Ipinatong ni Imhan ang kamay sa ibabaw ng lupa at saka tumingala sa langit. Iba ang pakiramdam niya nang maitanim na niya ang punla ng puno na iyon sa reforestation site. "Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Jayden. "Mukhang nagseseremonya ka pa diyan. Nakalimang puno ka na. Gusto mo pa?"
"Kinakausap ko si Mother Nature. Gusto ko lang mag-sorry sa mga pagsirang nagawa ko sa kalikasan bilang tao. At sana masimulan ko ang paghilom sa sugat na nagawa ko sa pamamagitan ng nagawa ko ngayon," sabi niya.
Itinapat ni Jayden ang palad sa ulo niya. "Aba! Maganda ang naba-vibrate ko sa iyo. Ngayon lang kita narinig na magsalita ng ganyan."
"May concern naman ako sa kalikasan kahit paano."
"I mean whenever I discuss about renewable energy sources before, you just grimace. Na parang di ka naman interesado sa mga project at vision ko."
"Your vision is great and I agree with you. Pero dahil napipikon ako sa iyo, nagiging personal na ako minsan." She smiled guiltily. "Lahat tayo may responsibilidad bilang tao. It is for our future. For our children."
Pinagkiskis nito ang mga palad. "Mukhang gusto ko ang huli kong narinig na iyan. For our children. Dapat yata simulan na nating gawing project ang future at children natin. Kailan mo ba ako pipikutin? Naiinip na ako!"
She stuck her tongue out. "Asa ka pa!"
Paalis na sana siya nang habulin siya nito. "We still have one more tree. Tulungan mo naman akong itanim ito."
"Okay," aniya at binungkal ang lupang tataniman.
Nang maibaon na nila ang halaman at matabunan ay ginagap ni Jayden ang kamay niya. "I wish that nature will cherish this tree, the same way that I will cherish you in my heart. At habang lumalaki ang punong ito, sana mahalin mo rin ako, Imhan. At walang kahit anong deforestration ang makakasira no'n."
Di pa man naitatanim ang punong iyon, nakatanim na si Jayden sa puso niya. "Hindi basta-basta mamatay ang punong ito."
Parang anak nila ang punong iyon dahil pareho nilang itinanim ni Jayden. At gaya ng pagmamahal niya dito, itinanim nila ang punong iyon ng may pagmamahal.
Hindi siya makagalaw nang titigan siyang mabuti ni Jayden. The look in his eyes was so intense that caused her heart pound violently.
"Jayden, huwag mo akong titigan nang ganyan," saway niya dito.
His face slowly moved towards her. She knew right away that a kiss would follow. Ipinikit na lang niya ang mga mata. Ngayon ay sigurado na siya sa nararamdaman niya para kay Jayden. Alam niyang di na sila naglalaro dahil mga puso na nila ang nag-uusap ngayon."
Bigla siyang dumilat nang marinig ang mahinang click ang camera. "Sino iyan?" tanong ni Jayden at tinungo ang pinanggalingan ng tunog.
Di pa man nakakalapit si Jayden ay lumabas na si Prinzess at ang bestfriend nitong si Raeka. "Si Prinzess kasi! Palpak! Di pa sila tuluyang nagki-kiss," paninisi ni Raeka dito. "Paano ka magiging magaling na photographer diyan?"
"Hoy!" madilim ang mukhang sabi ni Jayden. "Anong plano mong gawin sa mga pictures na iyan?"
Nag-peace sign si Prinzess. "Remembrance lang naman, Kuya."
"Hindi! Ibebenta niya iyan sa internet. Tiyak daw na marami siyang kikitain lalo na kapag ikinalat pa niya sa diyaryo at sa mga bangketa," kumpisal ni Raeka.
"Anong klaseng bestfriend ka?" paninisi ni Prinzess dito. "Titirisin kita."
At naghabulan ang mga ito pabalik sa picnic area. Di naman mawala-wala ang pag-aalala sa mukha ni Jayden. "They are just kids."
"Kids? Alam mo na ba kung ano ang kayang gawin ng mga bata ngayon? Kita mo nga si Prinzess! Gustong maging paparazzi. Okay lang naman sa akin na ipagmalaki sa lahat na ikaw ang babaeng gusto ko. I just don't want to ruin your privacy. Our privacy. It is very important for me."
"Can't help it. Member ka ng Stallion Island."
"I just want to be simply Jayden when we are together." Kinintalan nito ng halik ang labi niya. "Iyon lang ang gusto kong mahalin mo sa akin."
It was a simple task that she won't mind fulfilling. Kung magugustuhan siya ni Jayden kahit pa naghihilik siya o kahit pa habang magulo ang buhok niya, kaya pa rin niyang tanggapin kung anuman ito bilang isang ordinaryong tao na labas na sa pagiging miyembro ng Stallion Island.
Si Jayden lang naman ang importante sa kanya. Just him. Ang importante sa kanya ay nagawa nitong mahalin siya kung ano siya.
"ANONG oras mo ba balak bumalik ng Stallion Island?" tanong ni Imhan nang ihatid siya ni Jayden sa ospital. Akala niya ay bumalik na ito kaninang umaga. Nagulat siya nang sunduin siya nito kinaumagahan para ihatid siya sa trabaho.
"Depende sa iyo. Sasama ka ba sa akin mamaya?"
"Sa Stallion Island?" Natawa siya. "You must be nuts. Jayden, may trabaho ako. Ikaw din may trabaho sa isla. Di naman pwedeng..." Matalim niya itong tiningnan para hulihin kung nangti-trip lang ito pero nanatili itong seryoso. "Talagang di ka babalik sa isla hangga't di mo ako kasama?"
"Mami-miss lang kita kapag di kita kasama doon. Pikutin mo na kasi ako."
***
Pipikutin na kaya ni Imhan si Jayden? Sa lahat ng pipikutin, ito pa mismo ang nag-request.Malapit na ang Shopee 12.12. Mag-shopping na sa Shopee store ko, beshies. Go to www.shopee.ph/sofiaphr or search for Sofia's Haven. Marami pa pong PHR books na rare diyan at sale. Pati 'yung mga books na inalis ni Wattpad sa old account ko meron po diyan. Siyempre may Stallion Kisses Matte and Powder Matte Lip Tint. Special order ang Stallion Series, Stallion Island, Stallion Revisited. Ire-request n'yo pa po.
BINABASA MO ANG
Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena Completed
RomanceTwo childhood enemies. One romantic island. Sino ang unang mai-in love. Published under Precious Hearts Romances. First edition 2009