Chapter 5:

6.4K 174 3
                                    

Aziria's POV

"Anong nangyari?" tanong sa akin ni Clesea. Nakaabang silang apat sa magiging sagot ko. Kinuha ko ang aking cellphone at hinarap sa kanila.

Tinabingi ni Trill ang kaniyang ulo para suriin ito ng mabuti. "Bakit sila nakatali sa puno?"

"Oh my God! Ano nang gagawin mo, bee?"

Tumayo ako. "Ano pa ba?" Kinuha ko ang aking bag. "Alangang pabayaan ko sila." Seryoso kong sabi na hindi man lang maikurba ang labi para sa ngiti. Problema itong ngayon.

"Huh? Huwag mong sabihin na pupunta ka roon?" Halata sa boses ng kaibigan ko ang pagtutol.

"Oo," kaswal kong sagot.

Nangunot ang aking noo sa naging reaksyon ni Israel. "Hoy, Badang, nababaliw ka na ba? Ililigtas mo sila Ryxel na ikaw lang?" E, ano naman? May kaso ba roon?

"I can handle this." Matigas kong sagot.

"Tumawag na lang kayo ng police." Suhestiyon ni Klyde na agad namang binatukan ni Trill. Nagsalubong agad ang mga kilay ko. Bakit ba namomroblema sila? Parang kanina lang ay inis na inis silang tinulungan ako.

Hindi ko na sila pinansin at bumaling na kay Clesea. Tutal nagrereklamo ang Israel na 'to, si Clesea na lang ang isasama ko. "Clesea, samahan mo ako tutal lagi naman kita kasama sa pata-rambulan."

"Ayoko nga, sumasama lang ako sa 'yo kapag hindi pata-" Agad kong nilakihan ng mga mata si Clesea, sinasabing itikom ang kaniyang bibig. Naintindihan niya naman ang senyas ko. Daldal. "Sinasamahan lang naman kita kapag nasa squatter tayo."

"You studied martial arts so come with me."

"Bakit ikaw marunong ka namang p-"

"Just shut up your fucking mouth, Clesea." Bigla ko na siyang nasigawan dahil sa pagiging madaldal niya. Mapapahamak kami kung patuloy siyang ganiyan.

Napansin ko ang tatlong ugok na nagulat sa inasta ko. Wala akong pakialam doon, hindi nila kami kilala kaya wala akong ikakabahala but sorry, Clesea, kailangan ko lang talagang gawin 'yo-Okay, fine.

"I'm so sorry." Hingi ko ng tawad sa kanilang apat at tumingin sa kawalan. Bihira lang sa akin ang ganito kaya medyo naiilang ako, bihira ko lamang gawin.

Nagsalita si Klyde dahilan para mapawi ang ilang ko. "No, naiintindihan ka naman namin dahil nag-aalala ka sa mga kaibigan mo I'll come with you."

"Me too," sagot nina Israel at Trill.

"Thanks." Ngumiti ako ng pilit sa kanila.

Tumayo si Israel at nagtanong sa akin. "Saan ba iyang lugar na 'yan?"

"Sa Silong, sa katabi ng The Rayne Subdivision."

"Sakto, alam ni Rael iyon dahil doon nakatira si
Israel." Nakangiting wika ni Trill kaya ngumiti na lang din ako.

Napatingin ako kay Clesea nang hawakan ako nito sa kamay. "I'm so sorry, bee."

Agad akong ngumiti para makampante siya. "No, it's okay, sumama ka na sa akin, please."

Nakangiti siyang tumango kaya sabay-sabay kaming lima na lumabas ng condo ko. Nagmadali kami sa pag-alis.

Master Morris' POV

Agaran akong napatingin sa aking pinto nang pumasok ang isa sa aking mga bodyguards.

"Master Morris, Jowl has news about your daughter." Tukoy nito sa anak kong si Aziria na matagal ko nang pinapahanap.

"Let him in."

Pumasok ang aking isang bodyguards, yumukod siya at bumati sa akin. "Good afternoon, Master Morris."

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon