Chapter 2:

9K 226 1
                                        

Trill Villanueva's POV

Nakabuburyo naman ang pagtuturo ni Ma'am Gonzales sa harapan. Inaantok na lang kaming tatlo kaya ang ginawa namin, pinagdidikitan namin ng papel sa likod si Ms. Sullvian. Deserve.

'Pangit ako.'

'Magkano ako?'

'Mabaho ako.'

Iyan ang mga nakadikit sa kaniya dahilan para magbungingisan kaming tatlo. Wala e, magkakaibigan, kalokohan ng isa, kalokohan naming lahat. Depende kung tama pa ba pag-iisi-No, tama ang pag-iisip namin, trip lang.

"Lagot ka." Pananakot sa akin ni Kylde na may seryosong reaksyon. Akala mo naman hindi siya kasabwat.

Nginisihan ko lang siya at minura. "Fck you!"

"Ano kayang feel niyan? Haha." Natatawang ani Israel na nakatingin pa sa likod ni Aziria. Subukan natin sa 'yo para malaman mo.

"Kayong tatlo sa likod? Mr. Abriel, Mr. Villanueva at Mr. Fuentebella, bakit kayo tumatawa?" Baling sa amin ng guro. Napunta tuloy ang atensyon ng lahat sa'ming tatlo. Natahimik kaming tatlo.

Nagulat kami nang tumayo si Ms. Sullvian.

"Because of me yata, ma'am," anito at kinuha ang tatlong papel na nasa likod niya. "See? Because of me." Saka siya umupo na parang kampante lang. Hindi siya naapektuhan sa aming ginagawa dahilan para uminit ang aming ulo.

"Sorry, Miss Sullvian."

Nagulat kaming tatlo roon. Bakit nagsosorry si ma'am diyan? Sa amin lang siya humihingi ng tawad kung talagang kailangan. Sa simpleng pagdidikit lang namin ng gano'n? Bakit kailangan niyang humingi ng tawad?

"You don't need to say sorry, ma'am. Ang magsasabi lang niyan kung sino ang gumawa pero mukhang makakapal ang mukha kaya huwag na lang." Hindi ko mawari kung nang-iinis ba siya? Naiinis ba siya? Ewan, hindi ko malaman ang kaniyang emosyon.

"Kayong tatlo, say sorry to Miss Sullvian!" Sigaw ni ma'am habang nakaturo sa amin. What? Seriously? Anong nagaganap dito sa loob ng aming silid-aralan?!

"Ma'ammmm!" Pagmamaktol agad ni Israel. Alam ko na iyan. Dinadaan sa pa-cute. Wews, Mr. Abriel, mga gawain mo.

"Ma'am, hayaan niyo kung ayaw. Huwag nang pilitin, mukhang ikamamatay ng dignidad nila." Pansin kong napabuntong-hininga pa siya. Kanina niya pa rin kami hindi nililingon.

Hindi katagalan, natapos na rin naman ang klase.

"Break time, class. Good bye."

"Patidin," seryosong bulong sa akin ni Israel na mukhang babawi sa pagpapahiya ni Ms. Sullvian sa amin kanina. Yes, napahiya kami roon, minsan lang kami sigawan ng guro.

Pumunta kami ni Israel sa pinto malapit sa harap, si Klyde naman sa likod. Nag-aayos pa ng gamit si Ms. Sullvian at nang matapos, naglakad na siya patungo sa amin.

Huli.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawanan namin nang muntik na masubsob ito sa sahig, pati ang mga nakakita ay hindi napigilang hindi tumawa.

Naglakad na lang siya na parang walang nangyari. Anong klaseng babaeng 'yon? Hindi niya napansin ang aming presensya? Hindi niya ba tatanongin kung sinong may gawa no'n? Hindi ba siya maiinis dahil pinagtawanan namin siya?

Aziria's POV

Tsk, mamamatid na lang hindi pa tinuloy na masubsob ako. Dumiretso ako sa locker at inilagay ang aking mga gamit doon. Pagkatapos niyon, dumiretso ako sa gym dahil mag-uusap kami nila Heart. Habang naglalakad ako, ang tangi ko lang naririnig ay...

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon