Chapter 6

2.4K 51 2
                                    

I just finished my lunch alone even if I asked the maids who are present in the dining area to join me and one of them told me that Dad expects me to join him for dinner later tonight. Nothing more than that was said afterwards so it got me thinking of why.

Madalas naman ay hindi talaga kami sabay na maghapunan dahil pagdating palang ng alas-sais ay gutom na ako at siya naman ay late na umuuwi galing trabaho. Madalang lang kami sabay kumain kapag umuuwi siya ng mas maaga o kapag kaya kong tiisin ang gutom.

Dahil wala akong ibang magawa sa bahay ay napaisip tuloy ako buong maghapon kung bakit at kung may nagawa ba akong hindi kanais-nais kagabi sa bahay ng mga Montecillo.

I was nice to the Montecillo Family last night except for one person who irritates me but they didn't know that. We talked out of hearing distance and away from them so Dad wouldn't really know that something wrong was up with us.

Kung wala naman akong maisip na hindi magandang ginawa ko na hindi nagustuhan ni Dad kagabi ay sigurado ako na may agenda na naman siya na hindi ko magugustuhan, but joining him for dinner is much better than to be summoned in his office.

I can only remember thrice or twice when I was a bit younger when Dad summoned me in his office. Pinagsabihan niya lang ako noon then I cried the whole night in my room. I can't really remember why and all I know is that I was always a good girl.

Nag-abang ako sa sala sa pagdating ni Dad nang dumating ang alas-sais and when I heard that his car is already outside, I quickly stood up from the sofa and walked into the foyer to greet him.

I smiled when he entered and kissed his cheek. "Good evening, Dad."

He smiled back and greeted me saka niya ako niyaya papunta sa dining area kung saan nakahanda na ang aming hapunan.

Umupo siya sa kabisera at ako naman ay sa kaliwa malapit sa kanya. Hindi muna ako nagsalita and tried to gauge his mood.

Mukha naman siyang masaya dahil binati niya pa ako nang batiin ko siya kaya inumpisahan ko sa mababaw at normal na usapan.

"How's work, Dad? Did you eat lunch on time?" I asked, concerned about his health.

"A bit late." Pag-amin niya sabay tingin na bahagyang nakangiti sa akin. "Maybe you could bring me lunch at work so I wouldn't forget to eat on time."

Alam ko na nanlalambing lang siya at nakokonsensiya na naman ako dahil dapat talaga ay inaalagaan ko na si Dad. Hindi na rin siya bata and someone needs to look out for him lalo na ngayon.

Bibigay na sana ako sa kanyang lambing ngunit pagbalik ko ng aking tingin sa kanyang mga mata ay may bahid iyon na kung anong agenda. It's not a pure tease or affection towards me.

Gusto niya noon pa na matutunan ko kung paano patakbuhin ang kanyang kumpanya at alam ko na isa itong patibong para mapapunta niya ako roon dahil hindi niya ako mapilit sa bagay na iyon.

I already told him that I don't want to run the company. Malulugi lang iyon sa akin dahil wala akong alam sa negosyo niya at hindi iyon ang gusto kong gawin. Wala ang puso ko sa mga bagay na gusto niya para sa akin kaya hirap na hirap ako kahit gusto ko siyang pagbigyan sa lahat ng gusto niya.

Shouldn't it be a give and take situation? Because I can see that it's not a fair trade. Kahit na maliit na bagay nalang galing sa kanya ay wala pa akong nakukuha.

Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya kayang hayaan ako sa mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko. How would I spread my wings kung una palang ay tinali na niya at ngayon ay balak pa niyang putulin?

"Maybe, I can just text or call to remind you to eat lunch when the clock hits twelve?" Medyo peke kong ngiti trying to not blow the light conversation we are having. My question is out of my concern for him but he hits hard.

Bound by Crown (Boundless #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon