Aziria’s POV
Dalawang araw na ang nakalipas. Kasama kong naglalakad papasok sina Azimia at Clesea papasok ng paaralan. Bumalik ako kung anong buhay ko ngayon.
"Bee, ayos ka lang?" tanong ni Clesea. Kanina pa yata siya nakahahalata kung bakit ako tahimik. Hindi ko siya sinagot.
Hindi niya alam ang nangyari sa akin matapos ang dalawang araw. Ayokong sabihin sa kanila, hindi naman dapat nilang malaman. Pero kapag nalaman nila ang tungkol sa marriage contract, baka sila pa mismo ang magtago sa akin.
"I’m fine," sagot ko.
"Naging ganiyan si ate simula nang may mangyari sa cafe," bulong naman ng kapatid ko.
"I”m just tired," tamad kong sagot.
"Everything will be okay, Aziria," Clesea cheered me up. "Don’t streds yourself, nandito pa kami for you!"
"Thank you." Alam ko naman na lagi silang nandiyan sa akin. "Pero hindi lahat ng sitwasyon ay naaayos."
Agad niyang kinontra ang paniniwala ko. "Hindi maayos ang sitwasyon kung walang kikilos, bee."
"Kumikilos sila," aniko. "Sa maling paraan nga lang."
Napakamot siya ng ulo at ngumuso. "Wala na akong maisip, bee. Tama na pakikipagtalo."
Hindi na lang ako nagsalita. Akala ko iyon na ang katahimikan pero may kaugali pala ‘tong si Clesea.
"Ate, mag-usap na kaya kayo ni Israel?" tanong ni Azimia. Inosente ang mukha. Para sa kaniya madaling ayusin ang sitwasyong gano’n.
"May dapat ba?" I asked coldly. Kinuha ko ang sigarilyo, sinindihan at pasimple ‘tong hinithit para hindi ako makita ng mga guro.
"Woi, bawal ‘yan!" suyaw ni Clesea. "Presidente ka rito. Kapag nakita ka ng mga estudiyante, baka gayahin ka nila."
Ibinuga ko muna ang usok bago siya malamig na tiningnan. "Go on."
Napanguso ang dalawa. Hindi na lang sila umimik dahil wala silang makuhang maayos na sagot sa akin.
Clesea’s POV
I feel sad for Aziria. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya ganiyan. Iniisip ko na si Israel pero iba ang kinikilos niya, kung si Israel lang, makukuha niya agad itong ayusin. Parang mayroon pa. Lagi na siyang tulala, mairitahin at bumalik sa pagiging malamig. Nasanay ako sa pagbabago niya, bumalik siya ngayon kaya hindi ko na maintindihan.
"Bee!" I called her. Nakakainis dahil may sigarilyo na naman sa kaniyang kamay.
Hays, Aziria, magkakaroon ka ng sakit kung ipagpapatuloy mo iyan. Mabuti na lang hindi siya napepressure at binabangungot. Malaking pasasalamat ko na iyon.
Nagrebelde si Aziria noong nakaraang taon, nasa puder siya ng kaniyang mga magulang. Nakakapasok siyang bar dahil sa mga kaibigan kahit nasa murang edad pa lang siya. Lubos naman kasing kilala si Aziria kaya kahit saan siya pumunta, hindi siya nahaharang. Dati ay nakikita kong may mga lalaki siyang kasama, isang beses nga nahuli ko siyang nakikipaghalikan. Ang pag-inom at paninigarilyo ay kuha sa barkada. Hindi ko alam kung paano siya sumali sa mga grupo at paano niya natuklasan iyon.
"What is it?" walang emosyong makikita sa kaniyang mukha.
"Si Israel, oh!" Tinuro ko ang dulo ng pasilyo.
Nandoroon ang apat na magkakaibigan. Mula sa malayo ay kitang-kita kong nakatingin si Israel kay Aziria—hindi, sa kamay nito kung saan hawak niya ang isang sigarilyo. Sinulyapan ko ang katabi ko, wala pa ring emosyon ang kaniyang mukha.
BINABASA MO ANG
The Hidden Princess
Teen FictionAziria Izzy Sullvian? Lumipat sa sariling pagmamay-aring paaralan nila o sabihin na nating stock-holder ang tatay niya. Ang dalaga ay nagtatago mula sa mga kaniyang magulang sa kadahilanang lubos na ikinagalit at ikinalungkot nito. Dito mag-uumpisa...