A/N: Picture ng the girls -->
Nagising ako bigla kasi may nag bukas ng curtains. Sino ba yung letche na yun?
"Good morning girl! Mag ayos ka na. Male-late tayo niyan."
-__-
"Nakaw Mich. Ang himbing himbing ng tulog ko bigla mo ko gigisingin."
Then padabog ako umalis. At dumeretcho nako sa bathroom.
After 10 minutes natapos na din ako maligo. Tapos nag ayos na din ako sa sarili ko. Nag bihis na. I'm wearing a black high waste shorts then plain na white blouse, tapos black stilleto.Black and white ata theme ko nayon..
"ERIS SUMMER DELA VEGA!!"
-___-
My sister.
Lumabas ako para patahimikin yung kapatid ko. Di pa nga ako nakakapag ayos ng mukha ko eh.
"Ano ba?" Irita ko'ng tanong sa kanya
"Anong oras na oh! Male-late na kayo. Ikaw nalang hinihintay. At si Ian, nasa baba. Sinusundo ka"
-___-
"Kailangan talagang sunduin ako? I have my own car naman."
"Hayaan mo na. Maganda nga yun eh, pahirapan mo. Oh siya, mag ayos ka na dun."
"Alright then." At tumakbo nako papunta sa make-over room ko.
Di naman kase ako pala-make up.
Simpleng powder lang, tapos kaunting lipstick and eye liner.
Tapos nag braid nalang ako. Tutal kaya ko naman mag braid mag isa.
Hindi naman ako katulad ng ibang students sa school namin na, grabe kung maka lagay ng make up, para lang gumanda.
After ko mag ayos, sinuot ko na yung shoes ko and ready to go na.
--
IAN'S P.O.VNandito ako nayon sa sala nila kasama yung mga the girls.
"Hey Ian. Wanna join us later?"
Biglang tanong ni Chesca.
"Ah. Eh, sure. Basta kasama si Eris."
Syempre di naman ako sasama sa kanila kung di kasama yung girlfriend ko."Syempre kasama yun. Later, sabay ka na samin. We're going to mall. As a friend of Eris.. We wanna know you better pa." Sabi nung Mich ata yun? Kasi si Chesca lang yung nakilala ko as best friend ni Eris.
"O-oh sure."
Nag kwento pa din sila ng kwento. Tapos ang dami nilang binabatong tanong sakin. Syempre naiintindihan ko naman iyon. Dahil bestfriend nila girlfriend ko.
Nagulat nalang ako ng biglang nag tanong si Margaux.
"You really love our bestfriend huh?" Seryosong tanong niya.
"Tinatanong pa ba yan? Syempre oo naman. Mahal na mahal ko yan higit pa sa buhay ko." Sabihin nating OA pero totoo yun.
"Babe!" Napalingon ako..
O__O
Fvck. Ang ganda talaga ni Eris.
Sobrang laki ng pinagbago niya. Yung pagka simple niyang tao nandun pa din. Pero ang dami talagang changes sa kanya.
"Hey babe. You look gorgeous."
Seryoso ko'ng pagkakasabi sa kanya.
"Yeah I know. Kidding! Lets go?" Pag aayaya niya sakin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Revenge
Teen FictionAnong gagawin mo pag tinapaktapakan ka lang ng mga tao? Sasaktan mo din ba sila? O tutularan mo ang buhay ni Eris Summer Dela Vega na duwag sa lahat ng bagay. INAGAWAN. INAPI. PINAGLARUAN. Dalawang taong dahilan ng kanyang pagbabago, ay nagbalik. Ia...