Nandito ako ngayon sa teresa ng aming bahay. Napakalamig ng simoy ng hangin at napakaanda ng mga tanawin. Umupo ako atsaka kinuha ang libro at ballpen na nakapatong sa lamesa at nagumpisa ng sumulat.
Sept. 8,2019
Naalala ko pa noon,nangako ka sa akin na hinding-hindi mo ako iiwan. At ang pangakong iyon ay pinanghahawakan ko pa rin hanggang ngayon."Mahal ko" tawag mo sa akin ng may paglalambing sa iyong boses.
"hmmmm?"
"May sasabihin ako sayo" seryoso mong sabi na ikina kunot ng aking noo. "Mahal,mahal na mahal kita. Simula noong una kitang nakita mahal,para bang lumabo na anglahat ng nasa paligid at ikaw lang ang tanging nakikita ng aking mga mata. Sa tuwing lalapit ka sa aken o kaya magkakadikit ang ating mga balat,may nararamdaman akong kakaiba. Para bang kuryenteng dumadaloy sa aking buong sistema. Atsaka sa halos dalawang taon na nating pagmamahalan,Mahal ko napagdesisyonan ko na. Mamahalin kita habang buhay at ipinapangako ko sa iyo na hindi kita iiwan" pagkasabi mo ay lumuhod ka sa aking harapan ng may ngiti sa iyong labi.
"April Lei C. Montereal,will you marry a guy like me that can only give you a good and happy life?"
"Yes,mahal." sabi ko saka tumango-tango. Yan lang ang aking nasabi dahil sa pagkabigla,hindi ko akalain na magpo propose na siya sa akin. Saktong ngayong birthday ko pa.
"Yes? Yes!!!" sigaw mo ng makatayo sa mula sa pagkakaluhod at niyakap ako ng mahipit. "I love you,Mahal" "I love you too,Mahal" sabi natin sa isat-isa habang magkayakap.
Bang!-- gulat akong napatingala sayo. At sa pagtingin kong iyon ay may lumalabas ng dugo sa bibig mo. Ikaw yung tinamaan ng baril na iyon.
"Ma-mahal!!" sigaw ko habang umiiyak. Parang ilang saglit lang ay umiiyak ako sa tuwa at sigla pero bakit ngayon? umiiyak dahil sa kaba,sakit at lungkot?
"Tulong! Tulungan niyo kami!" hagulgol ko. "Mahal,lumaban ka. May parating ng tulong sayo mahal. Di ba mahal nangako ka? hindi mo ako iiwan? laban ka lang please" pakikiusap ko sayo.
"Ma-mahal na mahal k-kita" sabi mo na may tumutulo ng luha sa iyong mga mata.
Napatigil ako sa pagsusulat. Ngayon ko lang namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa aking mga mata. That was three years ago but damn it,it stil hurts me. Parang tinutosok-tusok ng ilang beses ang puso ko sa sakit. That was three years ago pero bakit hindi pa rin ako maka move on sayo,Mahal? Dahil ba pinanghahawakan ko pa rin ang mga pangako mo sa akin na ayokong mapako? Hindi ko kayang palayain ka at bitawan mahal. Kahit na nangungulila na ako sayo,kahit na nasasaktan ako.Ikaw pa rin,Mahal ang mahal ko at dadalhin ko ito hanggang sa mamatay ako.
BINABASA MO ANG
Halo Halo
Short StoryIf you want to read this, I might say that this is a mixed Story. Iba-iba ang mababasa mo,it is because short story lang ang mga nandito. And some of the stories ay ine edit ko pa. So yeah! Enjoy reading!!