Aziria’s POV
"Clesea, Azimia, inaantok pa ako!" irita kong sigaw sa kanila dahil kanina pa nila ako ginigising. Hindi ko man lang makuhang tumayo.
"Wake up, ate! Wake up!" tila batang hinahatak ni Azimia ang isang kamay ko. Paulit-ulit siya sa kaniyang sinasabi. Pinapatayo talaga ako sa kama.
Kinuha ko ang kamay ko kay Azimia. Kinuha ko rin ang isang unan at tinaklob sa mukha. "Ano bang kailangan niyo?" Ramdam na ramdam ko pa ang antok sa akin.
Tinanggal naman ni Clesea ang unan sa mukha ko. "Tumayo ka na riyan, Aziria!"
Nakapikit akong binabawi ang unan sa kaniya. "Maaga pa," tamad kong turan. "Aray!" Bigla na lang akong nahulog sa kama. Sumobra pala ang pag-urong ko.
Nagtawanan ang dalawa. "HAHAHAHAHAHA!"
"Excited ka ba pumasok, Azimia?" I pouted at them pero kahit anong pagmamakaawa ko, mukhang ayaw nila akong bigyan kahit limang minuto lang.
"Hindi ako ang excite—"
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang takpan ni Clesea ang kaniyang bibig.
Tinuloy ni Clesea ang naputol. "Yes, she’s excited!"
"Tsk!" Tumayo na ako at dumiretso sa kusina. "Kakain muna ako. Bahala kayo riyan." Bakas ang pagtatampo sa aking pananalita.
"Wow, huh? Kailan pa nauso sa ‘yo ang pout at tampo? HAHAHAHAHAHAHAHA, may nagpapalambot na ba? Tell me naman, oh!" May nakalolokong ngiti sa labi ni Clesea.
Sinegundahan ni Azimia. "Yieeeee, ate! In love siya kay Kuya Israel! Dapat ako rin kay Klyde para parehas kami!"
Napaikot ako ng mga mata. "Stop it. You’re just grade nine, Azimia. Focus on your study."
"Crush ko lang naman si Klyde, e! He is just my crush!" hindi niya pagpapatalo.
"You don’t deserve to be hurt, okay?" I faced my sister. "Hayaan mo ako. Iyang intindihin mo, pag-aaral mo."
Napanganga si Clesea sa aking tinuran. "Tell me kung nilalagnat ka, bee, huh? Kukuha ako ng gamot."
"Over acting," komento ko. "Ang aga-aga pa, nakauniporme na agad kayo. Excited, huh."
"Maligo ka na!" sigaw nilang dalawa at tinulak ako papasok ng banyo. What the fuck? Ang sama nila!
Nang matapos akong maligo. Nagsuklay ako ng buhok, nangunot ang aking noo nang wala sa lalagyan ang ginagamit kong salamin. Kailangan ko ‘yon dahil maraming nakakikilala sa akin. Dapat akong magdoble ingat.
Bigla akong nakaramdam ng inis. "Clesea! Azimia!" sigaw ko pero walang sumagot. Lumabas ako sa kwarto at hinanap sila. "Argh, iniwan ako! Excited ba talaga ang mga ‘yon?!"
Inasikaso ko na lang ang sarili ko. Pagdating ko sa parking lot, sasakay na sana sa sasakyan nang may mapansin akong papel.
‘Happy, huh? Enjoy your day, queen. Malapit na kami.’
I just rolled my eyes. Ngayon na lang muli sila nagparamdam. Inilibot ko ang aking paningin na baka makita ko sila pero wala naman taong kataka-taka. Nilapitan ko ang guwardiya.
"Mister, may napansin po ba kayong tao rito? Pumunta sa sasakyan ko?" tanong ko. Tinuro ko pa ang puwesto ng sasakyan.
Agad siyang umiling. "Wala po, ma’m. Dalawang babae lang po ang nakita ko, parehas nakauniform. May problema po ba? P’wede po nating tingnan sa cctv footage."
"Hindi na po, salamat."
Bumalik ako sasasakyan. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang litrato nina Clesea at Azimira sa likod. Kaba ang nanguna sa akin dahil may Black Hell akong nabasa. Huwag na huwag lang nila gagalawin ang dalawang ‘yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/190403347-288-k293965.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hidden Princess
Genç KurguAziria Izzy Sullvian-she transferred to a school owned by her family, or rather, where her father is a major stockholder. The young woman is on the run from her parents due to an incident that deeply angered and saddened them. This marks the beginni...