Chapter 13:

4.7K 122 1
                                    

Aziria's POV

Nandito ako ngayon sa gym kasama ang mga kaibigan ko. Gumugulo pa rin sa isip ko ang Black Hell Gang. Isama mo pa si Zairian na alam ang tungkol doon. Isa lang naman ang nasa isip ko ngayon, e.

"Konyatan kaya kita, ano?!" sigaw ni Clesea kay Ryxel. Kanina pa kasi siga inaasar nito. Ganiyan naman talaga si Ryxel kapag may bago sa amin.

"Bawal landian."

Napatingin kaming lahat kay Jasfer na may nakalolokong ngiti. Tinutukso ang dalawa.

"Shut up," ani Ryxel na hindi gusto ang pinupunto ng kaniyang kaibigan. Kapag si Jasfer ang nang-asar, tuloy-tuloy 'yan.

Imblis na matakot, tumawa lang ito. "HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Tahimik natin," ani Heart na hindi ko man lang napansin na lumapit sa akin. Napuna yata ako.

"Oo ng. Malalim ba ang iniisip mo?" tanong ni Lara sa kabilang gilid ko.

"May balita kayo sa Black Hell Gang?" diretso kong tanong.

Kumunot ang mga noo nila na may halong pagtataka. Natigil sila sa bawat pinagkakaabalahan. Naging seryoso ang kanilang mukha na kanina lang ay nagtatawanan at nagbibiruan.

"Black Hell Gang?" silang lahat.

Suminghal si Lara. "Matagal ng wala iyon, Aziria!"

Pabalang na sumagot si Ryxel. Halatang ayaw pag-usapan ang tinanong ko. Tila isang bangungot ang pangalan ng grupo nila. "Bakit mo pa hinahanap ang mga gustong pumatay sa atin?"

"Mga traydor ang tinatanong mo, Aziria," si Jasfer.

"I know," I responded coldly. Naiinis na talaga ako kay Zairian. Binibigyan niya ako ng iisipin.

"Bee, bakit mo pa inuungkat ang gang na iyon?" Lumapit pa sa akin si Clesea para umusisa.

Huminga ako nang malalim. "Sila ang nagbabanta sa amin."

"Paano?" si Ryxel.

"Gumagamit sila ng kahinaan, mag-ingat kayong lahat," saad ko. Tumingin ako kay Clesea. "Be careful, Clesea. Hindi sa lahat ng oras kaya kitang iligtas. Alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo pero malaki ang pinagkaiba nila sa 'yo."

"Naguguluhan ako," ani Heart.

Kahit naman ako. Iniisip ko nga kung iisa ang Jewel Gang at dating Black Hell Gang. Sila lang kasi ang imposibleng umungkat niyon sa akin lalo na't may galit si Natasha.

"I'm not sure yet so just be careful," sabi ko at umalis na.

Kailangan kong magawan agad 'to ng paraan dahil pakiramdam ko delikado ang isa sa amin. Dagdag problema pala ang gang na 'yon. Matagal na silang hindi nagpaparamdam sila nang umalis ako dahil nakuha nila ang posisyon. Ano pang kailangan nila sa akin? Napatigil ako sa pag-iisip dahil sumusunod si Clesea sa akin.

"I can't imagine," sabi ko.

"Ano na naman ba iyon?"

"Wala."

Bumuntong-hininga na lang ako at sumakay sa kotse. Pinaandar ko na ito nang mabilis. Pagkarating ko sa unit, humilat agad ako sa sofa.

"Freedom!"

Salitang lumabas sa bibig ko. Kung ganito lang ang ginagawa ko sa araw-araw hindi sana ako nakararamdam ng pagod. Ganito ako noong nasa poder ako ng aking mga magulang pero ayoko na sa kanila.

"Magluluto muna ako, Badang." Paalam ni Clesea na parang hindi napansin ang tinawag niya sa akin.

Napanganga ako habang nakatingin sa kisame. "What?! Badang?! Pwede mo namang itawag ang Budang kay Budang, ah?! Tigilan mo nga iyan, Clesea! Ayoko niyan!"

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon