuti nga iyon para safe," usal niya. Pero bakit parang mabigat ang loob niya nang maisip na di sila magsosolo ni Jayden. Di na siya makakapagsungit dito. Tama! Hindi iyon panghihinayang.

"Thank you sa pagsasama sa parents ko," sabi niya nang bumibiyahe na siya at nagkukwentuhan naman ang magulang niya nang nasa seaplane na sila at paalis na sa tarmac ng airport.

"Para maging komportable ka at nang di mo maisip na pikutin ako," pabirong sabi ni Jayden. "Pasensiya ka na kung conservative ako."

"Conservative?" tanong niya. "Saan banda ka conservative?"

"Hindi pa ba tayo aalis, Jayden?" tanong ng tatay niya.

"May hinihintay pa po tayo, Tito," anang si Jayden. "Parating na po iyon."

"Hello, everyone!" bati ni Remus nang sumampa ng eroplano. 

Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon