Clesea’s POV
"Aziria, may gana ka bang pumasok?" tanong ko sa kaniya.
Tumango lang ito, hindi nakuhang sumagot. Dumiretso na lang siya sa banyo. Matapos niyang himatayin ay naging ganiyan na siya. Hindi mo makausap ng matino at malalim pa rin ang iniisip. Mabuti nga ngayon ay papasok na sa school. Hindi na siya nagkukulong sa kwarto.
"Ate, papasok na si ate?" pangungumpirma ni Azimia. Gusto na ring pumasok ang ate niya.
Matapos ang pangyayaring ‘yon, parang nailang si Azimia kay Aziria. Hindi ko alam ang dahilan niya, para bang nabigla siyang makita kaming ganoon ng ate niya. Siguro ay dissapointed siya.
"She’s okay now. Papasok na siya," I answered plainly.
"Mabuti naman."
Maya-maya ay lumabas na si Aziria. Nakaayos na siya, may bago sa kaniya because she wearing a make up, dati niyang gawain. Babaeng-babae siya kumilos ngayon.
"Bilisan niyo," bulong nito sa amin.
Sumunod na naligo ay si Azimia, sunod ako. Dapat nag-umagahan muna kami kaso madaling-madali itong si Aziria. Kumakain kaming tatlo na walang nagsasalita.
Hindi na ako nakatiis. Tiningnan ko ang mag-ate at nagsalita. "Hindi ba kayo mag-uusap?"
Humarap sa akin si Azimia. Halata sa reaksyon niya na hinihintay niya lang kausapin siya ng ate niya. Si Aziria ay tila wala lang, parang hindi narinig ang aking tanong. Nakatulala siya ngayon. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa kinikilos niya. Gusto niya ba talaga ng space?!
Napataas ang kilay ko nang wala pang bawas ang kanin ni Aziria. Si Azimia naman ay natigil sa pagkain.
“Eat first baka malate tayo," sabi ko sa mga ‘to.
"I need to go."
Napalunok ako sa boses ni Azimia. Malamig, kasingtulad ng kay Aziria. Mag-ate nga talaga sila. Naiinis ako dahil kahit anong presensyang pagpapapansin niya sa kaniyang ate, hindi pa rin siya tinitingnan nito.
Agad na nawala ang pagkamalamig ni Azimia nang marealize niyang wala lang talaga siya sa ate niya ngayon. "I need to go. Kylde texted me. He will pick me up."
"Ingat!" pahabol ko. Kumaway pa sa kaniya.
Makakalabas na sana si Azimia sa pintuan nang magsalita si Aziria. "Eat first before Klyde." Walang naging kilos si Azimia kaya tiningnan siya ni Aziria na nakataas ang kanang kilay. "Hindi mo ba kayang kumain?"
Wala nang nagawa si Azimia kun’di ang sumabay sa amin, may ngiti sa kaniyang labi. Tumuloy na lang kami maliban kay Aziria. Ayoko namang pilitin siyang kumain dahil hindi siya sumusunod sa akin lalo na’t tutol siya sa gusto ko. Sa lolo’t lola niya lang iyan sumusunod, ewan ko lang kay Israel. Ang tigas ng ulo niya, nahimatay na ayaw pang umayos.
Tinungo na naman ang parking lot. Taka akong tumingin sa kaibigan ko dahil sumakay siya sa aking kotse, hindi sa kaniya.
"Bakit dito ka?" tanong ko.
"Dito ako."
Tumango na lang ako, katabi ko si Azimia at ang isa ay nag-iisa sa likod. Sa biyahe, halos mabingi na ako dahil sa katahimikan. Pare-pareho silang nakikiramdam. Sinilip ko si Aziria sa front mirror, malalim na naman ang kaniyang iniisip.
Bumaba na kami nang makarating sa KIS. Dire-diretsong pumasok si Aziria kaya hinabol muna namin siya ni Azimia bago makasunod sa kaniya. Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip pa si Aziria. Iyong mukha niya sa bulletin board dati ay mukha niya ngayon, I mean magkaparehas ng ayos kaya nagbubulungan ang mga estudiyante.
![](https://img.wattpad.com/cover/190403347-288-k293965.jpg)
BINABASA MO ANG
The Hidden Princess
Teen FictionAziria Izzy Sullvian-she transferred to a school owned by her family, or rather, where her father is a major stockholder. The young woman is on the run from her parents due to an incident that deeply angered and saddened them. This marks the beginni...