Epilougue 2:

6.9K 154 12
                                    

Third Person’s POV

"Love." Yumakap si Aziria sa baywang ng kaniyang asawa habang nagluluto ito. "I miss your kiss. Kiss mo na ako."

"Nagluluto ako, love," natatawang tugon dito ni Israel. "Saka bago ako magluto, I kissed you. Miss mo na agad?"

"Please? Sinong hindi makakamiss kong 8 years akong walang kiss from you?" lihim na napairap ang babae.

"Dad is cooking, mom," mahinahong suyaw ng anak nila. Nakasalong-baba ito sa lamesa. Naghihintay matapos ang tatay niyang magluto. 

Lumapit si Aziria at pinisil ang pisngi ng anak. "Nagmana ka talaga sa tatay mo, baby."

"I’m not baby anymore, mom," reklamo pa ni Ishezea.

"I’m handsome and she’s beautiful, right, baby? Talagang mana iyan sa akin," gatong pa ni Israel.

Ngumiti nang malawak ang bata. "Yes, dad! I agree!"

"Hays, napagtutulungan na ako," mahinang bulong ng ina.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang bumukas ang pintuan at pumasok si Tyrone.

"Nandirito ka?" agad na tanong ni Aziria.

Inis na naupo si Tyrone sa sofa. Napasabunot pa sa sariling buhok. "Kung saan-saan naglilihi si Akhira. Apat na oras na akong naghahanap ng gusto niya, wala akong makita. Kapag nakikita niya naman ako, sobrang sungit."

Natawa si Israel. "Mahaba naman ang pasensya mo kaya ayos lang ‘yan. HAHAHAHAHAHA!"

"Bilhin mo na lang po ang pinapabili niya, tito," mahinang pagsasalita ng bata. "Kung maselan ang kaniyang pagbubuntis, intindihin mo na lang po. May gano’n po kasing buntis."

"Ishezea is right." Tumango-tango si Aziria. "Tatay ka ng batang dinadala niya. Responsibilidad mo ‘yan. Go and find na, Tyrone. Good luck!"

"You are really heartless, Aziria," ani ng pinsan.

"Kung ako ‘yan? Maghahanap na ako kaysa mawalan ako ng asawa," pagpaparinig ni Israel habang natatawa.

"Fine!" pagsuko nito at dire-diretsong lumabas ng bahay.

Napatawa ang mag-asawa.

"Ganoon ba talaga kayo kapag maglilihi?" kuryosidad na tanong ni Israel na ngayon ay tinatanggal ang apron sa katawan.

"Depende," sagot ng asawa. "May mga senyales, ang iba ay magkakaiba. Sabi nga ng anak mo, may maselan sa pagbubuntis. May ganoon talagang babae. Noong sa akin naman, may hinahanap lang akong iba no’ng buntis ako." Tumango si Rael bilang tugon. Tumitig si Aziria sa asawa. "Naiinggit ka kay Tyrone, ano? Dahil hindi mo naranasan iyon sa akin?"

Tinaasan niya ng kilay ang asawa. "Bakit naman ako maiinggit kung p’wede naman ulit kitang paglihiin?"

"Israel!" mabilis na suyaw ni Aziria dahil kahit malayo ang tingin ng kanilang anak ay halatang nakikinig ito. "Forget what he said, anak. Don’t mind him."

Magalang na tumango ang bata. "Yes po."

"AZIRIA!"

Matinis na boses ang umalingawngaw sa kanilang bahay. Bumukas ang pintuan at niluwa niyon si Azimia.

"Ano ba?! Ang hilig mong sumigaw. Mukha ba kaming mga bingi rito?" bungad ni Aziria.

"May good news ako! Waahhhh!" Tumalon-talon pa ‘to sa tuwa.

"Ano iyon?"

"Sina Freya at Klyde! Hiwalay na!"

"What happened?" tanong ng mag-asawa.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon