Revenge #23

74 2 0
                                    

ERIS POV

Kakatapos lang ng game namen. Syempre ako nanaman panalo. I mean, school namen ang panalo. Ang aga natapos, kase napaka weak nung naka match ko. Kung bibisitahin ko naman yung the girls, busy din. Kase magkasabay yung game ng volleyball and basketball. At dahil wala akong magawa papahirapan ko muna si Ian this time. Para may magawa ako.

Tatawagan ko siya..

On phone..

[Hello babe?]

"Naguumpisa na ba game niyo?"

[Yeah babe. Kanina pa]

"Pede mo ba ako dalhan ng water?"

[Ah, mag lalaro na ulit kase ako. Nag papahinga lang ako.]

"So ayaw mo?"

[Hindi naman sa ganon.]

"Pretty please?" *Paawa effect voice*

[Babe talaga. Ok. I'm on my way.]

*toot toot*

Well, with my paawa effect ay madali lang siya mapapasunod sa utos ko. First revenge, check! Now, it's time para mag isip ng panibagong pahirap.

--

IAN POV

Fvck. Pano yan. Mag sstart na ulit game. Magagalit naman saken si Eris kapag hindi ko sinunod. Mabuti nalang may bottled water na ako dito, hindi ko na kailangan bumili.

Tatakas nanaman ako. Mapapagalitan nanaman ako ng coach ko.

Papunta na ako sa back exit. Meron kasing exit sa likod. Hindi masiyado nadadaanan ng tao yon. Pagkalabas ko ng exit, kumaripas na ako ng takbo papunta sa gym ng mga tennis player.

Mabilis akong pumasok ng makita ko na ang gym nila. Pagpasok ko, agad kong nakita si Eris.

"Babe!" Sigaw ko.

"Hey babe." Sabi niya habang papalapit sa akin.

"Here." Inabot ko na sakanya yung mineral water.

"Thank you babe!" Then she hugs me. Fvck. Namiss ko yakap niya.

"No problem babe. Basta ikaw. Anyways, I need to go. Nag s-start na yung game."

"Okay babe. Bye for now! I love you." Her sweet voice. Na miss ko bigla.

"I love you more." Then I give her a peck of kiss.

Pagkatapos non tumakbo na uli ako papunta sa gym namen. Fvck. Lagot nanaman ako kay coach neto!
--
NATE POV

Alam ko hindi niyo pa ako kilala ako nga pala si Nate Philip Chua. I'm one of the Phytons. Bestfriend ako ni Ian. At ngayon, hinahanap namen siya dahil nag s-start na yung game. Malapit na siyang isali uli. Fvck. Lagot nanaman yon kay coach.

"Nate!" Paglingon ko, hay salamat nandito na si Ian.

"Fvck brad san ka ba nanggaling? Lagot ka nanaman kay coach niyan!" Sigaw ko sa kanya.

"Tangna mo brad naririnig kita wag kang sumigaw! Pinuntahan ko si Eris, dinalhan ko ng mineral water."

-_-

"Grabe naman brad, di niya ba kayang bumili?"

"Tch. Dami mong tanong!"

At tuluyan na siyang pumunta sa court. Bangko kase kaming mga magagaling. Parang last minute tsaka kame ipapasok sa game. Pero kahit na, dapat hindi na l-late si Ian. Captain pa naman namen siya.

My Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon