Chapter 7 - A Fox's Tail

105 11 0
                                    

Chapter 7

Title: A Fox's Tail

Dalawang araw ang makalipas...

Nakatitig lang ako ngayon sa mukha ng mahimbing na natutulog na si Gani. Sikat na sikat na ang araw ng umaga pero tulog pa rin siya at ang paya-payapa ng expression niya na parang hindi kami nanggaling sa life and death situation nitong nakaraang dalawang araw.

Inangat ko ang kumot niya para tingnan ang sugat na natamo niya nang gabing 'yon. Nakabenda ang kaliwang balikat niya kung saan siya sinakmal ng leon at hanggang braso niya 'yon.

Naalala ko ang nangyari nang gabing 'yon. Nagawa niya pa akong mabuhat hanggang makabalik kami ng Leibnis at nang makarating na kami, nawalan na siya ng malay. Humingi kaagad ako ng tulong para magamot siya at dali-dali naman siyang dinala sa manggagamot ng mga Gisune na nahingian ko ng tulong.

Tinanong din nila ako kung ayos lang ako dahil duguan din ako pero ipinaliwanag ko na dugo 'yon ni Gani na umagos sa'kin. Nakahinga sila nang maluwag na wala akong tinamong sugat dahil wala raw silang kakayahang gamutin ang taong katulad ko. Tinanong din nila kung ano ang nangyari at sinabi ko ang totoo na iniligtas ako ni Gani sa leon kaya siya nagkaganoon.

Pagkatapos siyang gamutin, dinala na siya rito sa bahay niya at in-advice-an ako na dalawa hanggang tatlong araw pa ang kailangan niyang ipagpahinga bago humilom ang ganoong kalalim na sugat niya at magising.

Simula noon, isa ako sa nag-aalaga sa kaniya nang mabuti. Kaunti na nga lang, hindi na ako umalis sa tabi niya at kahit sa gabi, sa sulok ako ng kwarto niya natutulog habang nakaupo para lang madulutan ko agad siya kung sakaling magising siya ng gabi.

Ako naman ang may gawa kung bakit siya nagkaganito... kaya nararapat lang na ibalik ko ang tulong na ibinigay niya.

Sobrang asikaso rin ang ginagawa ng mga servants niya para sa kaniya at alam ko na kahit kating-kati na silang alamin kung bakit nagkaganoon siya, hindi sila nagtatanong sa'kin.

Dahan-dahan kong dinampian ng pinigaang tela ang mukha niya para linisin 'yon nang mapatingin ako sa mga labi niya.

Bigla kong naalala ang paghalik niya sa'kin no'ng buhat-buhat niya ako kaya nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko sa pagwawala ng puso ko sa loob n'on.

"Mayamaya lamang ay maghihilom na ang sugat mong iyan." naalala kong sabi niya pagkatapos akong halikan. Ngiting-ngiti pa siya.

Napahawak ako bigla sa mga labi ko at naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

Totoo nga ang sinabi niya dahil pagkabalik namin dito sa Leibnis, nawala na ang sugat dito sa labi ko.

Nagflash ulit ang paghalik niya sa'kin na 'yon at natandaan ng memory muscle ko sa labi ang lambot ng mga labi niyang dumampi ro'n kaya ipinilig ko ang ulo ko para alisin na 'yon sa isip ko.

Hindi ko namalayan na isang ngiti na pala ang puminta sa mga labi ko at pinagmasdan ko ulit siya. "Salamat Gani. Kahit napakasama ko sa'yo, iniligtas mo pa rin ako. Maraming-maraming salamat." Inilapit ko ang mga labi ko sa noo niya at ginawaran 'yon ng isang halik.

Napangiti muli ako nang biglang bumukas nang malakas ang wooden sliding door ng kwarto nito ni Gani kaya napatingin ako sa taong nagbukas n'on.

Isang babaeng may napakahabang color purple na buhok na nakabraid ang nakita ko. Kahit na walang ekspresyon ang mukha niya, bakas na bakas naman sa mga mata niya ang sobrang galit na sa'kin nakatutok.

* * *

"Bitiwan n'yo 'ko! Ano ba?! Nasasaktan ako!" pagpalag ko sa mahigpit na hawak sa'kin ng dalawang babaeng servant ni Gani.

Queen and the Nine Tailed Fox ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon