Chapter 6 - Cure For The Wound

128 9 0
                                    

Chapter 6
Title: Cure For The Wound

Kinabukasan...

Naglalakad na ako ngayon papunta ng bayan at ang totoo, tumakas lang ako sa mga servants ni Gani. Naiinip kasi ako sa kwarto ko. Wala ba naman ang phone ko para makapag-internet man lang ako o ano. Nakatulala lang ako sa veranda ng bahay kaya naisipan ko na lumabas muna.

Mamayang hapon pa raw si Gani uuwi pero uunahan ko na siya sa paggagala rito sa bayan. Akala niya ha. Independent kaya akong babae.

Bago nga rin pala ang damit ko na kulay dilaw ang top at peach naman ang mahabang palda. Favorite color ko ang peach kaya gustong-gusto ko talaga 'tong damit ko na 'to ngayon. Ang ganda rin ng floral na sapatos ko na parang doll shoes na gawa sa makapal na tela kaso hindi nga lang makikita sa haba ng palda ko. Nakalugay pa rin ang mahaba kong buhok at may panibagong clip ulit na maganda ang nakaipit doon.

Ayos na ayos ulit ako pero ako na ang nagpaligo at nag-ayos sa sarili ko ngayon 'di tulad kagabi.
Balik na naman kasi sa pag-attitude sa'kin ang mga servants na 'yon. Mga pakitang tao kay Gani, kainis!

Mukhang once ko lang mararanasang tratuhin dito na parang prinsesa at kagabi lang 'yon.

Sa bagay, ano bang aasahan ko? Alipin ako ng Gani na 'yon at mukhang mas mababa pa ako sa status ng mga servants niya. Tss.

Buti na lang, nakakain na ako ng almusal. 'Di nga lang 'yon katulad n'ong kinain namin ni Gani noong una akong makarating ng bahay niya at ng mga inihahain sa'kin kapag nasa bahay siya.

Masyadong nilulubos-lubos ng mga servants ang pagganti sa'kin porket wala si Gani. Tch! Pagbalik lang talaga ni Gani, ako naman ang babawi sa kanila.

Napabalik na ang lumilipad kong isip sa'kin nang marinig ko na ang ingay ng paligid at mukhang narating ko na ang pinakaplaza nitong Leibnis.

Namamanghang napatingin ako sa paligid sa dami ng mga tao—Gisune na nandito. Abalang-abala sila sa mga ginagawa nila. May mga nagtitinda ng prutas at kung anu-ano at may mga bumibili naman. May mga bata ring naglalaro sa paligid at may mga naglalakad katulad ko.

Halatang ang saya-saya nila at kuntentong-kuntento sila sa pamumuhay nang ganito dito sa Leibnis.

Patuloy lang ako sa manghang pagtitingin-tingin sa paligid... "Hindi mo ba nais na ipagpahinga muna ang iyong isipan dito?" biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Gani.

"Laging masama ang loob mo sa inyong mundo dahil maraming nakakakilala sa iyo roon at nakakaalam kung ano ang nangyari sa iyo ngunit dito, makakaakto ka kung sino ka talaga nang walang manghuhusga sa iyo. Wala ring may paki sa nasira mong tinig dahil hindi naman nila batid iyon."

Tama siya. Ni wala ngang pumapansin sa'kin dito. Walang nagbubulungan tungkol sa pagbagsak ng career ko at walang nanghahabol sa'kin para kunan ako ng pictures.

Unti-unti akong napangiti.

Sa unang pagkakataon, nasasayahan na ako na walang nakakakilala sa'kin sa lugar na 'to. Na walang sumisigaw sa pangalan ko at nagtatanong kung kailan ba ulit ako makakanta.

"Sa loob ng buwan na iyon, aliwin mo muna ang iyong sarili sa pananatili rito sa bayan naming mga Gisune. Isang magandang ideya, hindi ba?"

Hindi naman masama kung susundin ko ang advice niya. Bago naman ako mapadpad dito, plano ko na talagang pumunta sa isang lugar na walang nakakakilala sa'kin at nakakaalam ng nangyari sa'kin. Mukhang ito na ang lugar na 'yon kaya e-enjoyin ko na ang pag-stay muna rito.

Lumawak na ang ngiti ko at excited na nagshopping—window shopping pala dahil wala naman akong pera na ginagamit nila sa mundong 'to kaya hindi ako makakabili.

Queen and the Nine Tailed Fox ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon