Chapter 25

1.6K 30 3
                                    

As the peaceful days continue, mas hindi na rin ako sobrang nababagabag dahil sinabihan ako ni Vladimir na babalik na siya ng Maynila bukas ng umaga. At least, I'm not going to be alone now and there's gonna be eyes and ears in the home of Montecillo.

I haven't heard from Tita Isabel and any others from the Montecillo side and I am much complacent when Vladimir is around.

Unlike before that he doesn't really text or call me even after some moments, ngayon na kahit wala naman siyang kailangan sabihin o ipaalala ay kinokontak na niya ako. Madalas ay tinatanong lang niya kung ayos lang ako kahit wala naman akong nababanggit sa kanya.

Siguro ay concern din siya sa nangyayari rito at gusto niya rin na maging updated lalo na at malayo siya. I don't want to read between the lines. There is nothing on it and I'll keep telling that to myself until I get over it.

Naging kampante ako buong araw at maayos pa ako na nakapanood ng iilang movies sa aking kuwarto without having other thoughts. I concentrated on all the films I've watched and listed all the good ones so I can recommend it to my best friend.

I don't know how long I was watching until I fell asleep in the middle of the action fantasy movie that I am watching. Pag gising ko sa umaga ay nakadapa na ako sa aking kama still facing the television pero nakapatay na iyon.

Ang phone ko ang agad na nasa gilid ng kama ang aking tinignan bago tumayo at hindi naman ako nabigo dahil may isang text sa akin si Vladimir na ilang minuto pa lang ang nakakalipas.

Bipolar Ass, really?:
On my way home.

Me:
Good morning! Don't forget my present. 😁

I replied back immediately. I don't know if he will see my message before they travel back home because I know he will be the one who is going to drive, and when a few minutes passed that I haven't received anything back from him ay tumayo na ako.

Nagbihis muna ako ng mas presentableng damit pambahay saka bumaba dala ang aking phone at sinilip ko ang kusina kung saan nakita ko na busy ang lahat ng mga kasambahay doon.

Hindi ko na sila inistorbo pa at saka ko sunod na sinilip ang opisina ni Dad. It's empty and if he is not here, there's only one place he would be at. That means, he is at work.

Pumasok pa rin ako sa loob at hinayaan ang pintuan na nakabukas saka umupo sa swivel chair ni Dad. Kinuha ko ang album ni Mom sa drawer and browse all the pictures.

I've been doing this too from time to time but the stray picture at the back is already gone. Wala na ang nakaipit na litrato noon sa lahat ng pahina. Siguro ay itinabi na iyon ni Dad. Hindi naman kasi importante at parang random shot test lang.

May kumatok sa pintuan kaya bigla akong napatingin roon at si Dante na nakaayos, like how he is everyday wearing his less formal uniform unlike how Dad's bodyguards are always wearing suits, ay may hawak na isang bouquet sa kanyang kaliwang kamay.

"Delivery for you, Miss," He said casually and entered the room even though I didn't gave him permission to. Guess he already feels welcome and comfortable here at home sa tagal na rin niyang nandirito.

Nag-ekis ako ng aking mga kamay at sumandal sa upuan leaving the album on top of the table. "I'm not your girl, Valmonte."

"From your man." He smiled and put down the bouquet of roses on top of Dad's clean desk.

Hindi ko napigilan ang mangiti pero kahit papaano ay napigilan ko naman. Iyon nga lang ay halatang nakita na niya kaya kung makangiti siya sa aking harapan ay parang nang-aasar pa kaya nangangati na naman ang kamay ko na suntukin siya para mawala ang nakakairita niyang ngiti sa mukha.

Bound by Crown (Boundless #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon