Chapter 22 - He Came Back

66 10 0
                                    

Chapter 22
Title: He Came Back

Sa isang kilalang hospital sa Maynila...

Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ng isang pasyente rito. Humahalimuyak sa loob ng lugar ang amoy ng sariwang mga bulaklak ng puting rosas. Nakalagay ang mga 'yon sa isang sa vase na nakapatong sa cabinet. Sa tabi niyon ay ang higaan ng isang babaeng mahimbing ang pagtulog at may nakakabit sa kamay niya na tube ng dextrose at may nakapasok din na tube sa ilong niya na dinadaanan ng oxygen.

Napatakip ako ng bibig at kumawala na agad ang mga luha sa mga mata ko nang makita at makilala na ang pasyente ng silid na 'to. "H-hershey..." humihikbing tawag ko sa dati kong bestfriend noong highschool pa lang kami.

Siya ang kaisa-isang bestfriend ko na hindi ako kinainggitan at tinalikuran kahit sumikat na ako.

Simula nang maging sikat na singer ako, hindi nagustuhan ng dating mga itinuturing kong kaibigan ang sobrang pagiging successful ko kaya naman sinubukan nila akong siraan sa media sa kung anu-anong paraan pero si Hershey ang pumrotekta sa pangalan ko ng mga oras na 'yon. Imbis na magpasalamat ako sa kaniya, ang ginawa ko pa ay ang talikuran siya... at kalimutan.

Dahil sa pagiging busy ko, ni hindi ko na nirereply-an ang mga message ng pangungumusta niya sa'kin at hindi na rin siya makabisita sa bahay namin dahil palagi akong wala ro'n. Nawalan na ako ng komunikasyon sa kaniya at ni hindi ko na nabalitaan na nasangkot pala siya sa isang malaking aksidente apat na buwan na ang nakalilipas na ikinadahilan kung bakit siya nacomatose ngayon.

Naglakad na ako papalapit sa kaniya at walang patid ang mga luha ko sa sobrang pagsisisi sa pagkalimot ko sa kaniya kapalit ng kasikatan ko. "Hershey... I-i'm so sorry..." Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit. "N-ni hindi ko man lang alam na nangyari sa'yo 'to... S-sorry talaga..." sobrang paghingi ko ng tawad sa kaniya sa laki ng kakulangan ko bilang kaibigan niya.

Hindi ko talaga inakalang siya nga talaga na bestfriend ko noong highschool ang nabanggit ni Leigh na mapapangasawa na nito. Ang liit lang pala ng mundo naming tatlo.

Napatingin ako sa paligid at navivisualize ko ang mga oras na naririto si Leigh.

Iyak siya nang iyak sa tabi ni Hershey habang hawak ang kamay nito nang mahigpit. Doon ay nakita ko rin nang mapagdesisyunan na niyang bumalik ng Sargus para ikuha si Hershey ng gamot. Hinalikan niya muna ang labi nito bago bitawan ang kamay nito. Nakatitig pa rin siya kay Hershey nang hawakan na niya ang kwintas niya saka roon ay nawala na siya sa tabi nito.

Para tuparin na ang ipinasuyo sa'kin ni Leigh, kinuha ko ang bote ng gamot sa bulsa ng pants ko. "Si Leigh ang nagpakahirap na kunin 'to Hershey... at masayang-masaya ako na magiging bahagi din ako ng dahilan ng paggaling mo." sincere na sabi ko at binitawan ko muna ang kamay niya saka pinunasan ang mga luha ko sa paghahanda sa paggising niya.

Binuksan ko na ang bote ng gamot at doon ay ipinainom ko na sa kaniya 'yon nang dahan-dahan. Nang maubos ang laman ng maliit na bote ay hinawakan kong muli ang kamay niya habang sobrang humihiling na umepekto sa kaniya ang gamot.

Hindi naman ako nabigo dahil ilang sandali lang ay naramdaman ko ang paggalaw ng kaunti ng kamay niya na hawak ko. Dahan-dahan na ring nagmulat ang mga mata niya kaya unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa paggising niya. Agad kong idinungaw ang mukha ko sa harap niya para ipakita ang sarili ko. "Hershey!" tuwang-tuwang tawag ko sa kaniya habang walang patid ang mga luha ko.

Nakatulala lang siya sa'kin at halatang hinang-hina pa rin. "L-leigh..." nagawa niyang sabihin kaya mas lalo akong naiyak dahil katulad ko kay Gani, gusto na rin niyang makita at makasama si Leigh.

Bigla namang may nagbukas ng pinto ng kwarto kaya napalingon ako ro'n. Isang lalaki at babae na nasa mid 40's na ang pumasok dito sa loob at natigilan pa sila nang makita ako. Bakas sa mukha nila ang pagkabigla lalo na at napakatagal na ng huli nila akong makita.

Queen and the Nine Tailed Fox ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon