Pinagmamasdan kita ngayon sa isang parke dito rin lang sa atin,kasama ang lalakeng pinagkakaabalahan mong kausap at dahilan ng pag ngiti mo ng kay lawak simula noong ipakilala kita sakanya.
Magkikita tayo noon,dito rin mismo sa parkeng ito. Ipapakilala kasi kita noon sa pinsan kong si Jaik dahil nga gustong gusto mo siyang makilala, siya kasi ang dahilan kung bakit ako laging late umuuwi.
"Mahal,kanina ka pa ba?" nakangiti kong tanong ng makalapit ako sayo saka humalik sa pisnge mo
"hindi naman mahal,kakarating ko nga lang eh" yan ang sinabi mo ng di man lang tumitingin saken dahil naka tingin ka sa likuran ko,kay Jaik mismo.
"ah nga pala mahal si Jaik pinsan ko, Jaik si Kerly girlfriend ko" pagpapakilala ko sainyong dalawa noon.
Bg mga panahong iyon,alam ko na may magbabago. Ramdam na ramdam ko iyon pero di ko na lang pinansin hanggang sa mag shake hands kayo habang nakatingin sa isat isa na para bang kayo lang dalawa kaya tumikhim na ako na ikinalingon niyo naman sa akin.
"So mahal,saan mo gusto pumunta?"
"Ah ikaw na lang bahala mahal"
"Ikaw Jaik san mo gusto pumunta?"
"Sa mall tol,doon na lang tayo,ok lang ba?" sagot niya sa tanong ko saka siya tumingin sayo at tinanong na ikinautal mo namaman. "hah? ah oo"
Ng mga oras na yan,jan nag umpisa ang lahat. Yung kayo yung mag jowa tas ako yung third wheel niyo. Halos di niyo nga ako pansinin eh at kung maka kapit ka sa braso ng pinsan ko mahal, para talagang kayo ang magkasintahan na mahal na mahal ang isat isa.
Kinabukasan non,di mo sinasagot ang mga tawag ko,ni hindi ka man lang nagre reply sa mga chats ko. Kaya napag pasyahan kong pumunta na lang sainyo,pero laking gulat ko na lang ng nasa labas ka ng bahay niyo kasama ang aking pinsan. Masayang naguusap,yung mga ngiti mo noon mahal di ko nakita sa akin, kaya hinintay ko na lang yung chance na umalis si Jaik saka ako lumapit sayo.
"Hi mahal" masagilang bati ko sayo ng makaalis na si Jaik na ikinabigla mo naman, pero di ko na lang pinansin.
"mahal,bat di mo sinasagot tawag ko tapos di ka rin nagre reply sa mga chats ko sayo?" parang batang tanong ko sayo,yun bang naglalambing pero di ka kaagad naka imik.
"a-ano kasi mahal,lowbat ako eh tsaka kagabi nagpalit ako ng sim di ko na nasabi sayo,sorry mahal" nauutal ka ng mga oras na yan mahal,di mo alam kung gaano ako nasaktan ng mga panahong iyan
"ganun ba mahal? o sige save ko na lang bagong number mo"
"he-heto oh" saka mo saken inabot ang cellphone mo
mahal,ilang araw na ang lumipas simula nung ipinakilala ko kayo sa isat isa ni Jaik. ilang araw ka na ring umiiwas saken,.Sa isang araw, di mo sinasagot mga tawag ko tapos madalang ka na lang mag reply sa mga chats ko. masakit para sa akin mahal ko pero ayoko naman maghinala ng basta basta kasi alam kong masasaktan kita.
Isang araw, pumunta ako sainyo ng di ko sinasabi sayo para i surprise ka dahil may dala dala akong flowers at isang di kalakihang teddy bear,yung lagi mong tinitignan sa shop na di naten mabili bili. Pero ako ata ang na surprise mahal kasi nakita ko nanaman kayo ni Jaik sa labas ng bahay niyo pero this time, kayo ay naghahalikan . di ko alam kung ano nararamdaman ko ng mga panahong iyon mahal,pero para akong namanhid sa sobrang sakit. Ni hindi ko nga magawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko eh at di ko rin namalayan na unti unti na palang tumutulo ang aking mga luha mula sa aking mga mata na nakatingin lang sainyong dalawa. Ilang sandali pa ay naghiwalay na ang inyong mga labi mula sa paghahalikan at sa wakas ay may lakas na ko upang gumalaw at makapunta sa harapan ninyo na hindi niyo man lang ako napansin dahil sa matatamis na ngitian at titigan ninyong dalawa.
"Mark" gulat na sabi mo ng makita mo ko
"Hi Kerly,mahal ko para sayo" ini abot ko sayo ang mga hawak ko habang pinipigilan ang luhang tumulo ulit
"Mark,thank you" ewan ko ba kung may halong guilt ang boses mo na nanlalambing habang sinasabi mo ang mga iyan
"Kerly,I love you" hanggang sa unti unti ng tumulo ang aking luha na kanina ko pa pinipilit wag kumawala sa lungga " Ha-Happy Anniversary Mahal ko" pinipilit kong magsalita kahit na iyak ako ng iyak pero mas napa hagulgol ako ng iyak dahil sa naging reaction mo mahal,nabigla ka. Siguro mahal nakalimutan mo,masyado ka kasing abala sa pinsan ko eh.
"Happy Anniversary Mark" bakit ganoon mahal? ang lambing mo pa rin kahit na may nagawa kang kasalanan saken?
"Kerly,mahal mo pa ba ako? kasi di pa tayo nagbi break may kahalikan ka ng iba. yung first kiss na sinasabi mong para sa akin sa kasal naten binigay mo ngayong anniversary naten sa pinsan kong si Jaik" umiiyak pa rin ako ng mga oras na yan mahal
"Mark. Mark Im sorry,si-simula nung pinakilala mo ko kay Jaik,Mark may naramdaman akong kakaiba. yung saya ko sayo pag magkasama tayo mas higit pa pag magkasama kami ni Jaik. Im really sorry Mark" naiiyak na sabi mo kaya nilapitan ka agad ni Jaik para i comfort
"ga-ganun ba?dumatimg na pala yung mas BETTER kesa sa akin" diin kong sabi sa salitang BETTER
"Kerly sabi mo noon kahit dumating pa yang mas better kesa sa akin ako pa rin,ako pa rin yung pipiliin mo kasi ako yung mahal mo. Pero hindi eh,simula nung ipinakilala ko kayo sa isat isa maha- Kerly nagbago ka na. Yung dating isang tawag ko lang sasagutin mo agad pero ngayon di mo na halos masagot sagot tapos yung mga messages kong mabilis mong replyan ngayon ay madalang na lang." mahabang litanya ko na patuloy pa rin sa pag iyak pero ikaw,kayong dalawa ng pinsan ko mahal,wala kayong imik
"ang sabi mo pa nga tayo na talaga eh,walang titibag sa pagsasamahan naten. magpapakasal tayo sa isang isla rito sa Pilipinas tapos yung honeymoon naten ay sa ibang bansa tsaka diba gusto mo pa nga tatlo anak naten,dalawang lalake tapos isang babae,sila Louise Ericka,Si Mikerl tapos si Joseph" nakangiting sabi ko habang umiiyak at nasasaktan at the same time na nakatingin sayo
"Mark,Im really sorry. Please wag ka na umiyak. Sorry kung yung mga pangarap naten ay hindi na matutupad pa" lumapit ka saken nung time na yan saka mo ko hinawakan sa magkabilang pisnge. Nagtitigan tayo niyan habang umiiyak.
"hi-hindi Mahal,nangako tayo sa isa't isa diba? hindi pwedeng mapako yun ikaw na mismo nagsabi"garalgal na boses ko niyan mahal
"Kerly,mahal ko,mahal na mahal kita please,wag mo gawin saken to" pagmamakaawa ko ng nakahawak na sa dalawa mong kamay na nakahawak sa magkabila kong pisnge na pilit ang ngiti
"Mark please,hindi na pwede Mark. Im sorry kung nagkaganito tayo,Im really sorry. Yung mga pangarap naten para sa isat isa hindi na mangyayari at dahil saken yun Mark. Please forgive me." pagmamakaawa mo habang tayo ay umiiyak,mahal hindi ko kayang makita kang nagkakaganyan kaya labis akong nasaktan.
"siya na ba talaga mahal ko? si Jaik na ba?" tanong ko sayo na ikinatango mo
huminga ako ng malalim niyang oras na yan saka ako nagsalita "sigel mahal ko,tatanggapin ko kasi KUNG TAYO,TAYO TALAGA DIBA?" sabi ko habang nakatingin pa rin sayo,sayong mga nag gagandahang mga mata na siyang dahilan kung bakit tayo umabot ng isang taon.
"mahal ko,sabihin mo na.ready na kong pakawalan ka" (masakit man saken pero tatanggapin ko dahil mahal kita) hirap na hirap akong sabihin ang mga katagang yan dahil masyado na kong nasasaktan kaya inalis ko ang ating mga kamay sa mukha ko at ibinaba ang mga iyon saka ko pinisil pisil habang nakangiti.
"Mark,please let me go now,without any hesitation. Because Im letting you go." nakayuko ka,nakayuko tayong dalawa habang ako pinagmamasdan ang magkahawak nateng kamay kung saan ang ating mga luha ay nahuhulog mula sa ating mata.
"I will always love you Kerly" pabulong kong sabi habang umiiyak pa rin at nahihirapan.
Agad kong pinunasan ang aking mata mula sa luhang nagbabadyang tumulo gamit ang aking isang kamay ng maalala ko ang pangyayaring iyon. Gaano na nga ba katagal? Isang taon? Isang taon mahigit na ang nakalilipas mahal ko pero hanggang ngayon Kerly,ikaw pa rin ang mahal ko,ang minamahal ko at ang mamahalin ng pusong ito. Labis akong nasaktan ng mga panahong iyon at nasasaktan pa rin hanggang ngayon. Sana mahal ko ay maging masaya ka sa kung ano ka ngayon at sa kasama mo. Mahal na mahal kita Mahal ko.
Saka ako umalis sa lugar na iyon matapos kong basahin ang kopya ng liham na ipinaabot ko sa mama niya upang basahin niya para makapag paalam sa aking pagalis dahil maninirahan na ko sa states kasama ang aking magulang.

BINABASA MO ANG
Halo Halo
Historia CortaIf you want to read this, I might say that this is a mixed Story. Iba-iba ang mababasa mo,it is because short story lang ang mga nandito. And some of the stories ay ine edit ko pa. So yeah! Enjoy reading!!