Israel’s POV
"Nasa Hospital," sagot ni Lianna, iyon ang narinig kong pangalan galing kay Clesea.
Nangunot ang noo naming lahat.
"Anong ginagawa niya roon? May kaugnayan ba sina Tyrone at Ryxel? Sa pagkawala nila?" tanong ni Clesea na gulong-gulo. Hindi makapaniwala sa narinig.
"Si Aziria dapat ang magsabi niyan. Sa totoo lang kagigising niya lang kagabi." Kita ko ang kaniyang paglunok. Nag-alinlangan muli siyang nagsalita. "Masama pa ang pakiramdam niya dahil sa tama ng baril..." Nakagat niya ang ibang labi. Parang gustong sisihin ang sarili sa pagiging madaldal.
"Tama ng baril?"
"Ask Aziria or Ryxel. Galit kasi si Aziria kay Ryxel dahil si Ryxel ang huling nakita niya bago siya mawalan ng malay. Si Ryxel ang dahilan kung bakit siya bumagsak. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin kami sa nangyayari."
"Where’s my baby?" I raised my right eyebrow.
Napangiwi siya sa aking tinuran. "Sa Shincer Hospital."
Agad na nagdeliryo si Clesea. "Bakit sa ospital nila Sunshine? Magwawala na naman ang babaeng ‘yon!"
Kinakabahan siyang nagpaliwanag. "Mommy ni Sunshine ang nag-offer na siya na ang bahala kay Aziria."
"God, Lianna. Kilalang-kilala mo naman si Aziria. Bawal siya sa ospital lalo na’t aalamin ang pangalan niya. Paano na kung makarating sa balita? Magagawan ba ng paraan? Bawal kumalat na ganoon ang sitwasyon niya!" aniya pa.
Sa mahahabang lintaya ni Clesea, nakikinig ako at doon na nag-umpisang may pumapasok sa isip ko dahilan para mangunot ang aking noo.
"That’s our problem." I heard Lianna’s sigh. "Ang dami agad na kumuha ng litrato at video nang hatakin siya gamit ang stretcher dahil sa malaking pabuya but don’t worry. Magaling ang grupo namin. Malinis kaming kumilos."
Who are you, Aziria? Wala akong nagiging sabat dahil inaalam ko ang bawat siansabi nila.
"Oh, anong ginawa niyo?" Silang dalawa lang ni Clesea ang nagkakaintindihan. Hindi ko alam kay Rayze na ulupong na ito.
"Team Liquipaid did well. Hindi makararating sa public. Don’t worry, Clesea. Everything is alright."
"Stop that," biglang sabat ni Rayze. "Si Aziria ang mahalaga."
NAKARATING kaming ospital, sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Sasabihin na sana ni Clesea ang pangalan ni Aziria nang pigilan siya ni Lianna.
"Rachelle Dela Cruz," aniya gamit ang seryosong boses. Hindi nagbibiro. Who’s Rachelle Dela Cruz? Scammer ba ‘tong babaeng ito? Alam kong naguguluhan na rin ang dalawang kaibigan ko sa aking likuran.
"Room 205 po, private room."
"Private room?" taas-kilay na hinarap ni Clesea si Liaana.
"Kagigising niya lang," simpleng sagot nito.
Nakuha ko nang sumabat. "Rachelle Dela Cruz?" bakas sa pananalita ko ang panghihinala. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong malaman ang tinatago nila dahil manliligaw lang ako ni Aziria. Saan ba ako lulugar? Sa banyo na lang.
"Long story, kuya! Hehe!" Si Azimia ang sumagot.
Lihim akong napabuntong-hininga. Ang mga mata nila ay nagsasabing si Aziria ang tanongin ko, huwag sila. Huminto kami sa isang kwarto, sabay-sabay kaming pumasok. Bumungad sa amin si Aziria na nakahiga sa puting kama, nakapikit ang kaniyang mga mata.
Napa-arko ako ng kilay nang makitang nakaupo sina Tyrone, Jasfer at Lara. Hindi ko na nagawang tanongin. Tinitigan ko si Aziria, matamlay ang kaniyang hitsura at namumutla siya. Bigla kong naiyukom ang aking mga kamao.
BINABASA MO ANG
The Hidden Princess
Novela JuvenilAziria Izzy Sullvian? Lumipat sa sariling pagmamay-aring paaralan nila o sabihin na nating stock-holder ang tatay niya. Ang dalaga ay nagtatago mula sa mga kaniyang magulang sa kadahilanang lubos na ikinagalit at ikinalungkot nito. Dito mag-uumpisa...