Aziria's POV
Nang matapos ang pangyayaring iyon ay dumating ang uwian. Si Clesea, binantayan talaga ako. Hindi na siya pumasok, nagsabi na lang siya sa kaniyang advicer na may emergency sa kanila. Pft.
Naglalakad kami ngayon. Halos lahat ng estudiyante na nadadaanan namin ay nakatingin sa akin. Hindi ba nila makalimutan ang eksenang iyon? Ano ba kasing naisip nitong Natasha at magpakabida sa maraming tao?
Habang naglalakad, nasalubong ko sina Ryxel, Heart, Lara at Jasfer.
Seryosong nagtanong sa akin si Ryxel. Nakapamulsa. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
"Yeah," tamad kong sagot.
"Aziria vs. Natasha? Aziria ako!"
Agad namang binatukan ni Lara si Jasfer dahil sa sinabi nito. "Lolo-loko talaga 'tong siraulo na 'to!" Lagi namang nagtatalo ang dalawang iyan. Hindi na bago sa amin.
"Paano na 'yan?" Napatingin ako kay Heart dahil nag-aalala ang kaniyang pagkakasabi. "May nagbabanta sa 'yo."
Agad kong naalala ang salitang be ready. Dapat ba akong kabahan dahil may nagbabanta sa akin?
"Oo nga, bee. Anong gagawin mo?"
Ano nga bang gagawin ko?
"Pabayaan niyo na," aniko.
"What?!"
Ano bang nakakagulat sa desisyon ko? Bakit halos lahat 'to hindi makapaniwala? Kilala ko ba kung sino ang nagbabanta sa akin? Hindi naman.
Suminghal ako at nag-umpisa nang maglakad. "Wala namang problema roon."
"Mapapahamak ka na, wala ka pang gagawin?" Tinaasan ako ng kilay ni Clesea, marahil ay naiinis dahil iyon ang aking desisyon.
"Agree." Pagsang-ayon ni Ryxel.
"Hindi ko siya kilala," mahina kong sabi. "Pero may hinala ako."
"Sino?"
Kailangan ba talaga sabay-sabay? Nag-usap ba ang mga ito? Hays.
"Babae o lalaki?"
"Bakla o tomboy?"
"Anong pangalan niya?"
"Babae."
"Babae? Sino naman?" Si Ryxel na nag-iisip. Naguguluhan na rin sa sitwasyon.
"Dito siya nag-aaral, hindi pwedeng pumasok sa loob ang outsider dito sa school kaya estudiyante iyan dito sa KIS. Nakapasok lang naman si Clesea because of emergency. Posible ring matagal niya na akong minamanmanan." Paliwanag ko sa kanila gamit ang kalmadong boses. Nagsikunot ang kanilang mga noo, iniisip ang aking sinabi.
Napatanong si Jasfer. "Lagi mo ba siyang nakikita?"
"Hmm?" Napaisip ako. Ngumisi ako sa kaniya. "Yes, nagdidisguise."
"Paanong disguise?" Kay Clesea naman ako napatingin. "Babae siya then nagpakalalaki o lalaki siya then nagpakababa-"
"No," putol ko. "She didn't change her appearance. Her attitude, yes."
"Oh, she's a girl? You have a point." si Lara.
"At may isa pa," dagdag ko pa.
"What is it?" si Heart.
"She's not alone, she has an accomplice."
Natigilan sila sa aking sinabi, nag-aalala sa p'wedeng mangyari sa akin. Hindi ko na sila pinansin, naglakad na ako papuntang parking lot.

BINABASA MO ANG
The Hidden Princess
Teen FictionAziria Izzy Sullvian-she transferred to a school owned by her family, or rather, where her father is a major stockholder. The young woman is on the run from her parents due to an incident that deeply angered and saddened them. This marks the beginni...