BAGO ang tanghalian ay bumalik na ang catamaran sa dock. Bagamat maayos na si Remus nang tawagan ni Jayden si Doktora Nataniella kanina, gusto pa rin nilang makasama ito sa tanghalian.
Ipinahiram ni Captain Trent ang Chef at staff sa catamaran nito para magsilbi sa kanila ni Jayden sa tanghalian. Walang sariling staff si Jayden. May sariling maintenance group ang Stallion Island na siyang maglilinis ng villa nito. Habang ang kumakain naman ito sa mga restaurant sa isla kaya di nito kailangan pang mag-hire ng cook na magluluto para dito.
"Imhan, tumuloy na kayo nila Tita sa villa. Ako na ang bahalang sumundo kay Remus sa Stallion Wave. Nandoon daw siya kasama sila Yzaak," sabi ni Jayden.
"Sasama na rin ako sa iyo. Gusto kong makita ang Stallion Wave," sabi niya at sumamang naglakad kay Jayden sa wooden pathwalk papunta sa Summer Snowflake, ang hilera ng mga overwater native cottages na hugis snowflake mula sa ere. Sa gitna niyon ay ang Stallion Wave Restaurant.
Sinalubong sila ng nakababatang kapatid ni Jairon na si Julian. "Kuya Jayden, iyong bisita mo inaaway si Kuya Arvind."
"Arvind?" tanong niya. "You mean Arvind James Li?" Iyon ang kinaiinisan ni Remus na member ng Stallion Island. Malas at nagtagpo pa ang mga ito. "Jayden, awatin mo sila." Bawal sa kahit sinong guest na basta-basta makipag-away sa mga members ng club maliban na lang kung ang miyembro ang nauna. Pwede itong ma-ban sa isla.
Nang dumating sila ay pinipigil na ni Yzaak si Remus habang pigil naman ni Ridge si Arvind. Namumula na sa galit si Remus. "You have no right to be a part of this club. At hinding-hindi ako magme-member dito hangga't member ka dito."
Tipid ang ngiti ni Arvind at kumawala sa pagkakahawak ni Ridge. "Ang tanong, tatanggapin ka kaya ng club? Bago kami nakapasok dito, we went through a series of tests. Inaalam lahat tungkol sa pagkatao namin. Sigurado ka ba sa pagkatao mo?"
Namutla si Remus at tumigil sa pagwawala. Binitiwan ito ni Yzaak. Tinalikuran nito si Arvind at lumapit kay Jayden. "I am leaving. I am not welcome here."
"What happened?" tanong ni Jayden. "Anong problema sa inyo ni Arvind?"
"Wala akong problema," sabi ni Arvind. "Siya ang may problema sa sarili niya. Kung sinuman ang girlfriend niya ngayon, pakisabi mag-ingat sa lalaking iyan."
Hinatak ni Remus ang kamay niya at mabilis ang lakad nito palabas ng restaurant. "Aalis na tayo dito, Imhan. Babalik na tayo sa Manila."
"What? Pero nagsisimula pa lang mag-enjoy ang parents ko. Saka ano ba ang problema ninyo ni Doc Arvind?" Natakot kasi ito kay Arvind nang lumaon. Ibig sabihin ay may madilim na sekretong itinatago si Remus sa kanya.
Binitiwan siya ni Remus. "Kung ayaw mong sumama sa akin, maiwan ka dito!" At saka padabog nitong pinara ang dumadaang jeep.
Sinubukan niyang habulin ito pero nakalayo na ang jeep. Pinigilan siya ni Jayden sa balikat. "Nasaan na si Remus?"
"Gusto na daw niyang umalis ng isla. I don't think we can stop him."
"Kung hindi siya aalis ng isla, mapipilitan din siyang umalis. Ayaw siyang makita ni Arvind. He told me that it's wrong to bring him here. Remus has a serious problem. Sa mga salita ni Arvind kanina, kasiraan iyon ni Remus. I am sorry."
Pagsakay nila ng jeep ay tumawag agad si Jayden para ipa-book sa susunod na flight palabas ng Stallion Island si Remus.
"Pasensiya na kung nagdala siya ng gulo," mahina niyang usal.
"Sorry kung nasira din ang bakasyon mo. If you want to leave with him, it is up to you," wika ni Jayden.
***
Thank you sa pagtitiyaga na maghintay ng updates. Sa gusto po na mabasa agad ang ibang books, pwede silang mag-join sa Patreon dahil Book 7 na po ang completed doon. Mag-a-update din naman po ako dito pero di kasing bilis ng sa Patreon. :)
BINABASA MO ANG
Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena Completed
Любовные романыTwo childhood enemies. One romantic island. Sino ang unang mai-in love. Published under Precious Hearts Romances. First edition 2009