Chapter 3

3.1K 60 1
                                    

Twenty hours flight from Montreal to Philippines with just a few hours of sleep in my big room in addition of an headache like it's splitting apart, hindi pa rin pinatawad ni Dad ang isang araw na pahinga at agad ako na pinatawag para umpisahan ang kanyang hindi magandang plano para sa akin.

Buong oras ng kanyang pagpapaliwanag habang nagtatanghalian kami ay tinatanguan ko lang siya para agad na siyang matapos dahil sobrang sakit na talaga ng aking ulo at gusto ko nalang sana na magpahinga.

Puwede naman na ipagpabukas nalang ito pero hindi ko alam kung bakit nagmamadali siya gayong nangako naman ako na hindi na ako lalayas at mananatili na ako rito sa bahay.

I guess he doesn't fully trust me yet kaya ganito siya kaatat na kahit wala pang tulog at lahat ay kailangan na niyang maisagawa ang kanyang plano bago pa magbago ang aking isip.

When he dismissed me at lunch since I don't have any questions at all, agad na akong bumalik sa comfort ng aking kuwarto sabay higa at wala pang isa ang bilang ko ay nakatulog na kaagad ako.





Nagising ako bago gumabi at akala ko ay mawawala na ang sakit ng aking ulo dahil kahit papaano ay mahimbing naman ang aking tulog pero ngayon naman ay para akong may malalang after shock ng naramdaman ko kanina.

Gusto kong pukpukin ang ulo ko sa sakit pero naisip ko pa rin na lalo ko lang bibigyan ng sakit ang sarili ko at baka mabukulan pa ako o ano kaya humingi nalang ako ng gamot para sa sakit ng ulo.

Dalawang oras lang ang nakalipas ay kinatok na ako ng isa sa aming katulong at sinabi na pinapasilip ako ni Dad kung naghahanda na ako dahil gusto niya na nasa baba na ako kasama niya kapag dumating na ang aming bisita.

Gusto kong magwala at pagsasampalin ang unang taong makita ko pero kailangan ko na tatagan ang aking loob at harapin ang pagsubok na paparating.

Nandito na ako at kailangan ko lang na ipagpatuloy ang aking plano kahit hindi ko pa buong alam ang sitwasyon. Makakawala rin ako sa sumpang ito. I know I'll get free soon enough.

Alam ko rin na kahit sabihin ko kay Dad na mahihimatay na ako ay pipilitin niya pa rin ako na makilala ang mga bisita namin kaya hindi na ako nag-inarte kahit totoo naman na masakit ang aking ulo.

I wore my dark pink knee length dress with bishop sleeves and tie-waist that match my honey skin color, then wore my 4 inches gold pumps to add on my 5'5 height.

I thought about wearing coloured contact lenses but I am too lazy to put it so I left my almond color eyes alone and just put on some mascara on my not so long but curled eyelashes.

Naghanap din ako ng kakulay ng aking dress na lipstick and put it on my full lips. Hindi ko rin nakalimutan na plantsahin ang buhok kong maitim na medyo may curls sa bandang dulo.

It's naturally wavy at kapag nag-aayos ako ay madalas straight lang ang ayos ng medyo mahaba kong buhok kapag may mga event or party na pinupuntahan. Simple pero may dating na hindi papansin o masyadong nagfi-feeling.

Pagkatapos mag-ayos, pinag-isipan ko kung lalabas na ba ako ng aking kuwarto dahil ayaw ko na makasamang maghintay si Dad.  Baka masira rin ang gabi ko sa kung ano pa ang sasabihin niya lalo na at masakit pa ang ulo ko. Isa pa, kung kailangan na ako sa baba ay sigurado naman na ipapasundo niya ako rito.

Mabuti na sulitin ko ang pag-iisa ko rito sa loob ng aking kuwarto kung saan ako malaya at nakakahinga ng maayos kahit papaano.

Habang naghihintay ay minabuti ko na tawagan muna si Erynn para kamustahin siya. Hindi ko pa siya nakakausap simula ng umalis ako sa apartment building namin at gusto ko rin malaman kung ano na ang nangyari kay Owen, pero nasabihan ko na siya na nakarating na ako ng ligtas dito sa Pilipinas.

Bound by Crown (Boundless #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon