Chapter 17:

4.4K 130 1
                                    

A/N: WARNING!

Aziria's POV

Linggo ngayon ng hapon at buryong-buryo kami ni Clesea, wala nga kaming ginawa kahapon kun'di ang kumain, nood at tulog lang. Hindi naman ako p'wedeng maggala-gala baka may makakita pa sa akin. Ngayon ay nanonood lang kami sa telebisyon.

"Uy, bee!" tawag niya habang puno ng popcorn ang kaniyang bibig.

Napaharap ako sa kaniyang gawi. "Hmm?"

Dinakma niya ng isang kamay ang popcorn sabay subo lahat sa bibig. "Nakakaboring, 'no? Magpakabulunan na lang kaya ako rito sa popcorn."

"Mabuti 'yan," tugon ko. "Cles, balik na lang kaya ako sa pagpapanggap? Nababahala ako dahil may nakaaalam na sa KIS. What do you think?"

"Buti nga!" sigaw niya kaya nahulog ang ibang popcorn sa bibig niya. Sinubukan niya pang salohin ang mga 'yon. "Pinag-uusapan na kaya nila."

Napangiti ako sa naisip. "Magwiwig-"

Napakadistorbo, huh.

Mabigat ang mga paa kong tinungo ang cellphone na nakapatong sa lamesa. Hindi ko alam kung sino ang tumawag pero sinagot ko naman.

"What?"

[Wow, huh. Ikaw pa galit?]

Hininaan ko ang boses ko. "What is it?"

[Nandito kami sa bahay nina Tyrone. Tara, bilis! Punta ka rito! Let's overnightttt!]

"Bakit?"

[Ay, bee, hindi interesado? Grabe ka na. Bilis na. May mga kasama akong gwapo. Bigyan kita isa.]

"Ayok-Bwisit! Bakit ba lagi nilang hindi hinihintay ang pagsang-ayon ko? Napakademanding nilang lahat!" Binato ko ng cellphone ko sa sofa dahil pinatay niya agad ang tawag. Naupo ako sa dining chair at napahilamos ng mukha.

Humarap sa akin si Clesea na puno ng popcorn ang bibig. "Ano bang problema? Bato ka na lang nang bato sa cellphone mo." Tiningnan niya ang hawak niya. "Popcorn, gusto mo?"

Napairap ako ng mga mata. "Nagyayaya sina Akhira at Samaria sa bahay nina Tyrone."

Binitawan niya ang popcorn saka sumigaw. "Wahhhhhh! Gusto ko 'yan!"

Napahinga ako nang malalim dahil pumasok na siya sa kwarto niya. Akala ko pa naman aayaw. Gustong-gusto niyo, huh. I have plan.

Pumunta akong kwarto. Nang makuha ko ang mga gamit ko, nilagay ko 'yon sa bag ni Clesea para isang dalahan na lang. Kinuha ko ang kahon sa ilalim ng kama ko, kinuha ko ang daggers kong dala. Ako ang nagdala, hindi ko nilagay sa bag niya.

"Let's go," pagyayaya ko agad.

NAKARATING na kami sa The Rayne. Huminto muna ako sa guard house para sabihan siya.

"Kuya, kasama ko 'yong blue ang sasakyan."

"Sige po, ma'am," tugon niya.

Muli akong nagmaneho. Pinarke ko ang kotse ko sa gilid nang marating ang bahay ni Tyrone. Pagbaba ko nakita ko si Clesea na naglalakad na patungo sa akin.

"Halika ka na."

"I'm excited!" sigaw niya at mabilis na tumakbo sa loob. Napanganga na lang ako at napailing-iling. Iwanan ba naman ako!

Habang papasok sa loob, inilabas ko ang mga daggers ko.

"Morning, manang," bati ko nang makita ko siyang may ginagawa sa labas ng bahay ni Tyrone.

"Good morning, hija."

Binuksan ko ang main door. Nang makita ko kung anong mga puwesto nila, binato ko ang mga daggers. Sinigurado kong hindi sila matatamaan. Napangisi ako dahil doon.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon