Chapter 3:

6.9K 187 4
                                    

Aziria's POV

Nang matapos ang labang iyon, ako naman ay irita sa aking sarili dahil papasok akong ganito muli ang hitsura. Ginusto ko ito kaya hindi na dapat ako nagrereklamo. Pero ano naman, 'di ba?

Time check : 8:00 am.

"Hays." Buntong-hininga ko dahil iritang-irita na talaga ako.

"I'm here!"

Nagulat ako nang biglang pumasok sa aking condo si Clesea, ang kaibigan kong madaldal.

"Bee, bakit ganyan ang suot mo? Alam mo bang stress na ako sa katatanong ng mga magulang mo kung nasaan ka tapos maabutan kita sa condo mong ganiyan ang itsura. Anong sasabihin ko roon?" Napabuntong-hininga siya at napatampal sa noo.

"Ang over acting mo at higit sa lahat wala kang pagsasabihan, kung ikaw nandidiri sa hitsura ko. Ano pa kaya ako?"

"I'm so sorry, bee. Tanong kaya nang tanong ang mga parents mo. Ang sinabi ko na lang wala akong alam. Ay, wait, saan ka ba pupunta?" Nangunot ang kaniyang noo habang sinusuri ang aking kabuoan.

"Malamang papasok!" sigaw ko at kinuha ang aking bag sabay labas. "Ang condo ko, huh?"

"Wait, where are you going?" Tsk, arte talaga kahit kailan.

"Papasok na." Saka ako sumakay sa aking kotse at pinaharurot iyon. Mabilis naman akong nakapunta sa Klent Inria School at naglakad papasok.

Buti na lang matalino ako, pinag-isipan ko talaga ito. "Kung si Trill ang isa sa Sapphire Gang. Ang isa ay si-Tyrone?" bulong ko sa aking sarili habang naglalakad.

Pwedeng siya. Be ready, Tyrone, absent ka pa ng isang linggo. Psh.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang biglang may tumulak sa akin ng malakas dahilan para matumba ako. Tiningnan ko ang aking mga tuhod, may gasgas. Ayoko pa naman ang sinusugatan ang aking katawan. Inangat ko ang aking ulo, nakita ko si Keziah at ang isang babae na mukhang siya ang tumulak sa akin.

"Iyan, Natasha!" biglang sigaw ni Keziah.

"Kinakawawa mo ang kaibigan ko ng gano'n-gano'n lang? At sa tingin mo, papalagpasin ko 'yon?" sigaw ng Natasha nito sa akin. Ah, so nagsumbong pala itong Keziah na 'to? Angas, parang bata. Tawag kakampi. Tsk.

Nakatigtig lamang ako sa kanila na parang walang alam sa nangyari. May naramdaman na lang ako ng mahapdi sa aking kamay.

"Ano? Tapang-tapangan porque pinagtanggol?" Patuloy ng Natasha pero hindi ko siya pinansin. Nakatingin lang ako sa kamay ko na may gasgas pati ang dalawang tuhod ko. Tumingin ako sa kanang direksyon, nakita ko ang tatlong ugok na tawa nang tawa, nakita ko rin sila Heart na nakatayo lang. Tumango sila na sinasabing patulan ko.

Kung umaakto silang parang bata, kaya ko rin iyon lalo na't good mood ako at sila lang ang maninira? Mas lalong nakaiirita.

"Loser." Tinarayan pa ako ni Keziah. Ang corny ng buhay nito, tangina.

Tiningnan ko muna sila na tinging sinusuri ang kanilang mukha. Maputi lang naman kayo pero hindi maganda, hindi na nga maganda ganiyan pa magsiasta. Mga walang ambag nga naman sa lipunan, dagdag pabigat.

"Ano? Ganyan ka na lang? Tatayo-tayo?" Maangas ang boses na binigay sa akin ni Natasha. Akala niya ba matatakot niya ako sa ganiyan-ganiyan niya? Manigas siya.

Israel's POV

Tumayo si Aziria, wala pa rin itong naging kilos, naiinip na kami. Hindi niya ba kayang ipagtanggol ang sarili niya? Kaawa-awa.

"Kawawa." Napailing-iling ako na natatawa.

"Ano? Ganyan ka na lang? Tatayo-tayo?" tanong ni Natasha na maangas ang boses. Wala pa ring emosyon si Aziria na binigay dito, parang nakikiramdam siya.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon