Chapter 4 :

6.5K 189 6
                                    

Aziria's POV

"Goodbye, class!" Pamamaalam ni Ma'am Gonzales na ngayon ay lumabas na ng silid.

Buti naman ay uwian na.

Kinuha ko na ang aking bag at palabas na sana ako ng silid nang tawagin ako ni Klyde.

"Ne-Aziria!"

Humarap ako sa kanya na salubong ang mga kilay.
"Anong kailangan mo? Kung mag-iistory telling tayo, wala akong time." Nakasimangot ang nilaan kong emosyon dito. Trip na naman ba ito?

"May tanong lang ako." Pigil niya sa akin dahil maglalakad na dapat ako.

Ipinakita ko sa kaniyang wala akong interes. "Hindi ako nakapagreview."

"May ki-"

Bigla namang naputol ang kaniyang sasabihin dahil may pumapel. "Oh, Badang, nandiyan ka pala." Si Israel na kalalabas lang ng silid kasama si Trill.

Imbís na mainis, sinabayan ko na lang ang pang-aasar nito. "Oo, Budang, kaya mauna na ako." Hindi ko na sila pinansin. Naglakad na lang.

Daming alam ni Klyde, magtanong siya sa iba hindi sa akin. Feeling ko puro trip ang dala nila sa buhay ko. Tsk. Dumiretso ako sa locker at inilagay ang mga gamit ko roon. Wala naman kaming homework at ayoko magdala ng bag. Sinarado ko ang aking locker at diretso sa gym. Nandon na iyong apat na iyon.

Mabilis naman akong nakapunta, kitang-kita ko naman na agad sila. Pati nga mga boses ay rinig na rinig ko, sobrang ingay talaga nila.

"Oh, nandiyan ka na pala." si Ryxel.

"Ano nga palang pinag-usapan niyo ng tito mo sa office?" tanong ni Lara sa akin.

"OMG! Ang gwapo talaga ni Ryxel!"

"Kay Jasfer ako!"

"Bakit kasama nila iyong pangit na nerd?"

"Iyong nakaaway nina Natasha at Keziah?"

"Oo, mabuti nga e. Alam mo ba? Grabe siya makipag-usap sa dean natin."

"Walang modo."

Bulungan ng mga babae habang naglalakad palabas ng paaralan.

"Mga chismosa," bulong ko.

"Masanay ka na." si Heart.

"Ano nga pala iyong tanong mo, Lara?" Baling ko rito dahil nakalimutan ko ang tanong niya.

"Anong pinag-usapan niyo ng tito mo?"

"Hindi ko magagawa ang inuutos niya sa akin. Bakit daw ganito ang hitsura ko at baguhin ko raw? Bakit? Kapag nakita ba ako ng mga bodyguards ng mga magulang ko, nandiyadiyan ba si tito? Akala kasi nila ang dali ng sitwasyon ko ngayon." Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa kawalan.

Biglang nagtanong si Jasfer. "Habang buhay ka na lang magtatago?"

"Hindi naman. Ayusin lang nina mom at dad ang buhay nila, mag-aayos din ako." Nagsindi ako ng sigarilyo.

"Bawal sigarilyo rito!"

"Walang bawal-bawal sa akin, pabayaan niyo muna ako," aniko habang binubuga ang usok ng sigarilyo ko.

"Kumuha ka na lang kaya ng bodyguards mo para may magbantay sa 'yo."

Dahil sa sinabi ni Jasfer ay muli akong napatingin sa kaniya. "Iyon na nga, magbantay? Baliw ka ba? Hindi ako makakikilos dahil may sagabal, malamang bantay talaga ako." Hinithit ko ang sigarilyo.

"Sabagay."

Bigl­a na lang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Tumatawag si Tyrone. Napangiti ako nang mabasa ko ang kaniyang pangalan, mabuti naman at naisipan nitong tumawag.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon