Chapter 8

9.3K 145 1
                                    

"Stallion Island. Gusto ko talagang pumunta dito. Walang pusong Misha na iyon! Di daw niya ako isasama para makita si Prince Rostam. Baka daw ma-lifetime ban siya sa club dahil sa akin," sintir ni Rahya, ang kaibigan at kapitbahay ni Imhan. Tuwing umaga ay sabay sila sa pagpasok sa opisina. Nadadaanan kasi niya ang advertising company na pinapasukan nito kapag papunta siya sa ospital.

Patay na patay ito sa head ng Stallion Island na si Prince Rostam. Willing itong lumangoy papuntang Stallion Island makadaupang-palad lang ang prinsipe nito at maging tunay na prinsesa. May pag-asa na sana ito sa pamamagitan ng boss nitong si Misha Santoros na miyembro ng Stallion Island. Sa kasamaang-palad, mukhang walang balak ang boss nito na pagbigyan ito.

Napaismid na lang siya habang binabaybay nila ang Ayala Bridge. Lumulutang pa ang utak niya dahil sa Stallion fever noong nakaraang linggo. O mas tamang sabihin na Jayden Arcega fever. Maya't maya ay may nangungulit sa kanya at nagtatanong kung ano ang number ni Jayden. Siyempre hindi niya ibibigay. Kawawa naman ang mga babaeng mabibiktima ni Jayden kung sakali.

"Parang ordinaryong lalaki din ang mga iyan. Kahit pa iyang Prince Rostam mo. Nagkataon lang mayaman sila at member ng Stallion Island. Malamang mga di rin naman ganoon ang kaguwapo ang mga iyan."

Binuklat nito ang magazine. "Ibig sabihin sadyang photogenic lang sila lalo na ang nag-invite sa iyo sa Stallion Island na si Jayson Alden Arcega."

Nanlaki ang mata niya nang ipagladlaran pa nito ang page kung saan may picture at profile si Jayden. Saglit na nawala ang konsentrasyon niya sa minamaneho at bumusina ang sasakyan sa likuran nila. "Itabi mo muna iyang magazine mo, ha? Naaalibadbaran ako!"

Na-distract siyang bigla. Noong ipakita sa kanya ni Rahya ang magazine dati, di niya alam na kasama pala si Jayden sa mga nai-feature na member. Kaya nga malakas ang loob niya na sabihin na gasoline boy lang si Jayden sa Stallion Island nang makita nito ang imbitasyon niya sa isla.

Binasa nito ang profile ni Jayden. "Hmmm... May ilang gasoline station ang family niya pero pinili niyang tumulong sa pagde-develop ng renewable energy source sa bansa natin at magtrabago para sa RENGY Powers. An environmentalist. Kung ganito kaguwapo mag-iimbita sa iyo sa Stallion Island, bakit ka naman tatanggi?"

"Ayoko nga!" mariin niyang sabi. Jayden arouse feelings that she didn't want to feel. At palala iyon nang palala bawat araw maisip lang niya si Jayden. Dala ba ito ng biological clock niya? Twenty-six na siya at wala siyang boyfriend. "Saka may steady date na ako. Si Doc Remus."

"Wala naman sa kalingkingan ng kaguwapuhan ni Jayson Arcega ang Doc Remus na iyon. Ewan ko, ha? I have a feeling di siya gagawa ng maganda."

"Ayaw mo lang sa kanya dahil hindi siya member ng Stallion Island at wala siyang balak na mag-member." Naniniwala kasi si Remus na di naman dapat ang estado sa buhay ang tingnan kundi kung ano ang magagawa nito sa iba. Kaya nga wala siyang problema kung si Remus ang magiging boyfriend niya.

"Sus! Madali lang sabihin iyon. Bait-baitan. Pero di mo pa rin lubusang kilala iyang si Remus. Iyon daw mga taong mababait at tahimik iyon pa ang may itinatagong sekreto. Di tulad nito." Itinuro nito ang nakangiting picture ni Jayden habang nasa background ang picturesque view ng mga windmill sa Stallion Island. "Nakabukas na kasi ang mukha niya. Mararamdaman mo agad na open siyang tao."

Open. Parang wala ngang itinatago si Jayden lalo na sa pamilya niya. Kilala ito ng pamilya nila mula pagkabata. He was really adorable. Ang ayaw lang niya ay ang kapilyuhan nito kung saan siya ang puntirya. At mahina siya pagdating doon. At kahit naman yata laitin niya si Jayden ay tiyak na ito pa rin ang papaboran ni Rahya.

"Basta pagdating sa lalaki, nakakalimutan mo ang pagkakaibigan natin."

"Hindi naman! Nagsasabi lang ako ng opinyon ko." Kinuha nito ang imbitasyon niya galing kay Jayden at ipinaypay sa sarili. "This invitation is an opportunity. Kung ganito ka-hot na lalaki, huwag mo nang pakakawalan."

Hanggang pagdating niya sa pharmacy ng Amoranto Medical Center ay di pa mawala-wala sa isip niya ang sinabi ni Rahya. Huwag na daw niyang pakawalan ang lalaking kasing-hot ni Jayden. Ayaw niyang mapaso. Jayden was hot and dangerous. Iyon ang di alam ni Rahya. Even that friendly smile of Jayden could be fatal.

"Good morning!" bati niya sa mga kasamahan pagdating. Wala siyang nakuhang sagot mula sa mga ito dahil nagkukulumpunan ang mga ito sa mesa ng assistant pharmacist niyang si Alyn at seryosong-seryoso. Lumapit siya sa mga ito. "Girls, may problema? Memo ba iyan galing kay Ma'am Lou?"

Under sila ng opisina ng Vice President for Finance. Sobrang higpit ng bagong boss nila. Kaunting mali lang nila, sermon na agad ang inaabot nila. Siya na ang pinakamatagal na empleyado doon. Ang iba niyang mga kasamahan ay nag-resign na kahit ang mga regular na empleyado. Gusto niyang maging positibo na mare-regular siya doon. Malapit na siyang mag-isang taon sa kompanya kaya nagtitiyaga lang siya.

"Hindi! Namimili kami ng susunod naming magiging boyfriend," sabi ni Jinky na katulad din niyang pharmacist.

Umasim ang mukha niya nang makitang magazine tungkol sa bagong bukas na Stallion Island din ang pinagpipiyestahan ng mga ito. Hanggang sa trabaho ay nasusundan pa rin siya ng Stallion fever.

"Sana unahin muna ninyo ang trabaho. Kapag nahuli kayo ni Ma'am Lou, lagot kayo doon," aniya at tumuloy sa computer.

"Wala pa naman tayong customer," sabi ni Alyn. "Saka wala rin si Ma'am Lou. May meeting siya ngayon. Mamaya pang before lunch ang balik niya."

"Kahit na! Trabaho muna. Hindi naman importante iyang inaatupag ninyo." Sawang-sawa na rin siyang makakita ng magazine na may mukha ni Jayden. 

Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon