Chapter 10.

5K 141 7
                                    

Israel’s POV

"Keeno,” usal ni Aziria sabay tingin kay Tyrone. "Sana naman sinabi mo."

Wala kang emosyong makikita sa kaniya. Blanko lamang ito. Para bang may hindi siya nagustuhan, iyon ang hindi ko alam.

Kita kong tumango-tango si Keeno. "Nice to meet you again." Tumingin siya kay Aziria ng seryoso.

"Don’t waste my time."

Ngayon, bakas na sa boses niya ang naiinis. Nginitian lang siya ng aming kaibigan, umupo rin ito sa upuang kaharap niya.

"Eat again," baritinong boses ang nilaan ni Keeno sa pag-uutos kay Aziria. Animong inuutusan ang isang bata kahit alam naman ang gagawin.

"No need, nakakawalang gana." Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nangunguna talaga rito ang walang emosyon. Naiirita siyang parang naluluha. Hindi ko talaga mabasa ang kaniyang isip. Napakahirap.

"Aziria, umupo ka na," utos ni Tyrone na ang tingin ay nasa pinsan niya lamang.

Ang kaninang Tyrone na nakangiti kanina, seryoso na ngayon. May hindi ba kami nalalaman?

Huminga nang malalim si Aziria. "Hindi na. Next time na lang ako pupunta rito."

May pagtatampo ang kaniyang pagkakasabi. Hindi niya ba nagustuhan ang pagdating ng aming kaibigan? Then sabi ni Keeno, nice to meet you again. So nagkita na sila dati?

Hindi nagpatalo si Tyrone sa blankong emosyon ni Aziria. Nakipagsabayan siya. "Aziria." Nagtitimpi. "Nasa hapag kainan tayo."

Biglang sumabat si Trill, halatang ayaw niyang umalis si Aziria. "Umupo ka na, please." Para kasing magkakaroon ng tensyon kung hindi ka sisingit. Para bang isang pitik na lang, sasabog na ang magpinsan.

"Aziria, sit. Isantabi mo kung anoman iyan," si Kylde.

"Fine."

Labag man sa loob ni Aziria ang umupo. Wala na siyang nagawa kaya nagtuloy kami sa pagkain. Wala siyang ngiti-ngiti, hindi nagbabago ang kaniyang emosyon.

"Bakit ka nga pala kasama ni Brinten noong nakaraan?" Umiinom si Keeno ng tubig nang tanongin niya ang kaniyang kaharap. Which is Badang.

"Ask your little brother," tamad niyang sagot. Pinaparating sa nagtatanong na wala siyang ganang makipag-usap.

"I’m asking you now."

Nilapag ni Aziria ang mga kubyertos. Tumitig siya sa kaniyang mga kamay. "Just shut up, okay? I’m eating."

"Wala ka pa ring pinagbabago."

"Ano ba dapat kong baguhin? Stop being concern to me, Keeno. Nasa hapag kainan tayo. Will you stop?"

Hindi namin nagawang sumabat dahil ramdam na ramdam namin ang tensyon sa kanilang dalawa. Pati si Tyrone ay hinahayaan lang ito. May hinanakit ba sila?

"Let me explain."

"I don’t need your explanation."

"I'm so sorry."

"You don’t need to say sorry."

"I lov—"

"Fuck off! I hate you!" Nagulat kaming lahat namg ibagsak muli ni Aziria ang mga kubyertos, nagbigay iyon ng malakas na pagdadabog. Nanlaki ang mata naming tatlo sa nangyayari. "Aren’t you ashamed? Nakukuha mo iyang sabihin dito sa harap nila? Gaano na ba kakapal ang mukha mo, Keeno? I tried not to get mad at you pero ikaw na mismo ang gumagawa. Lagyan mo naman ng hiya iyang pagkatao mo."

Galit na galit siya ngayon. Ano ba talagang mayroon?

"Both of you, stop." Nakuha na ni Tyrone’ng sawayin ang dalawa. Hindi rin kasi niya alam kung paano aawatin.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon