Chapter 5

10.5K 196 6
                                    

 Romantic date in paradise. Di naman siya naiiba sa ibang mga babae sa Pilipinas. Gusto rin naman niyang makapasok noon sa Stallion Riding Club at pati sa Stallion Island at maka-date ng isang guwapo at makisig na Prince Charming. Pero kung si Jayden lang ang makakasama niya sa paraiso, matutulog na lang siya para managinip o kaya ay tutunganga sa isang tabi at mangangarap nang gising.

Puno ng suspisyon ang mga mata niya nang titigan ang nakangiting si Jayden. Matamis siyang ngumiti at pinagpag ang balikat nito. Sigurado siya na hindi naman talaga romantic date ang plano nito.

"Jayden, umamin ka nga sa akin." Pinaggiyagis niya ang ngipin niya at nawala ang matamis na ngiti niya. "Ikaw ba may babaeng pinagtataguan?"

Umiling agad ito. "Wala. Mukha ba akong may pinagtataguan?"

"Kilala kita! Unang beses na niyaya mo akong makipag-date, ihinarap mo ako sa isang babae na muntik nang mamikot sa iyo. Ipinakilala mo akong girlfriend mo. At kapag di ako ang pinakasalan mo, aalisan ka ng mana nila Ninang!"

Fourth year high school siya noon. Kasagsagan na nakikipag-ligawan at nagkaka-boyfriend na ang mga kaedad niya. May mga manliligaw din naman siya pero di niya type. Si Jayden naman ay heartthrob noon pa. Kaya nang yayain siya nito ng date, pakiramdam niya ay diyosa siya ng kagandahan. Pumayag naman agad siya. Para lang pala ipanakot sa babaeng naghahabol dito.

"Hindi mo ba naisip na nasagip mo ako? Dapat nga matuwa ka. Saka niyaya naman ulit kitang mag-date, di ba? Sa Puerto Galera pa nga tayo."

"Oo. Bayad iyon para magpanggap pa rin akong girlfriend mo at di ka sundan ng stalker mo. Hindi rin ako matahimik noon dahil praning na praning ako. Baka mamaya may basta na lang humatak sa buhok ko o manampal sa akin dahil sa iyo."

Kung iyon ang idea nito ng date, ewan ko kung paanong may babaeng tatagal dito. Mental at emotional torture ang inabot niya. Kahit naman sweet sa kanya noon si Jayden at mukhang nagliligawan ang tingin sa kanila ng marami ay hindi naman niya ma-appreciate. Alam niyang paglabas lang nito ang lahat.

"Ang tagal na no'n, Imhan. Saka hindi ba posible na yayain kita sa isang totoong romantic date?"

Bakit naman hindi? Mukha naman itong seryoso. Pero malay niya kung may hidden agenda ito. And there was another nagging idea inside her head.

Nangalumbaba siya at nagsalubong ang kilay. "Baka naman inutusan ka ni Tatay na makipag-date sa akin."

Twenty-six na siya at nauungutan na siya ng mga magulang niya na magkaroon na ng boyfriend sa lalong madaling panahon. Di naman na siya bumabata. May matatag na siyang trabaho. Kulang na lang sa kanya ay magkaroon ng isang pamilya. Iyon na lang daw ang hiling ng nanay at tatay niya.

Hinawakan ni Jayden ang balikat niya. "Sa ganda mong iyan, kailangan pa bang makiusap ni Tito Em sa akin para lang I-date ka?"

Umingos siya. "Maganda naman talaga ako. At kung inaakala mo na walang nanliligaw sa akin, meron! Si Remus!" Anak ito ng may-ari ng ospital na pinapasukan niya at isang surgeon. "Dapat nga nandito siya kundi lang may conference siyang pinuntahan. Kaya salamat na lang sa effort mo."

"Remus?" Lumabi ito na parang di nagustuhan ang pangalan ng manliligaw niya. "Pangalan pa lang parang di na gagawa ng maganda. Ipinakita sa akin ni Tita Es sa mga friends niya sa My Space ang itsura. Di naman kaguwapuhan."

"Yeah, right! At ikaw lang ang guwapo sa mundo."

Lumapad ang ngiti nito. "Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako." Parang masayang-masaya pa ito sa sinabi niya. Akala ba nito ay talagang naguguwapuhan siya dito? Ni di man lang pinansin kung ano ang tono ng boses niya.

"Sarcastic ako nang sabihin ko iyon," aniya at tinalikuran ito.

Sinundan siya nito. "Hindi ko napansin na sarcastic ka. Kasi naramdaman ko na galing talaga sa puso mo iyon. Ako lang ang guwapo sa mundo sa paningin mo."

Umawang ang labi niya. Pagdating talaga sa confidence, walang tatalo dito. "Maghanap ka na lang ng kausap mo. At kung hahanap ka ng ka-date, maraming willing makipag-date sa iyo." Si Einjel na lang ang alukin nito para di ito mabago.

"We still need another couple for our Trip to Jerusalem!" anunsiyo ng host ng program. "Para po ito sa mga nakatatanda."

"Jayden!" narinig niyang sigaw ng Ate Iwho niya at kasama pang naki-cheer ang mga pamangkin niya. Lahat tuloy ng tao ay natuon ang atensiyon kay Jayden.

Kinuha na ni Yolie ang microphone. "To our guest from the Stallion Island, I-grant mo naman ang request ng lahat na sumali sa game."

Napakamot sa ulo si Jayden. "Nakakahiya naman.Center of attention pa ako."

Itinulak niya ito. "Kunyari ka pa! Gusto mo naman talagang maging center of attention. Ayun na ang prinsesa mo, o! Naghihintay sa iyo." At inginuso niya si Einjel na nakatayo sa tabi ni Yolie at nakangiti kay Jayden.

"Huwag kang magseselos na si Einjel ang partner ko, ha?" anang si Jayden at puno ng kompiyansa na naglakad palapit sa kay Einjel. Kumaway pa ito nang magpalakpakan ang mga tao na animo'y artista.

Selos? Siya? Mabuti na ngang ibang babae na lang ang dikitan nito. At kahit pa tubuan ng puno ang planetang Mars, nunca na magselos siya dito.

Biglang nagpapadyak si Einjel at hindi mapakali. Noong una akala niya ay kinikilig lang ito kay Jayden hanggang maging distorted ang mukha nito. Hinawakan ni Einjel ang kamay ni Yolie na may hawak ng microphone. "W-Wait lang! Wrong timing kasi ang tiyan ko. P-Pwede bang hintayin ninyo ako?" At saka nito nilingon ang restroom. Mukhang sasabog na ang pinipigil ni Einjel.

"Ako na lang ang magiging partner ng Stallion hunk na iyan!" prisinta ng matronang guest na kakwentuhan ng nanay niya.

Nagtawanan ang lahat habang si Einjel ay nagtatakbo na sa restroom. Napailing na lang si Yolie. "Pasensiya na sa anak ko. Masyado yata siyang excited na maka-partner ang Stallion hunk natin. Pero mukhang hindi na natin siya mahihintay. Kaya sino ang gustong maka-partner si Jayden?"

Kanya-kanyang taas ng kamay ang mga kababaihan. Kahit may asawa na at anak o kahit ang may apo na ay gustong mapili ni Jayden. Basta may tatak ng Stallion Riding Club o Stallion Island sa noo, hindi magsasayang ng pagkakataon ang mga kababaihan para maka-partner lang. Kung si Jayden lang din naman ang Stallion Boy, di na siya makikigulo. Ipapamigay na niya si Jayden.

Nagulat siya nang biglang hawakan ni Jayden ang kamay niya at itinaas. "Si Imhan, gusto daw akong maka-partner." 

Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon