Maingat na itinanim ni Imhan ang buto ng iba't ibang namumulaklak na halaman di kalayuan sa windmill. Malamig na ang hangin noon at di na mainit ang araw sa balat dahil malapit nang magdapit-hapon.
Naglaan ng space sa kanya si Jayden. Sumama agad siya sa Stallion Island matapos niyang ipasa ang resignation niya sa ospital. Ayaw sanang tanggapin iyon dahil maganda ang performance niya at ini-rekomenda na rin siya para maging regular na empleyado. Pero ayaw na niyang magtagal pa doon. Ayaw na niyang makagulo pa sa relasyon nina Lou at Remus. Masaya na siyang malaman na compatible si Remus sa anak nito at magdo-donate na ito.
Sa ngayon ay gusto muna niyang magbakasyon. Saka na niya iisipin ang trabaho matapos ang ilang araw. May naipon naman siyang pera. Pwede na siguro niyang simulan ang pangarap niyang business. Handa naman siyang tulungan ng mga magulang niya sa kulang na kapital kung saka-sakali.
"Magre-resign na ba ang hardinero namin dito sa Stallion Island?" tanong ni Jayden nang tapos na siyang magtanim.
Pinagpag niya ang kamay. "Hindi naman. Kailangan pa rin niyang alagaan ang mga itinanim ko in case wala ako dito."
"Are you feeling better?" tanong nito at ginagap ang kamay niya habang naglalakad sila pabalik sa villa nito sa tabi ng dagat.
"Hindi ko na nararamdaman ang guilt na nararamdaman ko kahapon. Di na rin ako naiiyak. Alam ko kasing masaya na si Lou at ang anak niya."
"At masaya ka na rin?"
Yumakap siya sa baywang nito. "Oo. Pipikutin na lang kita para di ko na kailangan pang magtrabaho. How about that?"
Pinisil nito ang ilong niya. "Ikaw pa! Ma-pride ka din."
Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan ito. "Know what? I am still lucky. Paano kung kay Remus ako na-in love? Baka matulad din ako kay Lou. Magkamatayan na! Hindi ko talaga ipapa-abort ang baby ko!"
"Hindi naman mangyayari iyon. I am here."
Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. "I love you, Jayden. I think you are a gift from heaven."
Kaya ito ang ibinigay ng Diyos sa kanya para hindi siya mapahamak. He knew perfectly how to make her happy for the rest of her life. Jayden was her dream. At di niya inaakalang magkakatotoo ang magandang panaginip na iyon.
He hugged her tightly. "Hmmm... I like that sound of that."
"Basta huwag mo akong sasaktan."
Kinintalan nito ng halik ang ilong niya. "Never."
MASAKIT pa ang katawan ni Imhan mula sa mga water activities na ginawa nila ni Jayden nang nakaraang araw pero maaga pa rin siyang gumising. Sa wakas kasi ay makakapag-horseback riding na siya. Kaya kahit madilim pa ay kailangan na niyang bumangon. Bahala na kung makatulog siya mamaya habang nasa ibabaw ng kabayo. Kasama naman niya si Jayden kaya di siya natatakot.
Marahan siyang lumabas ng guestroom. Papunta na siya sa kusina para maghanda ng light breakfast bago siya mag-shower nang marinig niyang may kausap si Jayden sa cellphone nito sa may verandah.
"Yes, Tito Em. Mabuti na lang nalaman agad natin ang sekreto ni Remus." Di sana niya papansinin kundi lang niya narinig na tatay pala niya ang kausap ni Jayden. "Muntik nang mapahamak si Imhan. Thank God, nagawan natin ng paraan. Hindi na makakalapit ang lalaking iyon kay Imhan ngayon. Anything for you, Tito. Don't worry about Imhan. She's safe with me. You can trust me."
Umuugong ang tainga niya sa narinig mula kay Jayden. Anything for you, Tito. Lagi niyang naririnig iyon kapag ginagawan nito ng pabor ang tatay niya. At kadalasan, siya ang napuputukan ng mga iyon. Laging pinakikialaman ni Jayden ang buhay niya para mapasaya ang tatay niya.
Iyon din ba ang ginawa nito kay Remus? Nagsabwatan lang ang mga ito para mailayo siya? Hanggang saan ang kayang gawin ni Jayden para sa tatay niya?
"Imhan, gising ka na pala," sabi ni Jayden at sinuklay ng daliri ang buhok niya. "Gutom ka na ba? Nagluto na ako para sa iyo. Pero kung ayaw mo ng luto ko, mag-breakfast na lang ulit tayo mamaya."
Pinigilan niya ito sa braso nang maghahain na ito. "Jayden, kung may itatanong ako sa iyo sasabihin mo ba ang totoo."
Tumango ito. "Of course. Ano ba iyon?"
"Do you love me?"
Inilapag nito ang plato at hinapit ang baywang niya. "Of course, I do. Iyan ba ang gusto mong marinig. I love you, Imhan."
Hindi lang niya gustong marinig iyon. Gusto rin niyang malaman kung totoo. "Matagal mo na bang alam ang tungkol sa pagkakaroon ng anak ni Remus na sinubukan din niyang ipa-abort?"
"Well, Arvind told me..."
"Kailan? Matapos silang magkita dito sa isla? O bago pa kami pumunta dito?"
"Imhan, this is not making any sense at all. Tapos na ang isyu. Kasama na ni Remus ang mag-ina niya. Nakalayo ka sa lalaking hindi alam kung paano haharapin ang responsibilidad niya."
No. It makes a perfect sense to her. Napagtagpi-tagpi na niya ang lahat ng pangyayari. Kasama na pati ang relasyon nila ni Jayden ngayon.
"Alam mo na ito dati pa. Kayo ng parents ko. Iyon ba ang dahilan kaya gusto mo akong I-date at kunin ang atensiyon ko? Pinapaniwala mo akong in love ka sa akin. You enticed me and lured," akusa niya.
"I did it to protect you. Hindi namin kayang makita ka kasama ang isang lalaki na alam kong mananakit lang sa iyo. He won't make you happy."
"And I suppose you do?"
"Yes. Because you love me."
Nagtagis ang ngipin niya. "But you don't. Sa bibig mo na mismo nanggaling. Gusto mo lang akong protektahan dahil sa mga magulang ko."
"Wala akong sinasabing ganyan," kaila nito. "I love you!"
" Huwag mo na akong paikutin, Jayden. Nakuha naman na ninyo ang gusto ninyo. Malayo na ako kay Remus. Hindi mo na kailangang aksayahin ang oras mo sa akin. Huwag mo nang sabihin ang "I love you" mo na walang katuturuan."
"Will you please listen?"
***
Sofia Says: Konting kembot na lang po tapos na tayo. Okay pa kayo diyan?
BINABASA MO ANG
Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena Completed
RomansaTwo childhood enemies. One romantic island. Sino ang unang mai-in love. Published under Precious Hearts Romances. First edition 2009