Chapter 29

1.4K 28 6
                                    

Everybody's eyes are on the way of the door waiting for him to come inside and even Dad turned to see who's there that just arrived. I didn't have to look and turn that way to know who came. Malakas ang pakiramdam ko dahil ramdam ko rin ang muling pagtibok ng aking puso na natigil simula ng gabi na iwan niya ako sa aming party.

"Mom, Dad," He greeted in his very handsome voice that I always love hearing. 

Tita Isabel kissed his son's cheek at sunod naman siya na nagmano sa kanyang ama at pati rin kay Dad. Hindi ko siya nilingon o ano at inilayo ko pa ang tingin ko sa kanya at humarap banda kay Dad para umiwas.

Sakto naman na nagpakita na ang kanyang lolo at lola nang maramdaman ko ang kanyang titig sa aking likuran saka na kami inaya papunta sa kanilang dining area kaya sumunod naman ako kaagad para hindi na maiwan sa tabi ni Vladimir na mag-isa.

His grandparents wanted this dinner dahil hindi sila naka-attend sa aming engagement party noong isang araw dahil nagkasakit ang Lolang Montecillo at ayaw naman nila itong i-move para makadalo sila.

As much as I want to be away from Vladimir from what happened just to save my face and heart for further torture ay hindi ko naman siya maiiwasan lalo na at binding pa rin ang kasunduan na ito.

Kung bakit nakatali pa rin kami dito ng ganito katagal ay hindi ko pa mawari at wala na rin akong alam sa kanyang plano para hindi matuloy ang kasal. We are getting closer on walking down the aisle and it's making me scared for thinking a lot of things.

Naupo ako sa tabi ni Dad sa dining room at nagulat naman ako na tinabihan ako sa kabilang gilid ni Vladimir. Nagkatinginan pa kami bago siya maupo pero mabilis ko rin na inalis ang aking mga mata sa kanya.

As usual, si Tita Isabel ang gumagawa ng usapan dahil sobrang tahimik sa hapag. Halos hindi na rin ako makasubo dahil sa aking katabi. Sasagot naman ako paminsan sa Lolang Montecillo kapag may naitatanong ito pero maliban doon ay wala na akong imik.

I didn't needed Vladimir's input until wedding topic is thrown on the table. Pagkatapos ng sinasabi nilang successful na party ay kailangan ng masundan ng kasal at kailangan na itong ayusin sa lalong madaling panahon.

Bumilis ang tibok ng aking puso sa kaba. Hindi ko na rin alam ang isasagot ko sa bagay na iyon dahil wala naman talaga iyon sa aking isip. Hindi ko naman matingnan ang aking katabi para humingi ng tulong pero sa unang beses ay nagsalita rin siya para sa aming dalawa.

"Don't you think it's too soon, La?"

"What's next for engagement? Kasal nalang ang kulang," sagot naman ng Lolang Montecillo na parang wala lang sa kanya ang kasal at minamadali pa kami sa hindi ko maintindihan na rason.

"We were actually planning to celebrate with friends which we haven't had the chance to do." Patama niya na napalunok nalang ang kanyang Lola. "Maybe you can give us that chance, Mom, Dad, before we dive in to wedding details." Vladimir pressed his case to delay the wedding.

"Yes po." I agreed, backing him up. "Besides, I have a plan on my own that I have to do before the wedding. My friend is still in Canada."

I looked at Dad for more back up and he nodded that gave me a relief. Si Tita Isabel naman ay nangiti sa akin despite the scowling face of the Lola Montecillo in front of me na hindi ko nalang masyadong binigyan ng pansin.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit atat ang Lola niya sa kasal. I actually can't figure out anyone on this table. Kung ano ba ang iniisip nila sa lahat ng bagay na ito dahil kung ako ang tatanungin, simple lang naman ang gusto ko.

Gusto ko lang malaman ang dahilan kung bakit may kasal na ganito para alam ko rin kung paano ako makakatulong. I hate living in the dark and I guess Vladimir doesn't know anything too just like me because if he does, sinabihan na niya ako para magawan namin ng paraan.

Bound by Crown (Boundless #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon