♤AugustPsyche
*Bagong umaga nanaman* sabi ko sa aking isipan ng makabangon ako sa aking higaan. Pagkabangon ko ay dumiretso na ako ng banyo para maghilamos at mag sipilyo pagkatapos ay naligo na rin ako.
Nakaligo na ako at nakabihis at ngayon ay kikitain ko si Liana sa park dahil sa First Anniversary namin.
Hindi ko lubos akalain na ang dating hinahangaan ko lang eh ngayon ay girlfriend ko na.
"Kanina ka pa ba rito Liana?" tanong ko ng makarating ako sa kinaroroonan niya rito sa parke.
"Hindi babe,kaakrating ko lang rin. I mean kakaupo ko lang hahaahha" sabi niya saka tumawa. Ang kyut.
"ikaw talaga" sabay kurot sa magkabila niyang pisnge. "so saan mo gusto pumunta?" tanong ko
"kahit saan babe basta kasama kita" sagot niya sabay kindat saken.
"why the heck kinikilig ako sa simpleng pag ganyan mo?" kilig na tanong ko sakanya.
"hindi ko alam"
"siguro kasi mahal na mahal mo ko"pa cute gestures niya.
"geeez babae"
"punta na lang tayo ng mall" pagiiba ko sa usapan namin dahil sa ako ay kinikilig.
"sige babe" sabay kapit sa aking braso.
isinakay ko na siya sa kotse ko na regalo sa akin ng aking mga magulang nung 18th birthday ko.habang nasa biyahe kami ay hindi ko mapigilang pagmasdan siya at sa tuwing mahuhuli niya akong nakatingin sakanya ay ibabalik ko agad ang tingin sa daan at mapapangiti na lang.
ilang sandali pa ay nakarating na kami sa mall di kalayuan sa parke. pumunta muna kami sa Jollibee kung saan ito ang pinakapaborito niyang kainan. siya na ang naghanap ng mauupuan namin at ako na ang nagorder ng makakain namin at siyempre ang in order ko ay ang paborito niyang Burger,cokefloat at fries at sa akin naman ay spaghetti,cokefloat at fries. ng makapgorder na ako ay dinala ko na ang in order ko sa kinaroroonan niya.
"here is your order ma'am" sabi ko ng mailapag ko ang tray sa lamesa.
"pffft baliw,maupo ka na nga"masayang sabi niya na ikinaupo ko naman. ng makaupo ako ay agad niya akong pinunasan sa may noo hanggang sa may leeg ko na ikinatingin ko sakanya.
"nagpapawis ka po kasi"sabi niya na ikinangiti ko.
"alam na alam mo talaga kung ano gusto ko kainin no babe?"
"oo naman,kilalang kilala na yata kita" sagot ko sa tanong niya
habang kami ay kumakain ay napatingin ako sakanya. may tirang sauce sa labi niya pagka kagat niya nung burger niya kaya pununasan ko iyon gamit ang hinlalaki ko saka ko iyon sinubo na ikinapula naman niya na may halong iling.
pagkatapos namin kumain ay pumunta naman kami palaruan dito sa mall-(Time Zone). naglaro kami nung sa may bola,basketball kumbaga at paramihan kami ng shoot doon. sinunod namin yung baril barilan at ang hinuli namin ay ang pagvi video kung saan ay marami kaming kinanta pero kung tutuusin ay siya lang ay kumanta sa amin dalawa dahil ang ginawa ko lang ay pagmasdan siya at kumuha ng larawan niya ng di niya nalalaman.
"napagod ka ba babe?" tanong ko na ikinatango niya dahilan upang mapangiti ako.
"saan mo ba gusto magpahinga?" tanong ko uli.
"kahit saan babe basta relaxing" saGot niya saka ko hinawakan ang kanyang kamay upang dalhin sa isa sa mga pinaka relaxing na lugar na alam ko.
Habang kami ay nasa daan ay unti-unting nagliliwanag ang mga nakikita ko. wala akong makitang iba kundi liwanag lang,wala na si Liana sa tabi ko at napunta na lang ako sa lugar na hindi ko alam kung saan. Naramdaman ko na lang ang pagkakahulog ko mula sa bangin hanggang sa mapamulat ako ng aking mga mata.
Panaginip lang pala ang lahat,panaginip lang na akin siya-si Liana na matagal na akong may pagka gusto.
Dali-dali akong bumangon at tumungo sa banyo upang maghilamos at maligo at pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking sasakyan at pumunta sa aking destinasyon habang iniisip ang di kapanipaniwalang panaginip na aking napanaginipan.
Again its,
♤AugustPsyche
(ang storya na ito ay naka base sa ipinanood sa amin ng aming guro sa Filipino)
BINABASA MO ANG
Halo Halo
Storie breviIf you want to read this, I might say that this is a mixed Story. Iba-iba ang mababasa mo,it is because short story lang ang mga nandito. And some of the stories ay ine edit ko pa. So yeah! Enjoy reading!!
