Revenge # 10

61 1 0
                                    

A/N: Picture ni Ian -->

IAN'S P.O.V

Nag da-drive na ako pauwi nayon. Pero, di ko maiwasan isipin yung mga nangyari kanina. Oo masaya naman ako, kase natuwa naman siya kahit papano.

Pero bakit ganon? Kahit official na kame, parang may mali. Hindi na parang katulad siguro ng dati. Yung tipong, ang dating siya.. Na palagi naka ngiti pag kasama ako, at interesado sa lahat ng bagay na kine-kwento ko.
Hindi ko naman siya masisisi. Kung bakit siya nag bago ng ganon. Dahil sa mga ginawa ko sa kanya noon..

Flashback..

Nag uusap kami ni Margareth, tungkol sa pinapagawa niya saken.

Matagal ko na siyang nililigawan. At hanggang nayon, hindi niya parin ako sinasagot.

"Sige ganito. Gusto mo'ng sagutin kita diba? Ligawan mo yung new classmate natin. Ayun oh. Yung nerdy girl."

Nagulat ako sa sinabi niya. Di ko naman gawain mang-loko ng mga babae. Pero para sa kanya, gagawin ko iyon.

"Then, kapag napasagot mo siya. Paabutin mo yung relationship niyo in one year."

What the fvck? Ilang months nako nanliligaw kay Margareth tapos papaabutin ko pa ng isang taon?!

"Kapag naka-abot kayo ng 1 year, makipag break ka sa kanya sa mismong anniversary niyo."

"Seryoso ka?"

"Yes I'm serious. Kapag nagawa mo yan, girlfriend mo na ako."

Yun naman pala e.

"Ok. Deal."

"Now. Umpisahan mo ng lapitan si Eris."
END OF FLASHBACK

Kaya yun. Ginawa ko ang mga sinabi ni Margareth. Niligawan ko si Eris, naging kame. Naka abot kame ng isang taon.

Niyaya ko siya sa usual spot namen kase anniversary namin. At nakita niyang kahalikan ko si Margareth. At sinadya kong yun ang madatnan yun.
At instant, kami na ni Margareth nung anniversary namin ni Eris.

Pero seryoso na ako sa kanya nayon. Hindi ko siya niligawan para saktan o paiyakin uli. Para, ipakita ko sa kanya na mali akong sayangin ang isang katulad niya.

Di ko namalayan na nandito na pala kami sa subdivision namin.

Di nag tagal nandito na din ako sa tapat ng bahay namin. At pumasok na ako, at dumeretcho na agad ako sa kwarto ko.
Nang nakahiga ako sa higaan ko, hindi ko maiwasang hindi maisip yung pag halik sakin ni Eris sa pisngi kanina.
Teka, itigil ko na nga yung pagka-nega ko. Siguro kaya siya nagmamadali umuwi, maybe she's not feeling well. Kaya parang hindi siya interesado sa kine-kwento ko.

Makapag selfie nga muna -__-

*click*

Fvck. Ang pogi ko.

A/N: Selfie ni Ian-->

Makapag facebook na nga muna, para medyo mawala lahat ng iniisip ko.
Mag s-status muna ako..

Thank you for accepting me again Eris. I have a great night with you babe. Till next time. I love you. with-- Eris Summer Dela Vega.

Likes • Comment • Share

Wala pang ilang minuto.. Chineck ko ulit yung facebook ko. Wala pa'ng ilang minutes ang dami na nag commment and likes.

Thank you for accepting me again Eris. I had a great night with you babe. Till next time. I love you. -with Eris Summer Dela Vega

467 Likes • 258 comments • 100 share

Tinignan ko yung mga comments..

Eris Summer Dela Vega: No prob. Yeah till next time babe. I love you too!

Kaunting salita lang ni Eris ewan ko ba, alam ko nakakabakla pero kinikilig ako. Fvck.

Tinignan ko pa yung ibang comments.

Chesca Monte Verde: Nice one girl.

Margaux Veltron: Kyaaa!

Raven Michelle: Kailangan mo mag kwento samin Eris!

Pero may mas nakaagaw pansin ako sa mga nag comment..

Ethan Stephen Buenavista: What's this? We need to talk.

Fvck. My great brother.
--
NATASSJA'S POV
I'm here at my condo unit. Kakarating ko lang kasi from our company. Kailangan ko na din kasi sanayin yung sarili ko kung ano yung ginagawa ng mama ko as C.E.O. So, nag pa-practice na ako.

Bali, ako na din yung temporarily CEO ng company.
Nag su-surf ako sa net. Actually, yeah facebook.

Scroll..Scroll..

Stop.

Meron akong napansin na status at tinignan ko kaagad yun..

At..

O__O

Ian Nataniel Buenavista

Thank you for accepting me again Eris. I had a great night with you babe. Till next time. I love you! with-- Eris Summer Dela Vega
865 Likes • 356 comments • 230 shares

Hindi ko na tinignan yung mga comment dahil napaka dami. So sila na uli nung Ian na yon? What the hell? Di ba siya nag iisip!?

I need to go home now. I need to talk to my sister. Pero tatawagan ko muna siya.
--

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon