Hindi ko nalaman ang napag-usapan nila Dad noong naganap na dinner nila outside with the Montecillos except the guy who is always late. I didn't even get an inkling of that meeting and I am anxious to know what was that all about.
Kahit gusto ko na alamin ay hindi ko naman outright na matanong si Dad dahil baka maghinala siya ng kung ano at lalo pa niyang itago sa akin ang kanilang balak. Isa pa, they need to say something to us if may ganap dahil kami naman ng lalaking Montecillo ang involve, but so far ay wala naman nababanggit si Dad sa akin na kahit ano so I am guessing that it's all pleasure or business that they just talked about.
Ang sabi ng lalaking Montecillo sa akin ay wala naman dapat na ikabahala, pero natatakot ako na baka biglain nalang nila kami na mangyayari na pala ang engagement party at hindi man lang kami makakatanggi.
Gusto ko pa rin na maging handa pero wala naman akong maisip na pang-counter kung sakali man. Umaasa nalang ako sa pagiging ready na sinasabi ng aking kasabwat.
Nang makasabay ko si Dad sa dinner ilang araw ang nakalipas ay nasabi niya sa akin ang magaganap na intimate dinner sa bahay ng mga Montecillo nitong darating na weekend at agad na naging active ang aking utak.
Kinabahan pa ako nung una pero nawala naman ng kaunti nang sabihin niya na birthday celebration iyon ni Tita Isabel.
I have to confirm it through my ally dahil naghihinala pa ako na baka patibong lang iyon at may iba silang agenda pero even if it's really true, hindi pa rin malayo na may segway na mangyari.
Knowing our family, basta magkasama ang Montecillo at Montallana kahit saan pa iyan ay hindi malayo na mayroong agenda o plano na mabubuo.
Isang araw bago ang party, I asked Dad if he already has a gift to Tita Isabel because we can't just go empty handed. I think It's just proper to give something to her especially it's a birthday party.
Nang sinabi niya sa akin na wala pa siyang kahit ano para kay Tita Isabel ay nagpresinta ako kaagad na magpunta ng mall para mamili ng regalo dahil naiinip na rin ako sa bahay pero I didn't have to say that to my Dad.
Kailangan ko naman na may makitang ibang lugar at tao dahil nakakabaliw na sa bahay kahit nag-eenjoy naman ako na manuod ng tv buong maghapon.
Nagpunta ako sa mall kasama ang ilang security na lagi kong kasama kapag lumalabas at naglilibot ako para maghanap ng magandang maibibigay para kay Tita Isabel.
I am still mindful of the people following me especially the guy I want to punch but it's more bearable than the first. Kailangan ko ng masanay sa ganitong set up.
I don't really know Tita Isabel personally and I don't want to ask the other Montecillo guy that I know for an advice or something kaya inisip ko nalang ulit si Tita Isabel at kung ano ang napansin ko sa kanya noong una at pangalawang beses ko siyang nakita.
She really dressed like a rich person but not excessively to the point that she is bragging through her clothes. Wala rin siyang masyadong accessories but she was holding a luxury bag when I first met her and kahit hindi ako maalam sa damit, I know she is wearing a branded dress that time.
A dress is safe gift I thought, a sandals too would be okay but I don't know her size on both category so it's not really a good choice right now. Branded nga ang ibibigay ko pero sayang naman kung hindi niya kasya so I need to think of something else to give her.
Napadaan ako sa isa pang branded na shop at nasagi ng aking mga mata ang mannequin sa loob sa bandang gitna malapit sa entrance na may suot na scarf and it really looks good.
Pumasok ako sa loob at saka ko tinignan ang mannequin sa malapitan and examined the scarf with my eyes saka ako napatingin sa mga mamahalin na silk shawls na malapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Bound by Crown (Boundless #1)
RomanceBoundless Series Book 1 [Completed] An only child Sophia Montallana run away from home and lived from country to country to escape her father. She thought she can outrun her life that is destined to her until she realizes that she needed to come bac...