Chapter 31

1.7K 33 4
                                    

The four of us are all standing in the waiting area of the lavish hotel where Dad has checked us in. It's not surprising that Vladimir also knew about this plan kaya may reservation din siya, but this wasn't included in my plan.

Originally, I was supposed to convince Dante after meeting up with my bestfriend at the airport that I will stay in her apartment kahit isang gabi lang so we can catch up but I was left speechless with what Vladimir has said so here we are.

Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako at hindi makapagsalita dahil sa nangyari kaya hindi ko masagot at maasikaso ang aking kaibigan na panay kalabit sa akin. Napapailing nalang ako pero wala pa rin iyon na epekto dahil tulala pa rin ako at lumalakbay ang aking kaluluwa.

Umakyat kami lahat sabay-sabay sa kung saang floor ang aming mga kuwarto. Sa pinakadulo ng hall ang sa akin, katabi naman ng aking kuwarto ay ang kay Dante at kaharap na kuwarto ng sa akin ay ang kay Vladimir.

Vladimir opened the door of my room for me and gestured for me para mauna. Nang hindi ako agad nakagalaw ay tinapik naman ako ng patago ni Erynn sa likuran saka na siya naunang pumasok sa aking kuwarto.

"Get in now and lock the door after." Utos niya na agad ko naman sinundan pero napahinto ako sa may hamba ng pintuan nang marinig siya muling magsalita. "Tell me if you will go out tomorrow." Dagdag niya sabay pasok ng aking maleta sa gilid ng pintuan.

"Why?" Tanong ko naman ng wala sa sarili.

"Just do it."

I didn't bother to answer him anymore because it's useless and I can't converse to people properly at the moment. I just annoyingly looked at him before I closed the door on his face.

Kahit pa na utos o bilin iyon ni Dad sa kanya, na bantayan ako ng maigi, I won't do it. I'm crazy if I will tell him about my plans on meeting Owen. Hindi ko siya isasama sa plano kong iyon at tatakasan ko pa sila ni Dante nang hindi nila nalalaman dahil alam ko naman na pareho sila na hahadlang.

"Loo! Get in here!" Sigaw ng aking kaibigan na nagpabalik sa aking katinuan.

Tamad ako na naglakad papunta sa kama na king size bed kung saan rin siya nakaupo sa may bandang dulo saka ako dire-diretso na humiga ng nakadapa. I feel so drained emotionally and physically not just from the flight.

"Loo."

Naramdaman ko ang bahagyang pagtusok ni Erynn sa aking braso pero hindi ako gumalaw at hindi ko rin siya sinagot. Wala pa rin ako sa tamang isip dahil sa sinabi ni Vladimir na iyon na lamang ang umiikot sa aking isipan. I don't know but he greatly affects me in just that one simple line.

"I thought you're just hopeless but after seeing you with him for just an hour or so, I can say that you're more than that. Irredeemable. God, Sophie. You're not this hopeless with Owen."

I turned my head to the side to look at her without masking anything on my face. I'm all out to her and if I'm that hopelessly looking in front of her when I'm with Vladimir, paano pa sa iba? Ang lalaking iyon nalang yata talaga ang hindi nakakapansin na hulog na ako sa kanya.

Still, it's on my advantage that he doesn't know and see what I feel for him. Bukod sa nakakahiya, hindi rin tama ang pagkakataon.

"I need help, don't I?" I said with no hope in my voice because I admit that I am crazy when Vladimir's around.

"The only one that can save you is you."

She didn't judge me for my feelings toward Vladimir and she didn't bombard me with questions after. Pinahilamos nalang niya ako saka pinagpalit ng damit at niyaya na na matulog dahil mahaba pa ang aming araw bukas.

Bound by Crown (Boundless #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon