Chapter 2 - Fenea

199 18 0
                                    

Chapter 2
Title: Fenea

* * *

Nagising ang diwa ko nang may kung anong bagay ang kumikiliti sa ilong ko at ramdam ko rin na nasisinagan ng araw ang mukha ko.

"Hmmm..." Kinamot ko ang ilong ko pero nakikiliti pa rin talaga ako. Siguradong ang letse kong kuya 'tong nangingiliti sa'kin para lang gisingin ako. "Kuya Marco naman eh!" naiirita kong sigaw at hinawi ang bagay na 'yon saka inis na bumangon na.

Iminulat ko na ang mga mata ko at handang-handa ko nang sabunutan ang bwisit kong kapatid pero isang halaman na hinahangin-hangin ang bumungad sa'kin kaya natigilan ako. "Huh?" Napatingin ako sa paligid at unti-unting nangunot ang noo ko dahil nasa isang mapunong gubat ako at katabi ko ang halaman na kumikiliti sa ilong ko kanina. "A-anong lugar 'to? B-ba't nandito ako?" Mangang-manga ako sa nakikita ko ngayon.

Nang mapatingin na ako sa lupang kinauupuan ko ngayon, nahilakbot ang buo kong pagkatao at agad akong napatayo saka pinagpagan ang likuran ng jacket at shorts ko para alisin ang mga duming dumikit doon. Ayokong-ayoko pa namang nadudumihan ang damit ko! Eew!

Busyng-busy ako sa pagpapagpag sa sarili ko nang may kumaluskos mula sa halamanan malapit sa'kin kaya napatigil ako.

"Ughh..." Narinig kong ungol ng kung ano at kumabog nang malakas ang dibdib ko sa takot na baka kung anong hayop 'yon na pwedeng kumain sa'kin sa lugar na 'to.

"Aaaaahhh!" tili ko at nagtatakbo agad ako palayo.

Ano bang nangyari at napadpad ako sa hindi ko malamang lugar na 'to?!
Kuya! Asan ka na?!

Sinubukan kong hanapin ang phone ko sa bulsa ng jacket at shorts ko pero wala 'yon doon.

Kainis! Gagamitin ko sana 'yon para tawagan si kuya at magpasundo sa lugar na 'to.

Hingal na hingal akong tumigil sa pagtakbo at napahawak pa ako sa dalawa kong tuhod sa pagkahapo. Ang layo rin ng narating ko sa takot na baka habulin ako n'ong hayop na narinig ko kanina.

Nang maayos na ulit ang paghinga ko, tumayo na ako nang maayos at pinunasan ang pawis sa noo ko. Doon, nakita ko na ang isang malaking arko hindi gaanong malayo kung saan nakasulat ang salitang Leibnis. Sa loob n'on, may mga bahay na makaluma akong natanaw kaya nanlaki ang mga mata ko.

Ayos! Magtatanong ako kung nasaan ako ngayon at makikitawag din ako para masumbong ko kay kuya ang weird na nangyari sa'kin na 'to ngayon.

Pero bago ang lahat, isinuot ko muna ang hood ng jacket ko at yukong-yuko na pumasok na sa lugar na 'to na may pangalang Leibnis. Baka kasi may makakilala sa'kin, madumog pa ako.

Nakayuko lang ako sa paglalakad at tinatakpan ko ng kamay ang ilong pababa ng bibig ko para maitago ang identity ko nang mapansin kong may mga tao na sa paligid ng nadadaanan ko. Pasimple akong tumingin sa kanila habang naglalakad pa rin para makahanap ng mapagtatanungan pero napatigil ako nang makita ko na sila nang maayos.

Makaluma ang mga damit na suot nila na isang traditional robe. Parang mga kimono na mahahaba at maluluwang ang sleeves saka iba't-iba ang kulay na ang gaganda pero bukod doon, ang unti-unting nagpalaki ng mga mata ko ay... ang mabalahibo nilang buntot sa likuran nila na kulay puti na parang sa fox at para lang mapatunayan ko na hindi ako pinaglalaruan ng mga mata ko, inalis ko na ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha ko at ang hood sa ulo ko saka pinagmasdan na silang mabuti.

Napatingin din sa'kin ang mga nasa paligid at kung gaano sila kaweird sa paningin ko, halatang ganoon din ako kakakaiba sa paningin nila.

Baka nasa set ako ng isang historical fantasy? Asan kaya director dito?

Queen and the Nine Tailed Fox ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon