Ikalawang Tula

348 1 0
                                    

Ang musika ay tumutugtog na
Ang bawat magkapareha ay nagsasayaw na

Ikaw? kailan mo gusto na ikay aking isayaw?
Kailan mo gustong pagbigyan ang aking kahilingan?

Simple lang naman iyon
At iyon ay maisayaw kita ng marahan

Pero bakit nga ba ayaw mo?
Dahil ba hindi ako ang gusto mo?

Ah oo nga pala
May hinihintay ka palang iba

Ang nagpapatibok sa puso mo ng kay tagal
Na hinihiling mong isayaw ka ng mabagal

Pero kung maaari sana
Pwede bang ako na muna sa iyo ang magsasayaw?

Iyon ang kahilingan na matagal ko ng pinapangarap
Ang maisayaw ka at mayakap

Kaya sana ay akoy iyong pagbigyan
Pangako ko saiyo na itoy iyong hindi pagsisisihan

Kaya sana ay iyong pagbigyan
Na maisayaw ka ng mabagal sa kanilang harapan

♤Agosto

Halo HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon