Chapter 7:

5.4K 146 10
                                    


Tyrone's POV

Maaga akong pumasok. Kaunti pa lamang ang mga estudiyante, sa totoo lang ayokong mahuli sa mga klase kaya mas magandang ganitong oras ay nandirito na sa school. Huminga ako nang malalim at sinalpak­ ang earphones sa tainga habang naglalakad. Ngunit ganoon nalang akong napatigil nang may maapakan ako.

Bag ito ni Aziria?

Nagtaka pa ako bago kalkalin ang kaniyang bag. Nakita ko ang kaniyang cellphone. Saan naman namalagi ang babaeng iyon? Bakit dito na lang iniwan ang bag niya? Burara, huh!

Napatigil ako sa pag-iisip nang may tuwamag sa akin. Isang janitress. "Sir! Sir!"

Kunot noo akong humarap dito. "Oh, bakit?"

Huminga muna siya nang malalim bago ako sagutin. "May estudiyante po sa restroom. Tiningnan ko ang mukha, hindi ako nagkakamali na siya iyong anak ni Master Morris."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Walang pag-aalinlangan akong tumakbo papuntang restroom ng babae. Kahit bawal ako rito, wala na akong pakialam, gusto kong makita kung si Aziria ba talaga. Nang makita ko ang kaniyang mukha, napahinto ako. What the fuck? Hindi ako makapaniwala kung sino ang gumawa nito sa kanya. Nilapitan ko siya at kinapakapa.

Anong nangyayari sa 'yo? Ano?!

Grabe ang aking kaba. Inaapoy siya ng lagnat at basang-basa pa. Tiningnan ko ang kaniyang sugat. Magang-maga at kulay violet na. Anong pinaggagawa mo sa sarili mo?! Bakit hinahayaan mong ginaganito ka?! Fuck it, Aziria. Ito pala ang dahilan kung bakit hindi ka umuwi!

Humarap ako sa janitress. "Call the ambulance, now!" Bumaling ako sa pinsan ko. "Aziria!" Gising ko sa kaniya pero dahil nga hinang-hina siya, kahit anong tapik ko sa kaniyang pisngi, hindi niya maimulat ang mga mata. "Hey, wake up! What happened to youuuuu?! Aziraaaaa?!" Pilit kong pakalmahin ang aking sarili pero kung makikita kong ganito ang hitsura niya, mas lalo akong naiinis. "Where's the ambulance? Make it faster!"

I don't know what to do. This is the first time nang makita ko siyang ganito. Hindi ko pa siya nakikitang kinawawa. Hindi ko pa siya nakikitang namumutla. Fuck. Aziria, wake up. I'm nervous.

"Malapit na raw po sila," $agot sa akin ng janitress. Hindi ko ito pinansin. Pilit ko pa ring ginigising si Aziria pero wala talaga!

Klyde's POV

Hininto ko agad ang aking kotse nang matapat na sa harap ng school. Hindi kalayuan ay nakita ko na sina Israel at Trill na tawa nang tawa. Kung magsama talaga iyang dalawa puro kalokohan. Samahan mo pa ng mga kabaliwan ni Trill.

Bumaba na ako at pumunta sa kanila. "Ang aga niyo yata, himala."

Ako ang unang pumapasok sa amin. Nagpapaunahan iyang dalawa sa pagiging huli sa klase.

"Ito ba namang si Trill, alas singko pa lang ng umaga, dinalaw na ako sa bahay." Iling-iling sumagot sa akin si Israel.

Natatawa akong sumagot. "Alam mo namang may pagkaaswang iyan e."

"Pumasok na nga lang tayo. Tama na ang pangbubully sa akin, mga fake friends. Ampotek!" Dahil sa sinabi ni Trill ay sabay kaming natawa ni Israel. Totoo naman ang aking sinasabi.

"Ang dami mong alam."

Naglakad na kaming tatlo papasok. Kapapasok pa lang namin nang may marinig kaming ambulansya na huminto sa harap ng school. Lahat ng estudiyante ay nagtaka, pati kaming tatlo siyempre. Bakit may ambulansya? May nangyari ba?

Nalipat lang ang aming atensyon nang makita kong tumatakbo si Tyrone habang may buhat buhat na babae. Natatakpan ang mukha nito ng kaniyang buhok kaya hindi ko mawari kung sino.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon