"Date? Alin? Iyong invitation dito sa Stallion Island? Malay ko ba naman kung seryoso ang date na iyon. Ang dami-daming babaeng gustong makipag-date sa iyo. Kaya nga naisip ko dapat si Remus na lang ang boyfriend ko."
"Matagal ko nang alam ang tungkol kay Remus. Noong magkakilala kami, nagpahanap agad ako ng impormasyon tungkol sa kanya. Hindi kasi siya gusto ng parents mo. Para na rin sa ikapapanatag mo ang ginawa namin. At first, his record looked impeccable. Kaya nga nang matuloy ang date natin dito sa isla, isinama ko siya at ang parents mo para makilala nilang mabuti. Nang magkagulo sila ni Arvind, saka ko nalaman ang buong story. And I know that I have to make a move. I have to be more aggressive and open with my feelings. Dahil nawawalan ako ng oras."
"At hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa mag-ina niya?"
"Ayokong sabihin mo na sinisiraan ko lang siya. And Remus can easily deny it. Kita mo nga! Kahit na may sakit pa ang anak niya, di pa rin niya kinikilala."
"Remus is not the one for me. But I thought you are the one."
"I still want to believe that I am the one." Ginagap nito ang kamay niya. "Kung iniisip mo na ginagawa ko lang ito para protektahan ka, sino ba ang ayaw protektahan ang babaeng mahal niya? Ganoon din ang parents mo. Wala kaming planong lokohin ka. We care for you because we love you. I love you."
Nakita niyang naluluha na si Jayden. Di niya alam kung dahil naiinis na ito sa kanya o nasasaktan ito dahil ayaw niya itong paniwalaan. But she was confused. Kaya bang paniwalaan ng puso niyang nasugatan ang pagmamahal nito?
"Paano ko malalaman kung totoo ang lahat ng sinasabi mo?"
"Then we have to look for a very reliable person." Iniikot nito ang tingin sa airport. Natuon ang atensiyon nito sa isa sa village lord na si Ryuhei Tezuka. Nakasukbit pa ang tennis bag nito at mukhang nagmamadali. Kinaladkad siya ni Jayden at hinarang si Ryuhei. "Ryuhei, sandali lang!"
"What? Male-late na ako sa meeting ko sa advertisers ko. Make sure that this is really important." He was a tennis superstar. Ang palangiting si Ryuhei sa mga news ay di na maipinta ang mukha. Isa sa ayaw nito ay ang male-late.
Itinaas ni Jayden ang kamay niya na may suot na singsing. "Ano ito?"
"Kamay!"
"No! I am pertaining to the ring."
Sinulyapan lang ni Ryuhei ang singsing at tumango. "This is a forever ring. Kahit ilang tao pwedeng imbitahan ng isang member sa Stallion Island at lahat sila mabibigyan ng ring for security purpose. Pero isa lang ang babaeng bigyan ng member ng forever ring. She will get a lot of privileges like the ones that a member has. At ang alam ko ikaw pa lang ang nabibigyan ng ganyang singsing dito sa isla. Kahit ang mga may asawa naming member, di nila binibigyan ng ganyang singsing ang asawa nila." Tinapik ni Ryuhei ang balikat ni Jayden. "I don't know if I should call you stupid. Wala akong magagawa. Mukhang in love ka talaga."
Natulala na lang siya habang nakatitig sa singsing. Narinig niyang nagpasalamat si Jayden kay Ryuhei. Ni hindi na nga niya napansin na nakaalis na pala ang huli. Dina-digest pa rin kasi ng utak niya ang lahat ng narinig niya.
"Nahawakan lang ni Ryuhei Tezuka ang kamay mo, nawala ka na sa sarili," may himig ng pagseselos sa boses nito.
"Mahal mo nga ako," mahina niyang usal. Nakuha niya ang singsing na iyon bago pa man siya dumating sa Stallion Island. Bago pa malaman ni Jayden ang tungkol sa mag-ina ni Remus. "Bakit ibinigay mo sa akin ito? Paano kung hindi naman ako ang babae para sa iyo?"
"You are the only one for me and no one else. Alam ko na sa iyo ko lang maibibigay ang singsing na iyan. At kahit di mo pa ako mahalin, at least naiparating ko ang pagmamahal ko sa iyo sa pagmamahal na iyan. Pero kung di mo pa rin paniniwalaan ang pagmamahal ko, I am willing to let you go."
"No. Don't let me go, Jayden. I want to stay here with you."
Yumakap siya sa leeg nito. Then she kissed him bravely and boldly. Wala na siyang pakialam sa mga nakakakita sa kanila. Kung naipakita ni Jayden sa lahat na siya nga ang mahal nito, di siya mangingiming gawin din iyon. Simple lang iyon kumpara sa pagmamahal na ibinigay ni Jayden sa kanya.
"You are staying? Hindi ka na aalis?"
"Magmamatigas pa ba ako? Ako lang din naman ang masasaktan kapag umalis ako dito. Alam ko naman sa huli ikaw pa rin ang mahal ko. Tama ka. Di ko dapat minasama ang pagmamahal ninyo sa akin. So I am sorry if I hurt you."
Kinintalan nito ng halik ang ilong niya. "I can endure the pain. Kung aalis ka ngayon, I will give you time. Pero siyempre liligawan pa rin kita."
"Hindi na kailangan. I love you, Jayden. At mas pagkakatiwalaan na kita."
Magkahawak-kamay silang lumabas ng airport terminal. Lahat ay nagtataka kung bakit nakarating ito ng naka-bathrobe lang pero nang makitang kasama siya, parang naintindihan na mga ito. Nang sumakay sila sa nakaabang na jeep sa harap ay nakita nila ang takot sa driver na nagmaneho din ng nasakyan nila kanina papunta doon.
"S-Saan po tayo, Ma'am?" nanginginig na tanong ng driver.
"Kahit saan gusto ni Jayden." Kahit saan pa basta kasama niya si Jayden.
***
Thank you sa mga nagbasa. Sa mga nagtatanong sa gusto ng printed copy ng Stallion Island, pwede pong dumirekta sa Shopee: www.shopee.ph/sofiaphr or sa Facebook: My Precious Treasures. 'Yung Book 1-4 po marami pang available na books pero for special order po. 'Yung 5-18, super rare so baka po kung ano na lang nasa Shopee shop ko, iyon na lang ang makukuha nila.
If gusto po nila na advance reading ng Stallion Island, maging subscriber po sila sa Patreon for 3 USD monthly. Unli reads na po iyan ng mga stories na wala na kahit sa PHR ebooks or sa bookstores. Pati po upcoming books ko nandiyan din nakapost.
If gusto po nila ng free reads, abang na lang po sila ng next update dito sa Wattpad. Pero again, di ko po alam kung kailan ulit ako babalik.
Until next time, guys!
BINABASA MO ANG
Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena Completed
RomanceTwo childhood enemies. One romantic island. Sino ang unang mai-in love. Published under Precious Hearts Romances. First edition 2009