I♡KMJS NA YAN!
BUHAY NA BAYANI NG BAGONG HENERASYON
SANA ALL
BASURA MO,KARGO MO!
TARA! MAG-HUGAS TAYO.
KARUPOKAN 101"Napakaraming balita nanaman ang rumaragasa! nagbabaga!"
Malakas at masayang banggit ng dalawang mang-uulat. At ang kanilang ibina-balita ay nataong nasa dyaro rin na ngayon ay binabasa ko. Ang lahat pala talaga ay nakasulat sa dyaryo ngunit may ipanagtataka ako. Natapos ang balita ng hindi man lang ibinabalita ang isang binatang nasa edad Disi-siyete hanggang Disi-nuwebe.
Base rito sa dyaryo na aking binabasa ay nakahilata ang isang binata na duguan at halos hindi na siya makilala dahil sa nangyari. Tumalon ito sa isang gusali ng wala man lang rason. Ang kanyang ulo ay nabiyak at ang kanyang pangangatawan ay nagkalatoglatog.
"Jo...seph" mahinang bigkas ko. "Joseph Mariano?" hindi makapaniwalang sambit ko. Si Joseph Mariano ang matalik kong kaibigan na bigla na lang nawala na parang bula. Ngayon ay alam ko na kung bakit siya tumalon, kung bakit siya nagpakamatay.
Tungkol ito sa gobyerno, tinakot siya ng mga ito na kung ipagkakalat niya ang nalalaman niya, sila na mismo ang tatapos sa buhay niya. Siya rin ay pinagbintangan sa isang pagkakasala na hindi naman niya ginawa. Nakakaawang kaibigan, nasayang ang buhay niya ng dahil lang sa isang usapan. Kaya siguro hindi ito ibinalita, Gobyerno kasi ang may gawa.

BINABASA MO ANG
Halo Halo
Short StoryIf you want to read this, I might say that this is a mixed Story. Iba-iba ang mababasa mo,it is because short story lang ang mga nandito. And some of the stories ay ine edit ko pa. So yeah! Enjoy reading!!