Chapter 8 - Zarione Cygnus

96 10 0
                                    

Chapter 8 - Zarione Cygnus

Nasa may Veranda si Gani at nakatingin lang sa malayo. Tanghali pa lang at kitang-kita rito ang napakagandang mga bulaklak sa likurang garden.

Naglalakad na ako palapit sa kaniya at habang paunti nang paunti ang distansya namin, palakas naman nang palakas ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko at napahigpit ang hawak ko sa damit ko ro'n... lalo na nang napatingin na siya sa'kin.

Napatigil ako sa paglalakad dahil naliligaligan na ako sa puso ko na mahaheart attack na yata.

Ngumiti siya nang malawak at sumenyas na lumapit na ako sa kaniya. Iniiwas ko na lang ang tingin ko saka naglakad na ulit palapit sa kaniya at tinabihan siya. "B-bakit mo ako pinatawag?" Kainis Queen! 'Wag ka namang masyadong obvious na kinakabahan ka!

"Maaari mo ba akong kantahan Queen?"

Unti-unti namang nangunot ang noo ko at nagawa ko nang matingnan siya habang takang-taka ako sa out of the blue niyang request na 'yon. Binasa ko sa mga mata niya kung nagjojoke time ba siya pero mukhang seryoso naman siya sa hinihingi niya. "Nang-iinsulto ka ba?" seryoso kong tanong sa kaniya. Ano ka ba Queen?! Ilang beses ka na niyang inililigtas!

"Hindi naman. Nais ko lamang na marinig kang kumanta. Iyon lamang talaga. Kung hindi mo nais ay hindi naman kita pipilitin."

Naguilty naman ako. Hindi pa nga ako nakakapagthank you sa kaniya.

"Tss. Maghihum na lang ako." suggestion ko dahil baka maturn off lang siya kapag kumanta ako.

"Sige." Inilapit niya ang mukha niya sa pag-aabang na kumanta ako.

Napaurong naman ako at itinulak nang mahina ang mukha niya palayo.

Shocks. Kinabahan ako do'n ah.

"Kishkishkish." pagtawa lang niya.

Nagsimula na akong maghum at isang ballad song ang napili kong gamitin pero napatigil ako dahil sumasakit ang vocal chords ko kaya napahawak ako ro'n.

"Masakit na ba ang iyong lalamunan?" nag-aalala niyang tanong at nahihiyang tumango naman ako. Kainis naman 'tong vocal chords ko. Parang hum lang, 'di pa makisama.

"Nagsisigaw kasi ako kanina kay Hilva kaya masakit lalamunan ko pero 'wag ka nang magagalit sa kanila. Nagsorry na rin naman sila sa'kin."

Nakatitig lang siya sa'kin at napahinga siya nang malalim saka tumingin na muli sa malayo. "Huwag kang mag-alala dahil maganda na ang magiging trato nila sa iyo. Bukas din ay kailangan ko muling umalis ng Leibnis."

Ito na naman ang uncomfortable feeling na naramdaman ko noong una siyang magpaalam na aalis siya pero ngayon, mas lumala 'yon. "Saan ka na naman pupunta? Saka kailan ka babalik?"

"Sikreto pa rin ang bagay na iyon at sa aking pagbabalik, sa aking tingin ay aabutin ako ng hanggang tatlong araw."

Namilog naman nang sobra ang mga mata ko. "Ano?! Bakit ang tagal?!" Maisip ko pa lang na hindi ko siya makikita nang ganoon katagal dito sa bahay, lumalala na ang uncomfortable emotion na namumugad sa dibdib ko.

"Kishkishkish. Halatang-halata na hindi mo ako nais umalis." Ginulo niya pa ang buhok ko kaya narealize ko naman na halata nga na desperate ako kaya napaiwas ako ng tingin. "May mahalaga kasing bagay akong inaasikaso sa labas ng bayan ng Leibnis at kahit naisin ko na manatili rito, kailangan kong gawin iyon."

Hindi na ako nakaimik.

"Ika'y magpahinga na sa iyong silid dahil nabatid ko na ilang gabi kang hindi nakatulog nang maayos sa pag-aalaga sa'kin at ako'y magpapahinga na rin muli."

Queen and the Nine Tailed Fox ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon