Chapter 14:

4.3K 118 0
                                    

Aziria’s POV

Papasok na kaming school ni Clesea. Nakasunod lang siya sa akin habang nagmamaneho. Nang makarating kami, pinarke ko na ang aking kotse. Bawat sulyap ko kay Clesea ay nangungunot ang noo ko dahil sa hitsura niyang balisa at hinang-hina.

"Clesea," I called her.

Mabilis siyang pumunta sa akin. Tinitigan ko lang siyang ng matagal at nahuli ko na kung ano.

"Kumain ka ng maanghang, ano?" Agad na nagseryoso ang mukha ko. Napatuptop na lang siya at hindi nakasagot. "Damn, Clesea!" Napahilamos ako ng mukha dahil sa kakulitan niya.

"Hindi ko kasi binasa na sobrang anghang. Akala ko sweet and spicy," mahina siyang magsalita ngayon. Bukod sa inis ako dahil na rin yata sa karamdaman niya.

"Anong pangalan?" I asked.

"Marty's. Nakita ko lang."

"Anong kulay?"

"Pula."

Napailing-iling ako dahil sa galit. "Kulay pula? Ano ka ba naman, Clesea, huh?! Look at yourself! Balisa ka! Sinonh hindi mag-aalala sa lagay mong niyan, huh? Hindi ba may allergy ka sa maanghang? Paano kung nahimatay ka riyan?"

Tila maiiyak na siya sa panenermon ko. Hindi siya makatingin ng maayos sa akin. "Sorry na, bee."

Napabuntong-hininga ako. "Pumunta ka na lang ng ospital, huwag ka nang pumasok."

"Kaya kong pumaso, promise," sagot niya.

Tumango na lang ako. Habang naglalakad, may naramdaman na naman ako. Nakatingin siya sa akin kaya sinadya kong gumilid para makahatak siya.

"Ano bang kailangan mo? Ang patayin ako? Sabik na sabik ba kayo?" bulong ko sa kaniya habang nakaakbay. Nagkukunwaring magkaibigan.

Nakatingin sa amin si Clesea pero hindi ko siya pinansin.

"Buhay mo ang kailangan namin!" sagot ni Zairian. Tumawa pa ng mahina nan pangdemonyo.

"See you soon."

Tinulak ko na siya papalayo sa akin sabay kumaway. Tinitigan niya lang ako at tumalikod. She’s creepy.

"Ano kyon, bee?" Lumapit sa akin si Clesea at sinundan ng tingin si Zairian. Nagtataka pa siya.

"Nothing."

Napangiwi ako nang mapunta ang mata ko kina Israel at Natasha. Nakita ko lang sila, hindi sila hinanap ng mga mata ko. Mukha silang may pinag-aawayan e. Hindi naman ako inatake ng kuryosidad kaya hinayaan ko na lang.

"Bye, bee!" paalam ng kaibigam ko dahil maghihiwalay na kami ng daan.

"Tatanongin ko si Ryxel kung ano ang kalagayan mo!" pahabol ko pa.

"Huwag doon sa jerk!" hirit niya pa.

"Asa, ‘tol."

Hindi ko na siya pinansin at tinahak na lang ang daan.

Israel’s POV

"Natasha!"

"Hindi nga talaga pwede!"

"May itinatago ka ba sa akin?"

Nakuha ko siyang tanongin ng diretso kahit takot akong malaman ang sagot. Ngayon lang siya naging ganiyan, ibang-iba siya kumpara dati. Gagraduate na lang kaming dalawa rito sa KIS, bakit magkakaproblema pa kami sa relasyon namin? Ibang-iba na talaga siya sa dati kong nakilala. Hindi naman kasi siya pumapatol sa mga estudiyante dati kaya nagustuhan ko siya.

"I-Itinatago? Wala!" mabilis niyang sagot.

"You sure?" Seryoso lang ang mukha ko.

"Yes."

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon