Kakaibang kilabot ang naramdaman ni Imhan sa init ng yakap nito. Parang niyakap siya ng mabangong cologne nito. The world stopped for a moment. Niyakap siya ni Jayden sa harap ng maraming tao. Miss daw siya nito. Noong isang linggo lang naman sila huling nagkita. Parang nakakaloko naman ang kaligayahan nitong makita siya pero parang gusto niyang maniwalang totoo.
Malambing naman sa kanya si Jayden kahit noon pa. Mga bata pa lang sila, pinauulanan siya nito ng chocolates lalo na kapag dumating ang tatay nito galing sa abroad. Kung anu-ano rin ang ibinibigay nito sa kanya lalo na nang mag-aral ito sa ibang bansa. Nang huli nga silang magkita ay may ibinigay itong regalo sa kanya na tiyak na ipagpapa-fiesta ng kahit sinong babaeng makatanggap. She was not interested. Kahit anong galing kay Jayden, di siya interesado. At lalong hindi siya interesado sa yakap nito kahit pa nga kakaiba ang nararamdaman niya.
"Jayden, lumayo ka nga! Nakakahiya sa mga tao," saway niya.
"Ang bango mo! Amoy brownies ka," anito at humalakhak. "Pahingi naman, o! Inubusan kasi ako ng mga bata kanina."
"Kumuha ka doon sa kusina!" pasuplada niyang sabi. Nang makalawa dito ay tinakbo niya ang tatay niya at yumakap sa baywang. "Tatay!"
She was relieved to get away from Jayden. Mukhang ginagamit lang siya nito para takasan ang mga babaeng nagkaka-interes dito. That embrace meant nothing.
"Napagod ba sa pagluluto ang bunso ko?" tanong ng tatay niya.
"Medyo po! Ipaghele mo ako, Tay," lambing niya dito.
Tumawa ang tatay niya. "Naku! Baby ka pa nga. Paano ba kita ipapamigay na mag-asawa kung kailangan pa kitang ipaghele?"
Tumikhim si Jayden. "Tito, mukhang kailangan ko nang mag-practice na kumanta para maipaghele si Imhan. Ako na ang bahala sa kanya."
Nakita niya ang pagtaas ng kilay ni Einjel. Pinigil niyang makisabay sa pagtaas ng kilay nito. Pinalalabas ni Jayden na ito ang lalaking papalit sa pwesto ng tatay niya at mag-aalaga sa kanya? Asa pa ito! O sadyang panira lang ito ng eksena. Kung kailan naka-focus na sa kanya ang atensiyon ng tatay niya ay bigla itong sisingit. Of course. Iyon ang expertise nito. Ang mang-agaw ng atensiyon.
"Tay, babalik na po ako sa kusina. Tutulungan ko na si Ate Ivy doon." Baka tuluyan pang masira ang araw niya dahil kay Jayden. Bakit pa kasi isinama ito ng tatay niya? Dapat doon na lang ito sa Stallion Island nito. Huwag na itong lumabas pa doon para naman matahimik ang mundo niya.
"Imhan, tutulong din ako sa iyo!" habol ni Jayden sa kanya.
"Anong alam mo sa pagluluto?" tanong niya at di man lang ito nilingon. "Magpa-cute ka na lang sa ibang mga babae diyan."
"Hindi naman ako nagpunta dito para magpa-cute sa ibang babae. I just want to see you. Ano?Sasama ka na ba sa Stallion Island? Pumayag na si Tito Emmanuel."
Isang special na invitation sa Stallion Island ang ibinigay nito sa kanya noong isang linggo pero hanggang ngayon ay di pa rin niya ginagamit. Kung ibang babae siguro ay nagkakandarapa na gamitin ang imbitasyon na iyon pero hindi siya.
"At sa palagay mo naman sasama akong makipag-date sa iyo? Jayden, kung ginagawa mo lang ito para I-please ang tatay ko dahil nag-aalala siya na di ako magkaka-boyfriend, huwag kang mag-alala. May manliligaw naman ako. Nakakapag-date naman ako. So huwag mo nang isipin na aabalahin pa kita."
"Hindi ka abala sa akin. Gusto talaga kitang isama sa isla. I want a real romantic date with you. Isn't that perfect?" Ginagap nito ang kamay niya. "You and me in an island paradise."
BINABASA MO ANG
Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena Completed
RomanceTwo childhood enemies. One romantic island. Sino ang unang mai-in love. Published under Precious Hearts Romances. First edition 2009