August Agosto

17 0 0
                                    

August/Agosto P.O.V.

"Hi love!" bati ko sa babaeng matagal ko ng mahal.

"love ka jan!" kunot noong sabi niya na ikina ngiti ko dahilan upang makita ang bilog na tinatago ko-dimple

"yeap,love. kasi love kita eh kaya love tawag ko sayo simula ngayon" nasabi ko na, na mahal ko siya. hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,masaya na kinikilig dahil sa pag amin ko at takot at kaba dahil baka ma reject lang ako.
pero sa kabila ng nararamdaman ko ay ang mga kainigan niyang tumitili dahil siguro sa kilig at tuwa na halata naman sakanilang pagmumukha.

"alam mo kasi love,dapat love rin tawag mo sa akin. alam mo kung bakit? kasi love naten ang isat isa" pigil ang ngiting gustong kumawala sa aking mga labi dahil sa pati ako ay kinikilig sa aking mga sinasabi

"nako Agosto! tigil-tigilan mo na yang mga banat mo baka banatin din kita" pagsusungit ni love sa akin. nakataas ang isang kilay ay namumula ang siopao niyang mukha,hindi ko mawari kung sa inis ba ito o sa kilig dahil sa mga banat ko

"hay nako Ishie,naguumpisa pa lang si August tapos pinapatigil mo na" sabi ng isa sa dalawa mong best friend,si Loraine

"alam mo naman kung bakit diba?" pagsusungit mo

"sya pa rin ba hanggang ngayon? ang tagal na nun,di ka pa rin binabalikan. halos isang taon ka ng naghihintay sa taong hindi sigurado kung babalikan ka pa ba" sabi ni Loraine,at sa narinig ko ay nakaramdam ako ng kirot.

*Isang taon mo na siyang hinihintay love? hindi na siya babalik dahil maninirahan na siya sa America pang habang buhay* sabi ko sa aking isipan. nakakalungkot lang na hanggang ngayon ay sya pa rin ang mahal niya.

"ah eh wag na kayo magaway" pagaawat ko sainyo

"si-sige ah alis na ako. ingat kayo" paalam ko sainyo ng may alinlangang ngiti sa aking mga labi

Kinabukasan ay napagpasyahan kong kausapin si Ishie tungkol kay Sky dahil sa ayoko ng umasa siya na babalikan pa siya ni Sky. Si Sky yung magto two years ng boyfriend ni Ishie at si Sky ay bestfriend ko at kababata na rin. Habang naglalakad ako sa corridor ay napansin kong maraming estudyante na nagkukumpulan sa gitna na para bang may pinagkakaguluhan at dahil sa curiosity kills me ay nilapitan ko iyon at tinanong ang isa sa mga kaklase ko.

"ano nangyayare rito?"

bago siyamagsalita ay nginitian niya ako ng mapait "tignan mo ng malaman mo" sabay tapik sa balikat ko. Sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng kaba at takot sa di ko alam na dahilan kaya agad akong nakipagsiksikan sa mga estudyante hanggang sa mapunta ako sa unahan.

Si Sky na nakaluhod na may hawak na rosas at isang kahon ng tsokolate na hindi kalakihan at si Ishie na nakatayo habang ang dalawa netong mga kamay ay nasa kanyang magandang mukha pinupinasan ang mga luhang umaagos sa kanyang naggagandandahang mga mata. Ang sakit,gusto ko maiyak sa nakikita ko ngayon. Bumalik siya,binalikan niya si Ishie. Bago pa tuluyang umagos ang mga luha sa aking mga mata ay umalis na ko sa kinaroroonan nila,ayoko na masaksihan pa nga mga susunod pang mangyayare dahil sobrang sakit na.

Nasa garden ako ngayon ng school,nagmumukmok at umiiyak habang nakaupo. Dito pala ako dinala ng mga paa ko ng di ko namamalayan. "bro,ok ka lang?" napalingon ako sa nagsalita,si Bryan pala pero hindi ko sinagot ang tanong niya.

"hay naku,nakita ka nila Kiel na umiiyak kaya agad nila ako tinawag. Tama na yan bro"

"He is back. He fucking came back!!" gigil na sabi ko dahilan upang mapahagulgol ako

"si Sky? pero diba-" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay inunahan ko na.

"yeah,he's here. binalikan niya si Ishie" hindi siya naka imik

Halo HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon