Chapter 9

8K 151 2
                                    

"Di naman kasalanan na pagnasaan sila, ah!" katwiran ni Jinky. "Lalo ka na. Di mo pa naman boyfriend si Doc Remus. Pwede ka pang mamili sa Stallion Boys."

Matalim niyang tiningnan si Jinky. Dinedemonyo ba siya nito? "Magtrabaho na kayo o susunugin ko ang magazine ninyo."

Niyakap ni Alyn ang magazine. "Huwag naman! Muntik pa akong mapaaway sa bookstore nang bilhin ko ito. Hindi mo lang alam kung ano ang hirap ko dito."

Hindi pa naman talaga oras ng trabaho niya kaya hinayaan na lang niya. Ayaw naman niyang maapektuhan ang mga kasamahan niya dahil lang sa isyu niya kay Jayden. Sana nga di na lang ito naging member ng Stallion Island. Parang nakikita kasi niya ito kahit saan siya tumingin basta Stallion Boys ang pinag-usapan.

"Miss, magkano ang Celebrex?"maarteng tanong ng customer na babae sa kanya.

"Three hundred fifty po ang five hundred milligram," sabi niya.

"Ang mahal naman!" anito at sinapo ang noo. "Pumila ako ng pagkaha-haba para sa gamot na iyan. Grabe naman itong pharmacy ninyo. Sobra kung managa. Parang gusto ninyo na kayo na lang ang mabuhay sa mundo."

Ngumiti pa rin siya kahit halos bumula na ang bibig nito sa galit. "Ma'am, nasa inyo naman po iyon kung saan ninyo gustong bumili."

Inagaw nito ang reseta ng doktor sa kanya at saka umalis. Ni hindi man lang nagpasalamat. Nasanay na lang siya sa masusungit na customer sa isang taon niyang pagtatrabaho doon. Na-transfer sa Cebu ang dating pharmaceutical company na pinapasukan niya. Ayaw naman niyang magtrabaho sa malayo. Maayos naman ang sweldo niya sa ospital kaya nagtitiyaga siya.

"Miss, isa rin ng binibili nu'ng ale," anang boses ng isang lalaki habang tinitingnan niya ang bagong presyo ng bagong deliver nilang gamot.

"Celebrex?" tanong niya at bahagyang nilingon ang lalaki.

"Oo. Para kasi sa akin."

Lumapit siya sa counter at sininong mabuti ang bago niyang customer. Umangat ang gilid ng labi niya nang makilala si Jayden. "Hindi ko alam na may member pala ng Stallion Island na nagpapanggap na babae. Para sa babae lang po ang product na iyon in case hindi ninyo alam, Sir."

Mahinang tumawa si Jayden. "Ganoon ba?" Nangalumbaba ito habang nakapilantik ang daliri. "Girl na pala ako ngayon."

"Umayos ka nga! Naaalibadbaran ako sa iyo! Di bagay." Mas okay na sa kanya na makita itong nakangiti at nang-aakit sa kanya. Kaysa naman mga lalaki ang inaakit nito. "Ano bang ginagawa mo dito?"

"Nami-miss mo ako kaya nandito ako para bawasan ang pagkasabik mo sa akin. Masaya na kang makita ako?"

Masaya? Kung ibuhol kaya niya ito sa tower ng cell site? Ilang araw na nga siya nitong nililigalig. At ngayong nakita niya ito ulit, lalo siyang naligalig. Parang may fiesta ang mga cells niya at gustong mag-party. Dahil kahit na gusto niyang mainis dito, magaan ang pakiramdam niya nang ngumiti ito.

"Dumayo ka para lang diyan?" tanong niya habang pinipigil mangiti.

"Kahit naman saan pupuntahan kita basta nararamdaman ko na miss na miss mo na ako. Wala ba akong kiss diyan?"

Isang nurse ang lumapit dito at sininong mabuti ang mukha. "Ay! Ikaw si Jayson Alden Arcega, di ba?" Binuklat nito ang magazine na kipit sa kili kili at saka idinikit sa mukha ni Jayden ang kuha nito sa magazine. "Ay! Ikaw nga!"

Nakuha niyon ang atensiyon nila Jinky at Alyn. Nakisilip din ang mga ito sa counter. Sabay na tumili ang mga ito nang makilala si Jayden. "Eeee! May bisita tayong Stallion Boy!" Saka nagtatalon ang mga ito na parang hihimatayin sa kilig. 

Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon