Raped

110 0 0
                                    

Napagpasyahan kong maligo dahil sa sobrang init ng panahon. Nanlalagkit na rin kasi ang aking pangangatawan dahil sa pawis.

Inihanda ko na ang aking gagamiting pang ligo,ang paboritong twalya na gagamitin kong pampunas sa aking pangangatawan ang dala-dala ko sa pagpasok ng banyo.

Akin ng hinubad ang saplot sa aking pangangatawan at binuksan ang shower upang dumaloy na sa akin ang tubig. Dinadama-dama ko ito at napapapikit na lang sa tubig na pumapatak sa pangangatawan ko.

Pagkatapos noon ay inilubog ko na ang katawan ko sa bath tub na puno ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam,ang lamig.

Napamulat ako ng mata sa nakakabinging katahimikan na aking naririnig. Kanina naman ay wala pa ito at bakit sa pagmulat ko ay kulay pula na ang buong kwarto? At mas mainit pa ngayon ang nararamdaman ko pero kataka-taka na wala man lang ni isang butil ng pawis sa aking katawan. Hindi na rin ako nakahiga sa bath tub na kanina ay nakahiga ako.

Ngayon ay nakatayo ako kaharap ng bath tub na ngayon ay punong puno ng pinaghalong tubig at dugo. Dugo? Kaninong dugo naman kaya ito? At ng aking tignan ay nagulat ako sa nakita. Bakit ako naroon? bakit ako?! Tanong na naglalaro sa aking isipan. And then a realization hit me so hard! I was raped and killed by my own father and brother. How dare they?! Wala silang awa! Kaya naman pala ay ang init-init ng paligid pero hindi ako pinapawisan, they sent me here in hell! Sinisigurado kong pagbabayarin ko ang ginawa nila sa akin,mapupunta rin sila sa impyerno!

♤Agosto

Halo HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon