Chapter 18

1.6K 29 0
                                    

Waking up with a new sense of direction and another purpose, I am eager to have another Dad-Daughter bonding.

Yesterday was fun and easy going. Dad didn't push and touch Vladimir's topic again after laughing so hard at me for falling down on the sofa. We just talked about Mom. How they met, first impression, and down to having me. It was all good and happy stories.

It's Sunday and he will surely be at home downstairs in his office where he always is. Nabitin pa ako kahapon at susulitin ko ang buong araw ngayon na mayroon ako sa kanya. I'm so glad we are okay now, sana ay patuloy ang ganito kahit na sagabal ang pesteng kasal sa amin. Iyon lang naman kasi ang hindi namin pinagkakasunduan.

Pagbaba ko ng hagdan ay agad ako na binati ng isang kasambahay at itinuro ang living room. May padala raw sa akin ngayong umaga at ang aga-aga ay kumunot agad ang aking noo.

"Bagong dating po, para po sa inyo." Dagdag pa nito at nagpasalamat nalang ako sabay silip sa aming sala.

Iyon agad ang aking nakita at imbis na matuwa ay napaismid nalang ako. Bulaklak na naman and this time, it's a bit bigger than the bouquet he sent me last time dahil naka-basket ang mga bulaklak ngayon.

Hindi ko alam kung bakit hindi siya napapagod na magpadala ng ganito dito gayong wala namang magandang epekto ito sa akin at wala rin naman siyang makukuha sa pagapapadala ng ganito.

Naiinis lang ako lalo dahil kung sa tingin naman niya ay mawawala ang galit ko sa kanya sa pa-bulaklak niya, well, nagkakamali siya. Naalala ko lang lalo kung bakit ako naiinis.

Nilapitan ko ang basket pero hindi ko hinawakan o ano. Tinignan ko lang ang mga bulaklak na maganda ang kulay. Sayang at ang ganda pa naman nila tignan pero nawawalan ng kuwenta dahil sa nagpadala. There is no card para mas lalong sirain ang araw ko, good.

Hinayaan ko ang basket sa ibabaw ng coffee table saka na ako nagpunta sa office ni dad. Kumatok ako ng isang beses hanggang sa nakatatlo ako pero walang sumasagot kaya sumilip na ako sa loob at napakunot ng noo dahil walang tao o kahit anino roon.

He wouldn't work on a Sunday, would he? But that is also possible. Knowing dad, workaholic na siya ngayon.

Sinara ko ang pintuan ng kanya opisina at naglakad sa kung saan sa bahay hanggang sa may makita ako na security na pakalat-kalat sa loob.

"Excuse me, Sir. Have you seen my Dad?" I asked and he turned to face me.

"Good morning, Ma'am Sophia," magalang na bati nito pabalik. "May nilakad lang po sandali pero babalik din daw po kaagad."

"He said that?" I asked in assurance.

When he goes out that includes work, madalas ay oras na siya nakakabalik at isang araw kami na hindi nagkikita.

"Opo." Tango naman nito na parang sinabi ko na nagsisinungaling siya samantalang gusto ko lang naman na makasigurado. "Ito, Ma'am. Alam din po ni Dante." Hanap pa niya ng kakampi na tinuro ang paparating na head ng aking security detail.

Lumingon ako ng walang interes at pabalik sa aking kausap saka ngumiti nalang ng peke. Another person who can ruin my day. Great!

"Thank you, Sir."

Bago pa ako makaalis ng tuluyan ay nakalapit na si Dante at sinabihan ako na umalis nga si Dad at nagsabi pa na kung gusto ko raw na umalis ay nakahanda sila para dalhin ako kung saan ko gusto.

Ngayon lang ulit kami nagkita pagkatapos ng party na inihanda ni Dad noong isang araw. Tinakas ako sa kanya ni Vladimir panandalian at nakita na lamang niya ang huling pangyayari.

Bound by Crown (Boundless #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon